CHAPTER 19

418 5 0
                                    

REIN P.O.V
"Yesterday night . Nahatid ko na sila Tito sa kanila". Sabi ko kay Hannah.

Nandito kame ngayon sa kotse at ihahatid ko sya sa trabaho. Masyadong mapilit kaya hinayaan ko muna sya. Mukhang ayos naman si Hannah ngayon kumpara kahapon.

"Thank you Babe. Anyway may trabaho ka?".

"Meron . Bakit may kailangan kaba?".

Umiling si Hannah at tumingin sa side mirror nitong kotse.

"May problema ba ? Mukhang wala ka na naman sa sarili. Dyan ako kinakabahan sayo . Baka mamaya nyan mahimatay ka na naman".

"Grabe ka. Hindi man yan. Ayos lang ako.". Ngiting sabi ni Hannah.

Talaga bang ayos lang sya? Kinakabahan talaga ako kapag ganyan sya eh.

Alam nyo naman ang mga babae kapag hindi nag sasalita o hindi mapakali. May problema sila. O may gumugulo sa isip nila.

Pero hindi ko pwede ibaliwala lang ang pagiging ganito ni Hannah. Nag aalala din ako para sa kanya.

"Sino ba ang tumatawag lagi sayo? Sya ba ang dahilan kung bakit ganyan ang girlfriend ko?".

Napatingin saken si Hannah at pilit na ngumiti. Sabi na eh.... Dahil sa tumatawag sa kanya.

"I don't know who she is... Sabi ni Krisha familiar ang boses nya. Pero bakit ganon hindi ko makilala kung sino sya?. May dapat ba ako ikatakot o ipangamba para sa sarili ko... Para saten?"

Hinawakan ko ang kamay ni Hannah gamit ang right hand ko. Habang ang left hand ko naman ay naka hawak sa manubela.

Pinisil ko ng kaunti ang kamay nya at nginitian si Hannah.

"Wala ka dapat ikatakot o ipangamba.  Nandito lang ako sa tabi mo. Kung ano man ang mangyare... Iingatan kita at ilalayo sa kapahamakan".

"Thank you Babe... You're always there to protect me". Nakangiting sabi ni Hannah.

Ngumiti din ako patuloy parin nakahawak sa kamay nya.

Nandito lang ako Hannah... Hindi kita papabayaan.

KRISHA P.O.V
"Ate Thank you ha. Kung wala ka siguro... Wala narin ang anak ko". Naluluhang sabi ng kapatid ko si Clarisse.

"Ang drama. Dapat kapag ganyan emergency agad mo na syang dalhin sa hospital. Ako na ang bahala sa gastusin".

"Thank you talaga ate". Tsaka ako muli niyakap ni Clarisse.

Tinapik-tapik ko nalang ang likod nya para mahimasmasan si Clarisse.

Dinala kase dito ang anak nya. Na pamangkin ko kase sobrang taas ng lagnat at nagsuka pa ng dugo. Mabuti nalang maayos na ang lagay nya ngayon.

At ako na naman ang gagastos para sa pamangkin ko. Ano pa ba aasahan namin sa tatay ng bata? Wala na sila ng kapatid ko. Tinakbuhan ang responsibilidad.

Iyak pa ng iyak ang kapatid ko noon. Halos magpakamatay dahil nawala na parang bula ang tatay ng anak nya.

At ewan ko kung nasaan na ang lalake na yun. Wala naman kame pake kung nasaan man syang mundo nakatira,Kahit sa mars pa yan.

Ang mahalaga ipagpatuloy ng kapatid ko ang pag aaral nya at kaya namin buhayin ang anak nya kahit wala ang tatay nya. Syempre nandito ang tita nya galante . Charot !

Kaya sa mga lalake dyan na pasarap lang ang gusto at walang ibang ginawa kundi magpalaki ng bayag.

Ay nako! Umalis alis na kayo sa earth. Para mabawasan ang mga tulad nyo dito sa mundo. Naiinis ako!

HAVING SEX WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon