Seven || Bright

58 3 0
                                    

"Get me out of here, now!"

Tinitingnan ako nang masama ni Dim nang sinusubukang buksan ng pasahero namin 'yung pintuan niya sa likod.

"Why won't this open?" sigaw niya. "Let me out this instant!"

"Modified child's lock," paliwanag ni Dim. "Para sa mga tulad mo na asal-bata pa rin."

Nagpatuloy ang pagtatangka niyang makalabas ng sasakyan. Umatras pa siya para lang sipain ang bintana ni Dim, pero walang nangyari.

"Ikaw ang magbabayad kapag may nasira siya sa sasakyan ko ah," pagbabanta ni Dim.

"Doesn't look like he's gonna break anything," paninigurado ko kay Dim. "I think your car would be fine."

Lumingon ako sa aking likuran para panoorin kung anong ginagawa ng pasahero namin. Sinubukan niyang suntukin ang salamin ng bintana niya, pero napamura na lang siya nang hindi ito kumibo at nasaktan lang siya sa kanyang sariling katangahan.

"Kahit ilang beses mo pang suntukin at sipain 'yang bintana mo, hindi pa rin 'yan mababasag..." banggit ko sa kanya. "Kailangan mo ng spark plug."

"Wag mo nga siyang bigyan ng ideya!" saway ni Dim. Tumingin siya sa kanyang rearview mirror para kausapin ang pasahero namin.

"Pakalmahin mo naman kasi siya, Wat." sabi ni Air. "Mamaya kasuhan ka pa niyan ng kidnapping."

"Okay, fine." Sumuko na ako dahil baka ituring pa kaming kidnapper kapag kumalat pa ang balitang nawawala ang sakay naming pasahero. "Air, saan 'yung pinakamalapit na U-turn nang makaliko kaagad kami ni Dim."

"Teka..." Nag-zoom out 'yung naka-display na mapa sa screen ng radyo ni Dim. "Less than three kilometers 'yung next U-turn."

Tumalikod ako para harapin 'yung pasahero namin. "Sabihin mo sa amin kung paano pumunta sa bahay niyo at ihahatid ka na namin pauwi."

"I-I don't know how to get home." Hindi ko na narinig 'yung sinabi niya sa sobrang hina ng kanyang boses.

"A-Ano?!" bulalas ni Dim. Halos mabitawan na niya 'yung manibela sa pagkabigla. "Paano ka namin iuuwi kung pati ikaw eh hindi alam kung paano pumunta sa bahay niyo?"

"N-Nakatulog ako kanina nung papunta pa lang kami sa hotel!"

"So kahit na dumiretso tayo sa kabilang direksyon, hindi mo pa rin makikilala 'yung madadaanan nating mga lugar?" paglilinaw ko.

"I think so..."

"Well, you leave us no choice..." sabi ko sa kanya. "Makitulog ka na lang muna sa amin."

Ibinuka niya ang kanyang bibig, na para bang may sasabihin, ngunit mabilis niya rin itong isinara nang mapagtanto niya na wala na nga talaga siyang pagpipilian kundi makitulog sa warehouse namin ngayong gabi.

Nanahimik kaming lahat sa sasakyan at tanging ang makina na lang ng sasakyan ni Dim ang naririnig namin. Mukhang sumuko na nga ang pasahero namin sa pagtatangka niya na makatakas.

Sinubukan ni Dim na mag-open ng bagong topic.

"Kamusta nga pala si Green?" tanong niya sa akin. "May nalaman ka ba tungkol sa kanya?"

"Ayun, na-overwhelm sa sobrang dami ng tao..." sagot ko. "Nakita ko rin siya na umiinom ng alak mula sa bote sa ilalim ng buffet table."

Habang naglalakbay kami pauwi ay kwinento ko kay Dim ang lahat ng nakita at nalaman ko tungkol sa boyfriend niya, at kung bakit sa tingin ko ay kailangan na niyang bumalik sa pagtatrabaho.

Outlaws (BrightWin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon