CHAPTER 12

511 4 0
                                        

"Tapos alam mo ba yung pinsan ni Justine galing pala sa ibang bansa. Kaya pala englishera . Marunong naman sya mag tagalog at nakakaintindi din". Sabi ni Krisha.

Nandito kame ngayon sa kwarto ko. 2 days narin ang lumipas pagkatapos malaman ni Krisha na wala pala girlfriend si Justine.

2 days din kame hindi nagkikita nila Wendell at Rein.

Busy kase ako lagi...lalo na si Wendell kase may inaasikaso sya trabaho sa company nila. At si Rein inintindi nalang ako .

At ngayon tambak ang kwento ni Krisha saakin. 2 days din kame hindi nagkita nitong bestfriend ko.

Hindi muna ako pumasok ngayon kase magaan naman ang trabaho at kayang kaya na nila Diana yun.

So yun nga at Kanina pa nag kukwento si Krisha.

"Pumunta kame kahapon sa Restaurant kasama si Babe. Tuwang tuwa si Babe sa mga inahin sa kanila. Syempre ako ang may ari. So masarap talaga ang mga pagkain, ilang days lang pala dito ang pinsan nya sa pilipinas. So masosolo ko na ulit si Justine Hihihihi!". Kinikilig na sabi ni Krisha.

"Feeling kayo? Sosolohin mo talaga?". Comment ko .

Napatigil naman sa pagkikilig si Krisha at tumingin saakin na naka busangot na ang mga mukha.

"Bakit ba?! Ang KJ mo naman. Kayo nga nila Wendell at Rein hindi mo naman sila boyfriend . Pero nasosolo nyo ang isat isa. Nakakainis ka!". Nagtatampo sabi ni Krisha.

Natawa naman ako sa reaction nya .

Hahahah! Paano ba naman pagdating sa lovelife mukhang nag iisip bata .

"Hahahah! Baliw! Hindi ako KJ . Osige na mag day dream ka kasama si Justine". Natatawa ko sabi. .

Nag iba naman ng itsura si Krisha . Yung tipo masaya na ulit sya.

Happy kana ?

"ang sarap pala sa feeling na mainlove ulit". Sabi nya.

Napahawak sya sa dibdib nya kung saan nasa part ng puso at tumingin sya sa itaas.

Sa Kisame ng kwarto doon sya nakatingin.

Ginawang dreamland ang kisame nitong kwarto ko.

"hindi na ako pusong sawi ulit. May pag asa na ako". Ngiting sabi nya.

Pagkatapos nya sabihin yun. Tumingin sya saakin.

Ang bilis ng daydream ha .

"Ikaw kailan ka magiging masaya ulit Hannah?". Tanong ni Krisha.

Kumuha sya ng Crackers sa maliit na desk ko. Binuksan nya yun at sinimulan kumain.

Kapag kame lang dalawa ni Krisha dito sa kwarto ko. Lagi ako naglalagay ng mga pagkain sa maliit ko desk na hindi naman kalayuan dito sa kama ko. Pero kapag wala sya dito ... Hindi ako naglalagay ng pagkain. Mahirap na. Ayoko agad tumaba.

"Masaya naman ako kahit walang lovelife". Sagot ko.

"Talaga?".

Talaga nga ba ? Pero ngayon kase umeepal sa buhay ko sila Rein at Wendell. Nakukulitan lang ako.

Well si Rein ... Sex lang naman ang connection namin dalawa pero ... Hay ewan ko ba kung seryoso ba sya sa sinabi nya na mahal nya ako.

At ito si Wendell business partner lang naman ang dapat mangyare pero nag confess din ng feeling saken.

Pero hindi ko expect na ganito ang magyayare sa buhay ko sa pagitan nilang dalawa.

"Oo. Kase feeling ko hindi naman sagot ang lovelife para sumaya ako. Nandyan naman ang pamilya ko...kayo na nagpapasaya saakin. So bakit kailangan ko pa ng lovelife . Kung kuntento naman ako sa kung anong meron ako". Paliwanag ko.

HAVING SEX WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon