CHAPTER 15

455 2 0
                                    

8am na nandito parin kame sa byahe ni Rein. Nasa Manila na kame pero dahil traffic mukhang hindi ko agad makakausap ang mga mag ma-manage ng event bukas at ang  organizer.

Nag text narin ako kay Diana na sya muna ang mag asikaso habang wala pa ako.

"Magpapaka pagod ka na naman. Mag pahinga ka muna dito sa bahay". Sabi ni Mama sa kabilang linya.

Kausap ko sya ngayon sa cellphone via call.

"Ma kailangan ko i meet ang mga taong ito para bukas. Mag papahinga din ako agad pagka uwi ko".

"Osya sige na. Ano pa ba magagawa ko. Basta umuwi ka agad".

"Yes Ma. I love you". Palambing ko para hindi na marame pa sinasabi si Mama.

"I love you'hin ko mukha mong bata ka! Umuwi ka agad. I love you too!". Sabi niya.

Nag end na ako ng call at napatingin ako dito sa katabi ko na inip na inip.

"wala talaga pinagbago ang Manila. Traffic parin. Sana makapag imbento sila ng sasakyan na pwede ng lumipad". Sabi ni Rein.

Kaunti lang kase ang usad ng mga sasakyan. Madalas naabutan pa kame sa stop light na biglang mag red light. Kaya ito si Rein naiinis narin sa byahe.

"Dapat hindi ka nalang pumunta kagabi. Nasa trabaho ka sana ngayon". Sabi ko.

"Kung wala ako. Hindi ka agad gagaling".

"Wow ang kapal naman ng mukha mo.". Natatawa ko sabi sa kanya.

Naramdaman ko na umusad na ang sasakyan namin.

"Sana tuloy tuloy na ito"  sabi ni Rein. Hinawakan nya ang manubela at nag drive na.

"Kaya pala may nag bungguan". Sabi pa nya.

Tumingin ako kung saan may nakahiga lalake sa kalsada at inaasikaso na ng mga rescuer.

Nakita rin namin ang koste na halos mataob na at ang motor na nakatagilid sa daan.

May babae din na nilalabas sa kotse ng mga rescuer. Nanlaki ang mga mata ko na makita ang babae ay buntis pala. Sugatan sya at halos marame na nawalang dugo sa katawan nya.

Grabe ang nangyare sa kanila. Lalo na sa babaeng buntis . Nakalagpas na rin kame doon sa aksidente.

"Mabubuhay kaya yung babae?". Tanong ko.

"yes. She can...kailangan nya mabuhay para sa baby. Bakit?".

"Nothing". Tipid ko sagot.

"Kung tayo pa hanggang ngayon siguro may baby na rin tayo". Sabi ni Rein. Tumingin ako sa kanya. Pero seryoso sya nakatingin sa daan.

Siguro nga...siguro nga na may sariling pamilya na kame ni Rein ngayon. May baby na sana kame.

"Gusto ko na rin tawagin ako Daddy ng mga anak ko. Gusto ko rin magkaroon ng maraming anak. At magkaroon ng magandang asawa". Sabi pa nya.

Saglit sya tumingin saken at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang ako sa side.

"Mangyayare yan kapag nahanap mo na ang para sayo". Sabi ko.

"nahanap ko na ang kaso hindi nya naman ako mahal". Sabi ni Rein.

Mahal kita Rein... Pero Hindi ako ang para sayo.

"Mag hanap kana ng iba". Pilit ko sabi. Hindi ko alam bakit ko nasasabi ito.

Kaya ba talaga kita ibigay sa iba? Kaya ba kita pakawalan? Kung sa bagay matagal na kita pinakawalan ang kaso sayo parin ang katawan ko.

HAVING SEX WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon