Chapter 9

22 1 0
                                    

"May nawawala ba sa'yo, Gaia?", tanong ni Classmate 1. Parang may tinatago ang kupal.

"'Yung puso ko kasi na kay Vivico na", banat ko sa kaniya habang iniisip ko kung anong nawawala.

Putcha! 'Yung bolpen ko 'di ko makapa sa bulsa ko.

"MAMATAY NA NAGNAKAW NG BOLPEN KO!", sigaw ko sa buong classroom. Inang 'yan kabibili ko lang kahapon nawala kaagad?

"Bolpen lang ba nawala?", maang tanong ni Classmate 1. Luh? Mayroon pa?

"Taena mo, Jack. Anong kalokohan nanaman ba pinaggagawa mo sa akin?", bintang ko kay Jack.

"Luh? Ako kaagad? Ako lang ba ang masama dito sa classroom?", depensa niya sa sarili.

"Ikaw lang naman pasimuno ng lahat, eh. Balik mo na bolpen ko, hoy!", sigaw ko sa kaniya.

"Parang timang, Gaia. Nakaipit sa buhok mo bolpen mo", weh? Hinawakan ko ulo ko, Oo nga! Inipit ko sa tali ko.

"Gaia, buti buhay ka pa? 'Kala ko ba mamamatay na magnakaw ng bolpen mo?", pang-aasar ni Jack.

"Hindi pagnanakaw 'yun pag mismong may-ari kumuha", balik sagot ko sa kaniya.

Maya't maya naisip ko na kung anong tinago ng mga kupal kong kaklase.

"SA NAGTAGO NG CELLPH--",

"Good day, class. Mag-ready kayo ng 1/4 para sa quiz", biglang pasok ni Ma'am. Hala shet, QUIZ KAAGAD? Parang 'di naman nagturo 'tong si Ma'am.

"1/4 po, Ma'am?", tanong ng bugok kong kaklase.

"Ay hindi, 1/2. Kasasabi lang 1/4, eh", pamimilosopo ni Ma'am.

Hayup! Wala akong 1/4.

"Sino may 1/4? Penge!", sabi ko.

"Okay class, no. 1", ANG BILIS NAMAN.

"Ma'am weyt lang po! Huhu wala pa ngang papel, eh", reklamo ko.

Nakita kong may 1/4 pad si Jack. Hayp deretso ako nagpunit wala na paalam paalam.

"Ang buraot, Gaia, ah", sabi ni Jack.

"Makinig ka kay, Ma'am pakopya ako sagot", sabi ko dito.

"Okay no. 5", nagmamadali ata 'tong si Ma'am.

"Ma'am, huhu kalma lang po ano po ulet no. 1?", sabi ko kay Ma'am.

Walangya 'yung cellphone ko pa tinago ng mga ungas.

~

Vacant namin ngayon at kanina pa ako inaantok. Pinagpagan ko nalang ang sahig at bag para makahiga ako.

"P're natutulog ka?", pangungulit nito.

"P're? Bakit nakapikit ka? Natutulog ka?", pangungulit pa din nito.

"P're?", at sinipa ako. "P'reee earthquake drill na!", sinisipa pa din ako.

"Sabihin mo ako 'yung injured para buhatin ako", sabi ko sa nangungulit na Jack.

"P're, ang dumi ng sahig. Bakit diyan ka natutulog?", ang daldal nito potres.

"Bakit, may kama sa classroom?", asar na tanong ko dito.

"Magkakasakit ka diyan. Tumayo ka na diyan", ang kulit! Kaya tumayo na ako.

"Problema mo ba?", tanong ko dito.

"Pasama naman, taeng tae na ako", ayon naman pala kaya makulit kasi may kailangan.

"Ayaw ko nga, papasinghot mo lang sa akin baho mo, eh!", reklamo ko dito. Pa'no ba naman, natatae ang kupal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon