CHAPTER 20

769 7 8
                                        

Hannah P.O.V

Maaga palang nandito na ako sa restaurant nila Krisha. Mamaya pa ako papasok sa trabaho . Hindi naman gaano kabigat ang trabaho ko ngayon araw.

"Sa tingin ko hindi pwede ang coffee sayo dahil baka uminit ang ulo mo. Hindi lang ulo pati narin ang dugo mo at kalamnan". Sabi ni Krisha sabay abot sa'kin ng Juice.

"Ano ba kase sasabihin mo?". Kinuha ko ang Juice sa kanya at ininom ito.

"Kahapon nakita namin ni Justine si Venus".

Napatigil ako sa pag inom ng Juice nang marinig ko ang pangalan na Venus.

"At may napasin ako sa kanya. Si Venus...". Napatigil sa pagsalita si Krisha ng biglang may tumawag sa cellphone ko.

Ito na naman ang unknown number. Nakakainis hindi talaga ito titigil.

Pinatay ko agad ito pero agad din nag ring ang cellphone ko. Nakakainis na talaga.

And the second time pinatay ko ulit ito.

Ilang segundo lang wala ng tawag pa ang nag pop up sa cellphone ko. Mabuti naman.

"Anong napansin mo kase kay Venus?". Tanong ko kay Krisha. Pero biglang may nang ring na naman sa cellphone ko.

Pero Hindi na ito unknown number.

Si diana?

"wait a second".

Tumango nalang si Krisha tsaka ko sinagot ang tawag ni Diana.

"Hello Diana"

"Ma'am kailangan nyo po pumunta dito. May babae nag hahanap sa inyo".

"Sino naman?".

"Ma'am si Venus po".

Si Venus na naman?

"Sige sige. Pupunta ako dyan"

Agad ko pinatay ang tawag at tumingin ako kay Krisha.

"Si Venus nasa office".






Dali-dali ako pumunta ng opisina para puntahan si Venus.

Bakit pa sya bumalik? Akala ko ba mananahimik na sya at hindi na babalik pa sa buhay namin ni Rein.

Pagkalabas ko ng elevator. Agad na ako pumunta sa office .

Hindi ko alam pero kumukulo na naman ang dugo ko.

Naaalala ko na naman ang dating nangyare.

Dahil sa kanya nag hiwalay kame ni Rein.

Pumasok ako ng opisina at nakita ko si Venus na naka upo.

"Venus".

Lumingon sya saken at tiningnan ako na parang kinikilatis.

"Do you receive my gift Hannah?".

"Gift? Wala akong natanggap".

Tumayo si Venus at lumapit saken. Parang may kakaiba sa kanya.

Hindi ko alam kung ano. Pero parang may nararamdaman ako hindi maganda.

As if naman may maganda ako maramdaman sa kanya. Tsk!

"I'm so sorry baby hindi yata maalala ni Hannah ang gift naten sa kanya".

Baby? Anong baby ang pinagsasabi nito?

"Ano ba pinagsasabi mo ? Kung wala ka magandang sasabihin. Umalis kana lang dito sa loob ng opisina ko".

HAVING SEX WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon