Six || Win

57 2 0
                                    

"Win, for the love of god, get down!"

It happened so fast... I found myself paralyzed in shock in the midst of chaos. Broken plates and glasses were scattered on the floor; the horrifying screams of the people around me were filling my ears.

My grandfather's lifeless body was being carried away by his bodyguards... his eyes were closed shut, giving me no reason whatsoever to believe that he could still be alive.

All I could do was scream.

"Lolo!" Napupuno na ng luha ang mga mata ko. Sinubukan kong sumunod sa mga bodyguards niya, pero pinipigilan ako ni Mr. VP. "This can't be happening..."

"You need to get out of here, now!" sigaw niya sa akin. "We'll send him to the hospital! No need to worry about him!"

"Isama niyo ako sa kanya, please. Parang awa niyo na, Mr. VP... I need to be there when he wakes up..."

"Don't you realize that your life is in danger? You need to get out of here before you get shot—"

Sakto namang pagkasabi niya noon ay may tumamang bala ng baril sa table na katabi ko. Nabasag ang malaking flower vase sa gitna ng lamesa at nawisikan ako ng tubig na laman nito. Nagsitilian ang mga tao sa paligid nang marinig nila ang pagputok... ang iba sa kanila napa-squat muna dahil sa takot bago sila tumakbo palayo sa kinatatayuan nila.

At this point, nararamdaman ko na 'yung takot na baka sumunod nga ako kay Lolo. Pero mukhang hindi sa ospital kami magkikita.

Sa langit.

"Saan ako pupunta?!" tanong ko kay Mr. VP.

"Nag-aantay 'yung driver mo sa basement," sagot ni Mr. VP sa akin bago niya samahan ang mga bodyguard ni Lolo. "Tell him to bring you home immediately. Do it now!"

Pinanood ko habang dinadala nila Mr. VP palayo ang katawan ni Lolo sa back entrance ng event hall. Hindi ko naman mapigilang maluha dahil hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Ang hirap nang mag-isip kung gulo-gulo na 'yung paligid.

Abandonado na ang mga lamesa't upuan sa gitna ng event hall. Bumagsak na rin sa sahig 'yung mga cake ni Lolo. Marami na ring mga basag na plato at nahulog na tirang pagkain sa paligid. May nadulas pa ngang babae nung dumaan siya sa harapan ng buffet table dahil hindi na kinaya ng heels niya 'yung dulas ng pagkain na natapon sa sahig.

I feel like I'm gonna have a headache just by hearing the other people screaming in panic. My heart was beating so fast that I might just faint here and now.

But Mr. VP's words stuck in my brain. Kung hindi pa ako aalis ngayon, baka ako naman 'yung susunod na mababaril. But as much as I miss my parents as well as my grandfather, I don't think I'm ready to die yet.

And so I ran.

Hindi ko naman kabisado 'yung layout ng hotel, kaya minabuti ko na lang na sumunod sa daloy ng mga nagsisi-alisang tao sa guests' entrance. Iningatan ko na huwag madulas dahil maraming bubog sa nilalakaran kong marble na sahig habang naglalakad ako papunta sa exit.

Sasama na sana ako sa agos ng tao palabas ng event area kung hindi pa ako nakaapak ng nahulog na ulam. Madudulas na dapat ako, pero buti na lang nakahawak kaagad ako sa upuang katabi ko kaya naibalanse ko kaagad ang sarili ko bago pa mamantsahan ng sauce 'yung slacks ko.

This is an actual nightmare.

Nagulat ako nang may naramdaman akong humila sa braso ko. Napaatras ako mula sa kinatatayuan ko at halos mapatid na sa sobrang lakas ng pagkahila niya sa akin.

"What the fuck are you doing?" tanong ko sa kung sino mang humila sa braso ko.

"Sumunod ka sa akin," aniya.

Outlaws (BrightWin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon