Chapter 5

23 3 0
                                    

2:30 p.m. palang, may 30 mins. pang natitira bago mag-uwian. Nasa room pa naman gamit ko, shet naman.

"Jack, babalik ka na sa room?", kung 'di siya babalik, edi hindi din ako.

"Malamang, hindi. Kain muna tayo sa canteen?", maasahang tunay talaga itong si Jack sa panahon ng kalamidad.

At ayon, masaya kaming kumain sa canteen.

Pagkatungtong ng 3pm ay tsaka na kami umakyat sa room. Sakto pagkarating namin paalis na si Ma'am.

Tumayo na silang lahat at nag-ayos ng gamit.

"GUYS! WALA MUNANG UUWI", sigaw ni Pres.

Dis btch is making me angry, ha!Tangna uwing uwi na kami dito, oh!

At padabog na umupo ulit ang buong klase. "Kalma niyo mga itlog niyo, pag-uusapan lang natin kung sino iboboto natin para sa SSG President", napaka basic ng problema edi 'yung Vivico iboto niyo!

"Si Luis ang iboto niyo dahil magaling siya magtagalog, pogi pa!", 'di talaga magpapatalo etong si Jack.

" 'Wag 'yang si Luis. Si Vichenzo iboto niyo! Englisher na, pogi pa!", hindi din ako basta basta susuko, mga hangal!

"Si Luis ang karapat dapat dahil mahal ang sariling wika!", nanghahamon ng away itong si Jack, ampota.

"Si Vichenzo ang wan and only dahil siya ang da wan por me!", wala na ako maisip, eh.

"Umuwi na kayong dalawa! Tapos na ang botohan si Vichenzo ang iboboto ng tatlo tas kay Luis 'yung dalawa", sabi ni Pres.

Nagsiuwian na pala 'yung iba.

"Luh? Ba't dalawa lang kay Luis?", humirit pa ang gunggong!

"Pasalamat ka nga may boto siya, eh. Garapal ka masyado", pakikipag-away ko.

"KAYONG MGA BILAT MAGSIUWI NA DAHIL MAGLILINIS PA KAMING CLEANERS. HOY! GAIA HINAYUPAK KA, CLEANERS KA HALIKA DITO MAGTAPON KA NG BASURA", sigaw na sigaw 'yung leader namin. Kala ko naman makakatakas na ako.

"Ang gulo naman neto. Sabi niyo magsiuwi na?", tanong ko.

"Ano ka? Ikaw lang pinanganak ng Diyos? The chosen one? Ulowl, sa ating lahat ikaw ang babagsak sa impyerno dahil ang tawag mo kay Papa Jesus ay Susej! Ano siya pagkain?", grabe siya, personalan na ata 'to. Uwian na, 'di na masaya.

"Kalma lang, sis. 'Yung puso mo napunta na sa iba pero 'di ka naman gusto", pagpapakalma ko sa kaniya. Ang hot niya masyado, eh.

Bago sumapit ang ikatlong digmaang pangkalawakan, kinuha ko na ang basura at ang bag kong walang laman, at lumabas na ng classroom. Breathing teknik no. 69, takboooo.

"GAIAAAA MADAPA KA SANA!", sigaw ni lider na para bang katapusan na ng earth.

Maliit na bagay, dapa lang naman. Ang sugat gumagaling pero ang ganda ko wala pa ding kakupas-kupas.

Pagkatapos ko magtapon ng basura, ay nakita ko si Vivico ko na palabas na ng school. Feeling ko hinintay niya ako, 'wag niya pahalata masyado baka ideretso ko siya sa simbahan.

Buti nalang 'yung daan niya pauwi ay daan ko din. Ang bigat kasi ng bag ko nakakapanibago.

Nasa may sakayan na kami ng Jeep sa may P. Tuazon. Nang makita ko si Manong na nagbebenta ng kalamares at gulaman.

"Kuya! Pabili nga po, 5 kalamares po", napalakas ata kasi napatingin sa akin si Vivico.

"Vivico, gusto mo din?", inaya ko baka sabihin ang bastos ko. Slight lang naman.

"Thank, Gaia", pagpapasalamat niya.

Asgkahdgs. ALAM NIYA NAME KO. MA! IKAKASAL NA AKO!

"Kuya pabili din po limang kalamares", wow same kami ng order. I feel kopol na.

"What's your full name?", ako ba tinatanong niya?

"Bakit mo naman natanong?", baka isulat niya ako sa death note. 'Di pa ako p'wede madedski! Marami pa akong pangarap sa buhay! 'Di pa ako nakakahanap ng mayamang kano.

"You know mine, so, I shoud know yours?" sabagay, may punto siya.

Inalaman ko lang naman kung bagay ba apelyido niya sa'ken, eh.

"Gaia Bituin Santos from 12-STEM", pagpapakilala ko.

"I'll call you, Gabi", NICKNAME BASIS NA KAMI! Naririnig ko na ang kampana ng simbahan!

"Areglado, Vivico! Gusto mo din ba ihatid ako sa bahay?", tanong ko.

"What for?", Nakakaloka na english neto. Pasalamat gwapo!

"Para alam mo kung saan ka aakyat ng ligaw", ang kapal ko gh0rl, ha.

"Iha, ito gulaman. Sagot ko na, para mahimasmasan ka", singit ni kuya na nagbebenta.

"Grabe si Kuya, oh, basher", siguro type din ni Kuya si Vivico. Manigas siya diyan! Nauna ako, hmmp.

May dumaang tricycle, sign na ata 'to. Nabibigatan na talaga ako sa bag ko. Bukas nalang ako babawi ng landi.

"Vivico, bukas mo nalang alamin bahay ko. Mauuna na muna ako umuwi", pagpapaalam ko. Feeling jowa, eh.

Tumango lang siya. Grabe ang isnabero wala manlang farewell bati. 'Wag ka sanang madapa!

Pinara ko na 'yung tricycle para makauwi na ako sa bahay. Pagkauwi ko, tiningnan ko laman ng bag ko. Kasi nakakagulat 'yung bigat, samantalang wala ako dalang libro at isang notebook lang binitbit ko.

Nagmamadali ako pumasok ng bahay pagkabayad ko ng tric. Pagkapasok ko binagsak ko ang bag ko sa sahig. Tumunog siya! Kakaiba 'yung tunog akala ko may bomba.

Pagkabukas ko ng bag, potangina may naglagay ng bato sa loob ng bag ko.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon