"Oy, gising na diyan."
May naramdaman akong kumakalabit sa braso ko, at pagdilat ko ng aking mga mata ay sinalubong kaagad ako ng malakas na sinag ng araw.
Kinusot ko ang mga mata ko para tanggalin ang mga muta ko, at saka ko lang napansin na nakatayo na pala sa likod ng sofa si Dim.
"Bumangon ka na diyan," sabi niya. "Tanghali na oh."
Nagmasid ako sa paligid ko at nakita ko si Air na nakaupo sa katapat kong upuan hawak-hawak ang kanyang laptop; halakhak siya nang halakhak na halos hindi na niya ako pansinin dahil tutok na tutok siya sa screen ng kanyang laptop. Nakakatawa siguro 'yung pinapanood niya.
Nakapatong pa rin sa coffee table ang binigay ni Win na baso ng whiskey kagabi... hindi ako makapaniwala na nakatulog kaagad ako pagkatapos kong uminom ng alak. Akala ko gatas lang ang may kayang gawin 'yun, pero pati rin pala whiskey?
Kailangan ko na atang bumili ng whiskey kung hindi pa rin ako makakatulog sa susunod na mga araw.
Nasa kusina si Dim at may nakasalang na frying pan sa kalan. Abot hanggang dito ang amoy ng nilulutong pagkain; naalala ko tuloy kung gaano kabango 'yung ginagawa ng personal chef namin tuwing agahan dahil sa niluluto ni Dim.
"Kumain ka na dito habang mainit pa 'yung niluto ko," alok niya sa akin nang mapansin niyang bumangon na ako sa sofa. "Tingnan mo na lang kung may kape pa kung gusto mong magtimpla."
Tumayo na ako para samahan si Dim sa kusina. Sinilip ko ang niluluto niya at nakita kong itlog lang pala ang piniprito niya.
"Wag ka nang mag-expect ng mamahaling pagkain," banggit ni Dim. "Maswerte ka at may natira pang lata ng corned beef otherwise pancit canton at itlog lang maihahain ko sa'yo."
"H-Hindi naman ako maarte pagdating sa pagkain," sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang mag-wisik ng mantika papunta sa ibabaw ng itlog gamit ang kanyang spatula. "Hindi naman ako ganung klase ng mayaman."
He just rolled his eyes as if he didn't believe in me.
"Nakahain na sa dining table 'yung ulam." In-off na ni Dim ang kalan at ibinigay sa akin ang plato na may apat na sunny side-up. "Kumain ka na nang makaalis tayo kaagad. Air, kain na!"
Tumayo na si Air mula sa kinauupuan niya para samahan kami ni Dim sa kanilang dining table. May kinuhang mug ng kape si Dim mula sa kusina at dinala ito sa lamesa.
Nilagyan ni Dim ng sabaw ang ginisa niyang corned beef, at may isinama rin siyang malilit na hiwa ng repolyo at karot para magkaroon ng sustansya ang ulam namin. The whole table smelled amazing and even the rice looked appetizing.... Hindi ko alam kung bakit ang boring lagi ng niluluto ng chef ni Lolo.
Nakakapagod rin kayang kumain ng American breakfast araw-araw. Kung hindi pancakes, waffles. Kung hindi sunny side-up, scrambled or poached egg. Kung hindi naman bacon, breakfast sausages.
I know I shouldn't even be complaining, but it just gets boring to the point that I don't even see the point in eating breakfast anymore.
"Kain ka na Win," imbita ni Air bago siya kumuha ng kanin. "Mauubusan ka pa namin ni Dim ng ulam."
Nagsandok na ako ng kanin pagkatapos itong iabot sa akin ni Air. Hindi na rin nakapag-antay si Dim para sa amin at nagsimula na kaagad siyang kumain.
Kumuha na rin ako ng sinabawang corned beef at hindi na ako nag-atubiling tikman ang luto ni Dim.
Oh my god, that's fucking delicious.
I couldn't help but moan because of how scrumptious it was. Everything just complements each other: the firm strands of beef softened by the addition of what tastes like beef broth, and the cabbage as well as the carrots give a different layer of taste to the dish.
BINABASA MO ANG
Outlaws (BrightWin)
FanfictionSi Bright Vachirawit Chivaaree ay ang anak ng pinakatanyag na private investigator sa bansa. Sa murang edad ay lumaki na siya sa mundong puno ng misteryo at krimen. Naging apprentice siya ng kanyang ama pagkatapos niyang grumaduate ng high school ha...