Chapter 1

72 15 16
                                    

Gaia

"Akin na ambag mo sa classroom"

Grabeng bungad naman ito sa umaga. Walang good morning, singil kaagad, feeling ko future nito konduktor.

"Grabe naman 'yang bungad mo sa akin, vro, wala manlang tanong kung napagod ba ako sa byahe o di kaya pinaakyat mo muna ako sa room natin. Singil kaagad?", pagrereklamo ko dito.

"Hoy, wala pang umaakyat sa room, hinihintay pa mag 7:15 bago tayo paakyatin ni ser. Tsaka pake ko naman sa'yo 'di naman kita jowa", aba't parang 'di kaklase 'to, ah?

"Jack, kaibigan kita, ha. Kung 'di kaibigan, klasmeyt. Magkadikit na bituka natin since grade 7 at grade 12 na tayo ngayon", ayaw gulo gusto pa away.

Si Jack De Guzman, kaklase ko since day 1 at Treasurer ng klase namin sa STEM-12.

"Ang dami mo pang satsat, magbayad ka nalang dalawang linggo ka nang 'di bayad kaya 20 pesos ibayad mo, Gaia", pagtataray ni Jake, may pa-role eyes pa siya gh0rl.

Kinapa ko 'yung bulsa ko para kunin wallet ko. Pero nanigas katawan ko nung 'di ko ito makapa. Buti nalang nakapa ko cellphone ko kala ko kamatayan ko na, hihimatayin lng muna ako.

"Vro, ay eym beri sori 'di ko makapa ang wallet ko", pagdadahilan ko baka makalusot.

Hinawakan ni Jack ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng seryoso.

Syempre 'di ako kumibo at tiningnan siya, ang gwapo kaya neto ni Jack pero 'di ko siya type kasi bwiset siya sa buhay ko.

Habang abala ako sa pagtitig kay Jack, kinuha na pala niya ang cellphone ko. Shet, baka ano makita niya dun!

Tiningnan niya ang likod ng cellphone ko. Damn, andoon pala sa likod ng case ko nakaipit 'yung pera. Minus 20 nanaman, balak ko pa naman tumambay sa piso net. Lalaro lang ng Y8. #GamingEzLayp

"Okay, bayad ka na din sa wakas. Tigilan mo na din pala pakikinig mo ng Ama Namin Remix, Gaia. 'Di ka talaga papapasukin sa langit sa ginagawa mo", sabi ni Jack.

Luh, mga demonyo kasi nagshare nu'n sa Fb.

"Andiyan na si ser!"

Pumila na kami sa may gate. Walang sawa nanamang 'Good morning' eto.

"Good morning, sir" ang lungkot naman neto bumati.

"Good morning"

"Good morning, ser", si Jack 'yan.

"Good morning, Jack", Lodi! Buti pa si Jack kilala.

"Good morning, ser!", kailangan energetic para mapansin ako ni ser.

"Miss Gaia", o tingnan mo, napansin kaagad ako.

"Yes po, ser?", nginitian ko pa.

"Id mo asan?", tanong ni ser.

Ay potres 'yung Id ko 'di ko pala suot. Dali ko itong kinuha sa bag ko at sinuot.

"Sorrehmasen, ser", pagpapaumanhin ko.

Nagmamadali ako umakyat kasi nakakahiya. Tapos madadatnan ko sa may hagdanan ay ang ungas kong kaibigan, walang iba kundi si Jack na tumatawa pa.

Parang 'di kaibigan, pasimuno pa sa pamamahiya sa akin. Pasalamat talaga gwapo.

"Grabe ka, vro! 'Di mo manlang ako ipagtanggol ikaw pa talaga pasimuno sa pagtawa", panunumbat ko dito.

"Tanga mo kasi, HAHAHA", pang-aasar ni ungas.

At ayon, hanggang sa 4th floor papunta sa classroom ay tumatawa pa din siya.

"Gaia!!", parang wala sa iisang classroom kung sumigaw ito.

"Baket? Ako na nagsasabi sa'yo, wala akong kasalanan", pangunguna ko.

Mabuti na siyempre ang ligtas.

"Bayad mo sa Pitak at Math Time? 50 pesos sa Pitak at 200 pesos sa Math Time", paniningil niya with matching nilahad ang palad.

Grabe talagang buhay 'to. Nung nasa baba na kami 'di pa siningil lahat lahat.

"Jack, nasa baba na tayo kanina ngayon ka pa naningil?", pagrereklamo ko.

Oo, si Jack ulet. Ang ungas na naniningil sa akin.

"Sabi mo paakyatin muna kita sa room?", nagtataka niyang tanong.

"Qaqo, umagang umaga pumuputok mga ugat ko", sabi ko habang hinihilot ang ulo ko.

"Buti 'di pa nauubos ugat mo, bayad mo pala?", taena bayad pa din ang nasa isip.

Inabot ko na sa kaniya ang 250 pesos niya. Sana mawala niya pondo ng classroom, hmp!

"Jack, pakopya assignment, dalian mo paparating na si Ma'am", pagmamadali ko dito.

Sabi nga nila, kung kaya mo gawin ngayon edi magagawa mo din bukas.

"Ang tamad mo parang 'di section 1 dati", nanlait pa ang kupal.

"Hayop ka, parang 'di mo gawi 'yan. If I know pinapalitan mo din mali mong sagot sa assignment tuwing checkan na", pagbibintang ko dito.

Walang perpektong estudyante, ika nga. Pero matalino 'yang si Jack napaka-tarantado nga lang.

"Ang dami mong sinasabi, 'di kita pakopyahin diyan eh", pananakot niya.

"Aylabyu, vro! Pakiss nga ako, kulang ka ata sa lambing, eh", nakanguso kong saad.

Tila nandiri ata etong si Jack kasi umasim ang mukha, ang kapal talaga ng mukha.

"Kunin mo na notebook ko, ibahin mo nalang 'yung words para 'di halata", sabi sa'yo 'di ako matitiis neto.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon