Three || Bright

91 3 0
                                    

"Saan ang punta natin ngayon, Wat?"

Alas-onse na ng gabi pero bumabiyahe pa rin kami sa daan. Halos naglalaho na sa upuan ng sasakyan 'yung suot kong black na tuxedo dahil wala na masyadong ilaw sa daan bukod sa mga malalaking street lamp sa labas.

I'm surprised na kasya pa rin 'to sa akin after almost two years. Hindi ko na nga matandaan 'yung huling beses na sinuot ko 'tong long sleeves ko eh. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas noong huling beses na sinamahan ko si Papa sa mga event na katulad ng pupuntahan ko ngayon.

Buti na lang pala nakuha ko pa sa office 'yung kulay black kong tuxedo bago ako lumipat ng tinitirhan para ready pa rin ako kung may kailangan akong bantayan sa mga formal event. Nakakahiya namang tingnan kung wala akong tuxedo na suot, 'di ba?

Although pretending to be a waiter could work as a disguise, I don't think I'd be able to do anything if I'm holding a tray of wine glasses the whole time.

Napansin kong nakatingin sa akin ang driver ko sa rear-view mirror, naghihintay na sagutin ko ang kanyang tanong habang nag-aantay na maging kulay green ang stoplight sa harapan namin.

"Sa N&HP Hotel, P'Dim." Inayos ko ang buhok ko para mukha pa rin itong maayos kahit na nakababa ito.

Mas matanda siya si Dim ng apat na taon. So kapag sinabi kong 23 na ako ngayon, that makes him 27 years old. Kahit na mas matanda siya kaysa sa akin ay hindi ko naramdaman na iba 'yung trato niya sa akin. Siguro sa isip niya, magkasing-edad lang kami.

Una kong nakilala si Dim noong apprentice pa lang ako ni Papa. Bata-bata pa siya noon... siguro kaka-graduate lang niya ng college nung pumunta siya sa office namin ni Papa para humingi ng tulong.

"Oh, ang layo naman ata masyado," banggit ni Dim. Pinaandar na niya 'yung kotse nang marinig niyang bumubusina na ang mga sasakyan sa likod namin.

"Eh dun raw event na pupuntahan nila Green eh. Wala tayong magagawa kung malayo nga talaga 'yung venue."

Lumiko si Dim papunta sa highway. "Ano bang event 'yun?" tanong niya.

"Parang birthday ata ng CEO," sagot ko. "Basta big deal 'yung event. Mukhang aabot sa tatlong daan 'yung estimated na bilang ng dadalo."

"Anak ng pating nga naman talaga oh," bulalas ni Dim. "Napakaswerte naman niya't may kumuha sa kanyang mayaman na client."

Co-manager si Dim dati ng isang catering company kasama ng kanyang boyfriend na si Green. Nagpatulong siya kay Papa dahil sa tingin niya'y ginagamit ni Green ang mga recipe niya nang walang paalam.

Napag-alaman ni Papa na nagc-cater pala si Green sa mga events nang hindi nalalaman ni Dim. Sinosolo lang rin niya ang nakukuha niyang sweldo kahit na recipe ni Dim ang ginagamit niya. In short, pwedeng kasuhan ni Dim si Green ng intellectual property theft.

And of course, sinubukang i-confront ni Dim ang kanyang boyfriend tungkol dito. I guess na-offend si Green sa ginagawang pambibintang ni Dim sa kanya kaya somehow umabot sa puntong binalak ni Green na kasuhan si Dim. Ang ending, lumayo na lang si Dim dahil na rin sa takot na baka kasuhan siya ni Green.

"Sa tingin mo ba galit pa rin siya sa'yo?" tanong ko kay Dim.

"Who knows? Yun nga 'yung sinusubukan nating alamin, 'di ba?" Lumingon muna si Dim bago siya lumipat ng lane. "Marami pa akong gamit na naiwan sa apartment namin. Kung pwede lang kunin 'yung mattress ng kama ko eh... nalabas na kasi 'yung spring ng mattress ko sa warehouse."

Muling nagparamdam si Dim mga ilang linggo pagkatapos kong mapag-desisyunan na ititigil ko muna 'yung trabaho ko. Nagulat nga ako na alam pala niya 'yung number ko... siguro nilagay ni Papa 'yung contact details ko sa mga calling card na ipinamimigay niya dati.

Outlaws (BrightWin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon