Chapter 6

25 3 0
                                    

Nag-chat ako sa gc ng klase, punyeta naglagay ng bato sa bag ko. P'wede na maupuan sa laki.

Gaia: MAMATAY NA NAGLAGAY NG BATO SA BAG KO!

Jack: Malabong mamatay ng maaga ang masamang damo.

Gaia: Qaqo! Pukpok ko sa'yo 'tong bato para deretso impyerno ka!

Jack: Crush na crush mo talaga ako, noh? Hanggang kamatayan gusto mo ko makasama.

Ang kapal ng mukha nitong hayop na 'to.

Gaia: Oo dati, pero nagbago ang lahat nung lumusob ang Fire Nation. Ang avatar lang na kayang kontrolin ang apat na elemento ang makapipigil sa kanila pero nung panahong kailangan s'ya ng mundo, bigla syang nawala. Isang daang taon ang lumipas, nadiskubre namin ng kapatid ko ang bagong Avatar, si Aang na isang air bender. Pero kahit eksperto sya sa paggamit ng air bending, marami pa rin syang kailangang matutunan. Pero naniniwala akong kayang iligtas ni Aang ang mundo.

Akala niya siya lang marunong mang-inis, ha.

Kupal Calling~

"Ano nanaman bang problema natin Jack?", Kupal name niya sa contacts ko kasi kupal naman talaga siya.

"Ano teh, pasarap ka sa buhay? May test bukas sa Math. Aral aral din 'wag puro harot", ang dami p'wedeng pag-aralan, Math pa?

"Qaqo, baka may maitindihan ako?", ang daming problema diyan sa Math. Puro numbers pa! Eh, number lang ni Vivico ang gusto ko.

"Malamang wala. Basta pumunta ka nalang dito, dalian mo andito sa may court Vichenzo mo", ayon naman pala. Andun si Vivico, ba't ngayon lang niya sinabi?

"Qaqo pre, otw na ako!", nagmadali ako magbihis at tumakbo sa bahay ni Jack.

"Hello po, Tita Rose. Sina Jack po?" pagbati ko sa mama ni Jack.

"Ah, sina Jack? Andun sa sala puntahanan mo nalang", sabi ni Tita Rose.

"Maraming salamat po", nakakapanibago ang galang ko masyado.

Pagdating ko sa sala nila. Parang may paparating na kalamidad dahil nag-aaral sila!

"Paseminar naman, Jack kung paano makuha sagot niya", tanong ko.

"Kararating mo lang, landi pa din ang nasa isip. Kaawaan ka sana ng Panginoon", nag-sign of the cross pa talaga ang yawa.

"Qaqo, ang kapal ng mukha mo mag-sign op da cross, eh, nilagyan mo nga ng bato 'yung bag ko. Hulog kita sa impyerno, eh", kala niya nakakalimot ako? Basta kasalanan, 'di ko makakalimutan!

"Relax ka lang, ang hot mo masyado. 'Di pa ako namamatay pinapatikim mo na sa akin kaagad ang impyerno", de pungal siya. Sinong 'di magagalit kung siya lang ang bwiset sa buhay mo.

Nanahimik ako bigla nang makita ko si Tita Rose na nag-aayos ng pagkain. I smell libreng merienda.

Kalma self, 'wag kang titingin kay Tita Rose. Mahahalatang patay gutom ka.

"So, asan si Vivico?", pag-iiba ng usapan.

"Nasa court diyan sa labas, naglalaro ng basketball", parang gusto ko tuloy lumabas at manood. Tapos ako magpupunas ng pawis niya, i feel jowa na, eh.

Tsaka ang boring naman dito.

"Vro! Laro tayo Uno? Game?", pag-aaya ko.

"Kararating lang ng gaga, laro kaagad initindi", aangal pa ang potres.

"Pinapahirapan niyo pa sarili niyo. Tumabi nalang kayo sa matalino, at siya na magdidikta ng kapalaran mo!", pandedemonyo ko.

"Magpahinga muna kayo, oh. May pagkain dito", sa puntong ito, si Tita Rose lang supportive sa buhay ko.

Ang sarap naman ng merienda namin, may shanghai! Pero kalma lang muna tayo. Hindi tayo p'wede mauna dahil mahahalatang patay gutom.

"Jack kumuha ka na ng pagkain dalian mo", sabi ko dito.

"Luh? Bakit ako pa?", lahat na ata ng sinasabi ko dito inaangalan niya, eh.

"Malamang para 'di halatang patay gutom ako", sabi ko sa kaniya.

"Teh, alam na ng buong barangay na patay gutom ka. Ubusin mo na kung ayaw mo maubusan ka", sabi ni Jack.

May punto siya, a, kasi pag may fiesta lagi ako present.

Kinuha na ni Jack 'yung Uno niya. Sabi na, eh, denial pa ang kumag. If I know, nabuburyo na din sa pag-aaral 'to.

"Ang matalo sa ating dalawa may dare, ha? Kayong dalawa, sali kayo sa dare?", paghahamon ni Jack.

"Pass kami sa dare, p're. Cheer nalang namin kayo", sabi ni classmate 1.

"Kami na bahala sa tawa", sabi ni classmate 2.

MGA DUWAG!

Binalasa na ang baraha. Dito magkakaalaman kung sino ang hindi paboritong anak ni Rold.

Nang makuha ko na ang baraha ko. May +4, may alas na ako mamaya pag nagsimula ang digmaan.

Dadalawa nalang kami ni Jack na naglalaban. Nireserba ko lahat ng plus ko at cancel para sa moment na 'to.

Ako na ang titira,

SIMULAN NA ANG GYERA!

Cancel

Cancel

+4

+2

+2

+2

+2

UNO!

Naramdaman ko ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa aking kamay, pagyanig ng kalupaan at pagpigil hininga ng aming audience.

"P're, sana handa ka na mapahiya", sabi ko dito.

Pagtapos ko mang-asar ay tsaka ko binaba ang aking huling baraha.

1 (Red)

Malamang, nababa ko na lahat ng special cards na nasa'kin, eh.

"Ang daya! Nagtago ka ng card, eh!", panunumbat niya.

"Qaqo, pasa mo pa sa'kin gawain mo, ah", sinumpa ata 'to para maging maswerte.

"Ayusin mo dare mo. 'Di ko p'wede ibigay virginity ko sa'yo hangga't walang kasal", ang kapal nito, kala niya interesado ako sa virginity niya.

"Akala mo naman ang ganda ng katawan mo", To see is to believe, ika nga. Pakita niya muna, oy!

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon