Chapter 7

21 2 0
                                    

"I was a girl in the village doing all right", kanta ng isang lalaki na parang bakla sa labas ng bahay.

"Then I became a princess over night 
Now I gotta figure out how to do it right. So much to learn and see!", pagpapatuloy niya habang paikot-ikot sa suot niyang dress.

"Up in the castle with my new family 
And a school that's just for royalty. 
A whole enchanted world is waiting for me. I'm so excited to beee", pagtigil niya saglit para sa paparating na chorus.

"Sofia the First!", sigaw ng dalawa niyang back-up singers na napag-alaman kong nakipagtulungan sa suspect na lagyan ang bag ko ng bato.

"I'm finding out what being royal's all about", pagpapatuloy niya.

"Sofia the First!", pagsigaw ulit ng back-up singers.

Mukhang halata na kung sino sila. Si Jack na malupet and friends. Ito na ata ang malupet na dare sa buong daigdig!

"Making my way, it's an adventure every day!"

"Sofia!"

"Go, anak! Smile sa camera!", Luh, si Tita Rose ang supportive. May vini-videohan pala siya.

"Anak, ayusin mo naman pagkanta", andito pala si Tito, HAHAHA.

"HAHAHA, ayusin mo naman pagkembot mo, Jack! Nanonood sina tita, oh!", pang-aasar ko.

"It's gonna be my time", sayang make-up nito kung 'di siya ngingiti.

"Sofia!", itong back-up singers niya ang tatamlay. Walang thrill!

"To show them all that I'm 
Sofia the First!", ang ikli naman ng kanta! 'Yun na 'yon?

"I swear, HINDI AKO BAKLA! Napilitan lang ako mga girls.", nag-explain pa ang hayop sa mga babae niya.

"Sabi mo, eh. Bakit nakapameywang ka?", pagsingit ko.

"I'm into character pa, eh. Paks mo ba?", yuck, nakataas pa ang isang kilay.

Dumidilim na ang gabi. Kailangan ko na umuwi.

"Uwi na ako, Jack! Bukas ulit!", pagpapaalam ko.

"Bitch, it's Jackie!", Jackie ampota, HAHAHA. Jack sa umaga tapos Jackie sa gabi.

Pagdating ko sa bahay, tsaka ko lang naalala ko. 'DI KO MANLANG NAKITA SI VIVICO!

Scam ata si Jack, eh. Dumaan kami sa court wala naman si Vivico, eh.

Nagbihis nalang ako para makatulog. Kung hindi ko siya nakita ngayon, makikita ko siya bukas.

Alarm Clock sfx~

5:01 a.m.

Nagising ako ng 5am, masyado pang maaga. Tulog muna ako saglit mga 5mins.

Alarm Clock sfx (1)~

6:05 a.m.

Potaragesss! Sabi ko 5mins. lang, eh

Nagmadali ako mag-ayos. At kinuha ang gamit ko at baon. Kampante naman ako na wala ako makakalimutan sa gamit ko dahil hindi ko naman ginagalaw 'yan sa bahay.

Nakarating ako sa school bago mag 7:30 a.m. wala pang dasal 'yan. Paano na kaya pag nagdasal pa ako.

~Recess Time~

Naging mabilis nalang ang oras dahil nakatulala lang naman ako buong klase.

Pagtingin ko kay Jack, mukhang may kinukuha sa bag niya. Himala at nagbaon siya?

Ay, pota oo nagbaon nga. Hindi nga lang pagkain, kundi kutsara.

"Parang qaqo, Jack. Walang baong pagkain pero may baong kutsara", sabi ko sa kaniya.

"Nakakapanghinayang kasi mga baon ng mga kaklase natin. Hindi inuubos, kaya ako ang uubos", at masaya niyang naikot ang mga baon ng buong klase.

"Gaia, 'di ka pa kakain? Tara kain tayo sa canteen", aya sa akin ni Classmate 1.

"Tinatamad ako bhie", balak ko sana matulog kasi after recess, test na sa Math.

"Libre ko, tara na?", pota, biglang tumigil ang mundo at nasa may pintuan na ako.

"Bhie, ba't and'yan ka pa? Tara na sa canteen!", nasa may upuan ko pa kasi, ang bagal naman neto.

"Ang buraot masyado ni Gaia, tsk tsk", sabi ni Jack. Ang kapal Jack, ah, ang kapal.

Pagtapos namin kumain, exam na. Buti nalang katabi ko, Math Lord.

"Okay class, pass the paper at the back at magsimula na kayo", sabi ni Sir Ricky.

"Ser! P'wede po manghiram ng Sci Cal sa kabilang room?", sinadya ko iwan Sci Cal ko para makahiram kay Vivico, hehe.

"Dalian mo, Gaia.", sabi ni Sir.

"Areglado, Ser!", at pumunta na ako sa kabilang room.

Ngayon ko lang na-realize na HUMSS pala ang katabing room namin at si Mama Aurora ang adviser nila nang makita ko si Mama na nagtuturo sa kanila at ang 'Welcome to 12-HUMSS' sa may pintuan nila.

"Ma! Excuse me po, p'wede po makahiram ng Sci Cal sa kanila?", pagpapaalam ko.

"Vichenzo, may Sci Cal ka?", ang supportive naman ni Mama!

"Yes, wait lang po", kinindatan ako ni Mama, kaya nag-finger heart ako sa kaniya.

Lumapit sa akin si Vivico ko at binigay ang Sci Cal niya.

"Thank you, Vivico, ha. Akin na muna ito, hehe", sabi ko sa kaniya.

"Yeah, sure", sana pati ikaw din, hehe.

"Eh ikaw?", pagtatanong ko sa kaniya.

"I'm fine, I can manage naman", mali ata pagkakaitindi niya.

"No, I mean, p'wede ikaw, akin din?", banat ko sa kaniya.

"YIIIEEEE!!", sabi ng madlang pepol.

"Tama na 'yan, Gaia. Bukas ulet", grabe si Mama, ano 'yun? Patikim lang?

"Sige po, salamat nalang sa lahat", pagpapaalam ko.

Bumalik na ako sa room namin para makapag-exam.

Nakita ko si Jack na patingin tingin sa paligid. Hayop talaga, 'yung tipong mga kaklase namin namomoblema sa pagsolve tapos siya namomoblema kung paano kainin 'yung Oreo niya nang hindi nahuhuli.

Umupo na ako sa upuan ko para makapagsimula.

"Nagkapagbasa ka Jack?", tanong ko sa kaniya.

"Hindi, eh", sabi niya habang ngumunguya.

Habang kumokopya ako ng sagot kay Math Lord, nagtataka ako kung paano niya sino-solve.

"Sa'n galing 'yung -5?", tanong ko.

"Nilipat sa kabila", sagot niya.

"Eh 'yung--"

"Kumopya ka nalang, jusko ka", pagputol niya sa sinasabi ko.

Grabe siya, masama bang hangaring matuto?

Pagkatapos ng exam ay chineckan na namin.

48/50 akin,

si Jack din 48/50. Lah? Sabi niya 'di siya nagkapagbasa?

"Kala ko ba 'di ka nakapagbasa?", sumbat ko dito.

"Hehe, nakapagbasa ako ng onti ng sagot mo", ang galing ni kopal. Nangopya ako sa katabi ko tapos 'yung katabi ko nangopya sa akin.

"Onti pero kaparehas 'yung score ko, parang qaqo Jack" singhal ko sa kaniya.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon