HANNAH P.OV.
Nagising nalang ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Headache na naman.
Nilibot ko ang paningin ko. Nandito na pala ako sa kwarto ko and what?! Nandito din pala si Krisha.
Iba narin ang mga suot namin. Naka suot kame ng pantulog. Teka lang sino nag bihis saamin ?
"Krisha gising... Huy Krisha".
"Gusto ko pa matulog Hannah. Matulog kanalang". Reklamo ni Krisha. Pinalo ko naman sya sa braso nya.
"Krisha gumising kana dyan".
"Inaantok pako eh. Bakit ba?". Reklamo nya ulit. Gising na sya ngayon at napa upo sya.
"Alam mo ba nandito ka sa kwarto ko?". Tanong ko sa kanya. Nilibot nya naman ang panigin nya.
"hala hindi ako naka uwi saamin?"
"mismo. Nandito ka ngayon sa kwarto ko".
"Gising na pala kayo". Bungad saamin ni Mama. May dala sya dalawang kape na nakalagay sa tray.
Sesermunan nanaman ako ni Mama.
"Kung iniisip mo sesermunan kita. Dyan ka nagkakamali. Hay nako kung hindi lang nakiusap saakin si Wendell Kanina pa ako kumatak. Uminom muna kayo ng kape". Inabot saamin ni Mama yung kape.
"si Wendell?". Tanong ko.
"Si Wendell ang nag uwi sa inyo. Dito ko narin pinatulog si Krisha kaysa ihatid sa kanila don't worry Krisha tinext ko na ang Mama mo. Sinabi ko nakipag over night ka dito. Mabuti nalang may mga damit ka dito. Sila Celine at Jessie ang nagpalit ng mga damit nyo". Paliwanag ni Mama. Si Wendell pala ang nagligtas saakin kagabi.
"Edi may sugat si Wendell sa braso". Sabi ko.
"Sugat?". Takang tanong ni Krisha.
"Wala naman ako napansin sugat sa braso ni Wendell". Sabi ni Mama.
Alam ko lasing ako kagabi pero kitang kita ko na may nasugatan.
"Kagabi nasugat sya dahil doon sa lalaking may dala ng kutsilyo. Hindi ko lang mamukahan si Wendell. Pero alam ko na nasugatan sya". Explain ko sa kanila.
"Nako naman Hannah. Kung hindi pala dumating si Wendell ikaw ang nasugatan. Hindi lang yun. Ni rape pa kayo ni Krisha ng lalakeng yun! Na disgrasya pa si Wendell sa kakagawan nyo dalawa".
"Tita huwag na po kayo magalit kay Hannah. Ako po ang may kasalanan". Sabi ni Krisha.
"Hay nako kayo talaga dalawa. Mag almusal na tayo. Mauna na ako bumaba sa inyo. Sumunod kayong dalawa". Sabi ni mama saka sya lumabas ng kwarto.
"Si Wendell pala ang nag uwi sa atin dito". Sabi ni Krisha.
"Hindi ko rin expect na si Wendell din Krisha. Lalo na nasugatan pa sya. Ako ang may kasalanan kung bakit sya nasugatan".
"Pero alam mo Hannah parang nakita ko kase si Rein kagabi. Lumapit pa nga sya saakin eh".
"si Rein? Ano naman gagawin ni Rein doon?". Tanong ko.
"Hindi ko alam. Kase nagising ako sa naririnig ko suntukan kagabi. Alam ko malabo mga mata ko pero Nakita ko din na niyakap mo si Rein . Pagkatapos nga nun lumapit sya saakin. Pero nawala sya bigla eh. Tapos nakatulog ulit ako. Hindi ko na alam ang nangyare."
"seryoso kaba sa mga sinasabi mo Krisha? Kase kung si Rein ang nakasama naten kagabi. bakit si Wendell ang nag uwi sa atin dito?". Pagtataka ko.
"Hindi ko alam . Yun lang natatandaan ko.ikaw ba wala kaba natatandaan?".
BINABASA MO ANG
HAVING SEX WITH MY EX
Acak1. Bawal ma-fall. 2. Bawal mangi-ALAM sa isat isa. 3. Bawal makipag sex sa IBA. 4. Kapag nabuntis kailangan PANAGUTAN. Yan lang naman ang rule nila Hannah Ylien at Rein Feion. Mag Ex Girlfriend and Boyfriend sila but they have a sex . Normal lang na...