Chapter 3

46 6 1
                                    

"Ma'am! Ingat po kayo!", pamamaalam ko kay Ma'am.

Hindi sa tinataboy ko siya, pinag-iingat ko lang.

Pagtapos ko mamaalam kay Ma'am, bumalik ako sa classroom. At ayon, mabilis pa sa alas kwatro ang pangyayari. Lahat sila, kaniya kaniyang mundo na.

Ang malupit pa do'n, si Jack naglatag na sa sahig at ready na para panibagong digmaan, ang pagtulog.

Samantalang ako, natatakam sa ketchup ng Mcdo. Kaya, pumunta kaagad ako sa department ni Mama, ang Science Department. Kakaiba nga dept. nila eh kasi parang bahay, may ref, sofa, T.V, atpb!

Kaso, walang tao nung pagdating ko. Kaya bilang isang disiplinado at kagalang-galang na estudyante, ite-text ko muna si Mama.

Mama Globe1

Gaia: Ma! P'wede ko po buksan 'yung ref para kunin 'yung ketchup?

Mama: Sige, bantayan mo na din muna 'yung dept.

Pagkabukas ko ng ref, natuwa ako sa aking nakita may tinapay. Mukhang masarap, sakto kulang ang ketchup sa nagugutom na sikmura. I-text ko ulit si Mama para mabigyan tayo ng kapangyarihan.

Gaia: Ma! P'wede ko din po bang bawasan 'yung tinapay niyo? Hehe.

Mama: Kahit naman humindi ako, babawasan mo pa din 'yan. Ay sos! Humayo ka't magpakabusog!

Sabi na, eh! 'Di ako mahihindian neto ni Mama.

Kaso, feeling ko may kulang. 'Yung magpapalambot netong tinapay. Minsan mapait madalas matamis.

Ay! Oo, 'yung mainit na kape. HAHAHA.

Gaia: Ma! Last na po, pramis.

Mama: Gaia, paalala lang. Hindi mo'ko kaklase para burautan.

Gaia: Please, Ma. Utusan niyo nalang po ako mamaya, no excuses!

Mama: O sige, dalian mo. Ano ba 'yon?

Gaia: Penge din po ng kape, hehe.

Mama: Oo na, sige na.

Gaia: Yes!! Labyu po, ma! Walang kakupas kupas ang inyong kagandahan.

Sa tagal ng pamamalagi ko dito sa Milagros High School. Ito na din ang naging bahay ko at ang mga guro ang nagsilbi kong magulang, kaya lagi nila ako pinapakain.

Habang busy ako sa kinakain ko, nakarinig ako ng kaluskos sa storage room. Kaya tinigil ko kaagad ang pagmumuni-muni at tiningnan kung may magnanakaw.

Pagtingin ko, may lalaking nakatalikod mula sa akin ang gumagalaw ng mga lab equipments.

"Kuya, ano pong ginagawa niyo diyan?", tanungin muna natin baka sabihin judgemental ako.

Humarap sa akin 'yung lalaki. Damn, ang gwapo namang magnanakaw eto. Pati puso't katawan ko mananakaw niya din. Matik, add to heart kaagad.

"Ibabalik ko lang 'yung hiniram naming equipments", pagpapaliwanag niya.

"Ah, ano pong name niyo, kuya?", tanong ko. Pati sana address niya for educational purposes lang.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon