Chapter 8

22 2 0
                                    

Matatapos na din ang paghihirap ko ngayong araw. Pagtitiisan ko nalang ang last subject namin na Science.

Inarrange na namin 'yung upuan namin ng pa 'U' shape dahil 'yun gusto ni Ma'am.

"Good afternoon class", lah? andito na kaagad si Ma'am?

Pag-arrange palang ng upuan nagugutom na ako. Kaya pumunit ako ng papel sa notebook ko at sinulatan;

'Hoy, Jack! Kain tayo?'

Pinulupot ko na ang papel at binato ko sa ulo ni Jack habang nakatalikod si Ma'am.

"Magbabalik-aral lang tayo ngayon about sa solar system", sabi ni Ma'am.

Pagtalikod ulit ni Ma'am tsaka lang binato ni Jack 'yung papel.

'Walang tayo'

Pota. Kakain lang kailangan ng label?

'Kain ikaw at ako mamaya? Hindi ko libre, qaqo ka'

Habang busy si Ma'am binato ko ulit kay Jack 'yung papel.

Nung balak na ibato ni Jack 'yung papel nakita ni Ma'am na nakataas kamay niya.

"Yes Jack? Anong susunod sa Mars?", pagtawag ni Ma'am kay Jack.

Malas ni Jack pota HAHAHA. Kamot ka tuloy sa ulo.

"Uhh... Pautang?", qaqong Jack mukhang pera.

Mali!

"Ma'am I object!", sabi ko

"Anong tamang sagot, Gaia?", tanong ni Ma'am.

"Ang susunod po sa Mars ay 'may chismis ako' ", proud kong sagot.

At nagtawanan 'yung buong klase. Grabe sila! Tama naman sagot ko, ah?

"You two, labas!", bait naman nito ni Ma'am. Maaga kaming pinauwi.

Kinuha namin ni Jack gamit namin at nag-bow kay Ma'am bilang pasasalamat.

"Tingnan natin kung sino nanalo sa election, p're? Binibilang na nila 'yung boto ngayon", sabi ko kay Jack.

"Walang iyakan at magsumbong sa Mama, ah?", ang kapal ng hayop na 'to.

Sa court nila binibilang 'yung boto para kitang kita ng lahat at walang daya.

Pagdating namin mukhang patapos na sila.

"Sino lamang?", tanong ko.

"Si Luis palang ang tapos ibilang, 252 sa kaniya", balita nila sa amin.

"Mukhang nasa akin ang swerte, ah", pagyayabang ni Jack.

"Qaqo, 'wag ka masyadong excited", asik ko dito.

Naghintay nalang kami hanggang sa matapos bilangin ang boto kay Vivico. Pinalabas na kami, eh.

"Tapos na ang kay Vichenzo", sabi nila.

"Ano iskor?"

"Ilan bumuto kay Vivico?"

Tanong namin ni Jack.

"Ang boto kay Vichenzo ay... 253", pag-announce nila.

Parang nabunutan ako ng tinik sa atay n'un, ah.

"Pa'no ba 'yan? Libre mo kwek kwek mamaya", sabay kindat kay Jack.

"Duh, isa lang lamang ni Vichenzo", sabi niya.

"Talo ka pa din, sakto! Bell na, arat, kainan na!", hila ko siya hanggang paglabas.

Habang papunta kami sa kwek kwekan, nakita namin na bumibili ng kwek kwek ang mga taga-Areneyow.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon