"State your full name, please."
First time kong makapasok sa interrogation room sa buong buhay ko. Ganito pala 'yung feeling na hinuli ka ng pulis kapag may krimen kang ginawa. Alam ko namang hindi ako guilty, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil sa ambience ng maliit na kwarto.
Walang kahit anong palamuti sa mga pader, at tanging ang kulay ng tuyong semento ang pumapaligid sa akin. May malaking two-way mirror sa likuran ko, at feeling ko may nanonood na mga tao sa kabilang banda, hinihintay na magkamali ako o lantaran kong ibunyag kung ano 'yung mga ginagawa ko for the past few weeks.
Malakas ang ihip ng hangin na nanggagaling sa aircon sa isang gilid, pero pinagpapawisan pa rin ako dahil sa kaba. May iisang ceiling lamp na naka-pwesto sa gitna ng kwarto, at halos hindi na umaabot sa sulok 'yung liwanag na nagmumula sa ilaw. May steel table rin sa gitna ng silid, at nakaupo ako sa isang matigas at malamig na upuan na gawa rin sa bakal.
"Wat." bulong ko sa detective na nasa harapan ko nang hindi siya tinitingnan sa mata. Kahit na sa pader ako nakatingin ay nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakakunot na 'yung noo niya.
Napakamot na lang siya ng kanyang ulo sa pagkainis.
"I said your full name." Nilagyan niya ng emphasis 'yung salitang full at baka akala niya'y hindi ko ito narinig. Nilapit niya ang kanyang upuan para iparating sa akin na seryoso na siya sa kanyang pagtatanong.
Kahit anong gawin mo, hindi mo ako matatakot.
"Sarawat." Binigay ko na rin sa kanya ang alias ko at baka hindi pa makatulong sa akin 'yung ginagawa ko kung gusto kong hindi makulong. "Sarawat Guntithanon."
Lumingon ang detective sa likuran niya. Alam ko na kaagad kung anong ginagawa niya. Malakas ang kutob kong tinatanong niya sa kasamahan niya sa kabilang kwarto kung totoo ba 'yung sinabi kong pangalan sa kanya. I bet may sarili silang name database sa computer nila. Tinatapik-tapik nung detective 'yung lamesa, mukhang wala siyang oras para mag-hintay nang matagal.
He also sighed deeply and rolled his eyes. Mukhang bagong intern lang 'yung nasa kabilang kwarto. Kahit nga 'yung mga maaayos na pulis na kilala ko, kayang i-search 'yung pangalan ko sa computer sa loob lamang ng ilang segundo.
Tangina, isang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya tapos?
Finally, nakita ko nang hinawakan ng detective ang earpiece niya sa kanyang kanang tenga. Palihim pa siyang tumingin sa akin nang masama bago siya humarap sa akin.
"Okay, you got me." I crossed my arms. "Real name's Bright. Bright Vachirawit Chivaaree."
Halos matumba na detective nang inatras niya ang kanyang upuan pagkarinig ng tunay kong pangalan.
"Chivaaree?" Lumaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat. "Ikaw 'yung anak ng-"
"Nawawalang private investigator?" I chuckled. "Funny, isn't it? Declared missing 'yung pinakasikat na private investigator sa bansa, tas ngayon makukulong 'yung anak niya. Minsan mapapaisip ka na lang kung saan ako nagkamali eh."
Yes, you heard that right. Kilala ang tatay ko lalong-lalo na sa mga high profile businessmen, politicians, at maging mga celebrities. May showbiz celebrity na ninakawan ng mamahaling alahas? Malamang at sa malamang, si Papa 'yung una nilang tatawagan.
Kung sinu-sino nang mga sikat na personalidad ang nakita kong pumunta sa office ni Papa para humingi ng tulong mula sa kanya. Maging 'yung mga nakikita kong artista sa TV noon, nakita ko na rin sa personal. Minsan pa nga'y alam ko na kaagad 'yung mga controversy ng isang artista bago pa ito ibalita.
BINABASA MO ANG
Outlaws (BrightWin)
FanfictionSi Bright Vachirawit Chivaaree ay ang anak ng pinakatanyag na private investigator sa bansa. Sa murang edad ay lumaki na siya sa mundong puno ng misteryo at krimen. Naging apprentice siya ng kanyang ama pagkatapos niyang grumaduate ng high school ha...