|7| Pretending turns out to be true

137 13 0
                                    

Nagising na lamang ako kinaumagahan. Sobrang sakit ng tiyan ko, teka meron ba ako ngayon? Hala ba't andito si Helix sa loob ng kwarto? At bakit siya pabalik balik at mukhang hindi mapakali? Anong nangyayari sa kaniya. Napabalikwas na lamang ako sa higaan dahilan upang mapansin niya ako ng tuluyan,

"Are you okey?" habang bakas sa hitsura niya ang pag aalinlangan.

"Nilabasan ka ng maraming dugo. Alam mo dadalhin na talaga kita sa hospital." dagdag pa nito. Teka seriously? Para siyang bata, wala ba talaga siyang alam?

"Sandali." pagpapatigil ko sa kaniya na bakas na sa aking mukha ang kahihiyan na aking nararamdaman. Habang alam ko na sa aking sarili na may menstruation ako.

"I have my menstruation. Okey lang ako. Normal lang sa aming mga babae labasan ng dugo every month." seryoso kong sabi dito.

"Oh really? Hindi ka nagsisinungaling? Baka naman ayaw mo lang dalhin kita sa ospital?" sabi nito sa'kin na hindi ko ma e drawing ang mukha, kainis!

"Seryoso nga! Red days ko ano ba? Hindi mo ba naintindihan sinabi ko? My menstruation ako at masakit ngayon puson ko kung pwede lang tumahimik kana lang muna? Nakakainis ka! Wait naintindihan mo? Hindi ako nagpapanggap. Wala akong sakit sadyang may dalaw lang talaga ako ngayon. So please kalma ka lang! Baka mamaya ikaw pa niyan ang atakihin eh at dalhin ka sa ospital ng wala sa oras hayst!"

"I'm sorry hindi ko naisip yun. Hindi na mauulit." sabi niya na may halong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Magbibihis na ako at lalabhan ko nalang ang bedsheet." sabi ko.

"No, magpapatawag na lang ako ng maglalaba niyan. Please take care of yourself first. Don't hardly moved. I'm warning you." anong pinagsasabi nito?

"Ako na ang maglalaba tatapusin ko lang maligo." pagmamatigas ko.

"I said don't you dare. Please take care of yourself first." sabi nito kaya tumango nalamang ako imbis na makipagtalo. Sobra naman ata ang pag-aalala niya. Hays! Wala nga ba naman akong laban sa kaniya. At higit sa lahat ayaw ko uminit ang ulo ko ang sakit pa naman din ng puson ko, nakakairita.

"I'll take you to the bathroom. What do you need? Napkin, clothes, anything? I'll give it to you." sabi niya.

"Okey nga lang ako. Ang tigas ng ulo mo. Wag ka mag alala haha. I'm glad na nilabasan nga ako ng dugo eh so it means. I'm not pregnant and still virgin." pagpapaliwanag ko dito.

Lumabas kana. Pagpapaalis ko dito sa kanya sa loob ng kwarto.

"Hayst thank you Lord dahil virgin pa din ako." Habang lumundag ako sa saya sa loob ng banyo at hindi ko akalain na madudulas ako.

"Aaaaargghhh! Ang sakit." at narinig nga yun ni Helix. Dali-dali niyang binuksan ang banyo atsaka nakita akong naka bra at shorts lamang ni hindi pa ako nakapagpalit ng nadumihan kong shorts tapos heto na agad nangyari? Buhay nga naman hayst!

"Are you okey?" habang may pag aalala sa kanyang mukha.

"I'll help you." dagdag pa nito.

"No, I'm still fine. Pagkatapos ko magbihis tatawagin nalang kita pag hindi ko kayang tumayo. Lumabas kana!" Pagtataboy ko sa kaniya.

Sobrang sakit ng beywang ko, dala pa ng menstruation ko huhu..

Naligo na ako ng nakaupo sa shower room. Hindi ko kayang tumayo dahil mukhang nabali-an ako ng isang paa. Sobrang sakit ng kaliwang paa ko hindi ko maigalaw. Pagkatapos ko maligo ay sinuguro ko muna na mahigpit ang pagkaka tapis ko sa aking katawan at sumigaw ako ng malakas para malaman ni Helix na okey na ako.

"Kakargahin nalang kita." ani nito. Hinayaan ko na lamang ito dahil kailangan ko talaga ng tulong ngayon.

Kinarga nga ako ni Helix at pinaupo sa sofa.

"Labas ka muna." pagtataboy ko ulit dito.

"Why? Is there something wrong?" tanong nito.

"Magbibihis ako, labas kana!" pagpapaliwanag ko dito.

Nagbihis na ako ng pambahay. Puro sleeveless at shorts ang puro na nasa cabinet kaya wala akong magawa kundi isuot na lang ang isang pares dito.

Pagkatapos magbihis ay pinalitan ko ng bedsheet ang kama tapos ay humiga lang ako at matutulog na sana kaso pumasok si Helix na may dalang pagkain para sa'kin.

"Hey, let's eat." pagtawag niya sa'kin.

"Sige lang mauna ka lang." Habang ako'y namamaluktot sa sakit ng puson ko.

"Hey, you should eat. Para may laman ang tiyan mo." pagpupumilit nito ngunit hindi ko na lamang pinansin.

"Hey, you eat or I'll..." pagbabanta niya ulit sa'kin.

"What?" pasigaw ko siyang tiningnan. Pina- iinit ulo ko masyado alam niya naman na may menstruation ako eh. Ang tigas ng ulo.

"I'll kiss you." habang nakangising nakatingin sa'kin at inulit pa talaga kingina!

"Eat or I'll kiss you?" Habang lumalapit na ito sa aking kama.

"Oo na sir! Kakain na po!" sagot kong sobrang nakakainis. Ayaw kumain eh nagpupumilit.

"Subuan nalang kita para hindi ka mahirapan." sweet nitong pagsabi. May sakit ba siya? Dahil kung meron babatukan ko talaga 'to ng bumalik siya sa kaniyang pag-uugali!

"Wag na kaya ko naman." sabi ko dito.

"No, subuan kita." sabi ulit nito.

"Sabing kaya ko na eh! Ba't ba ang kulit mo sir? Hindi na ako bata para subuan." Habang namamaluktot parin ako sa sakit ng puson ko.

"Subuan na nga kita diba? Para hindi kana mahirapan. Sige na! Kainin mo na 'to." wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. Baka pagbantaan ulit ako nakakainis!

*****

After 3 days of pain. Thank God at natapos na din. Bumalik na ako sa pagiging masigla. Kaya ginawa ko na naman ang mga trabaho na dapat ko gawin dito sa bahay.

Hindi nakauwi ng bahay si Helix matapos ang 3 days. May pinuntahan ata siyang importante. Kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtulog, kain, gawa ng trabaho atsaka maglaro ng tubig sa banyo hahaha bahala na bored ako eh.

Alas dose na ng umaga nang ako'y magising. Napagod ata ako sa mga ginawa ko. Pero nagising ako ng dahil naramdaman kong may yumayakap sa'kin. Tiningnan ko ang hitsura nito at hindi nga ako nagkamali si Helix ay nandito na. Napagalaw ako dahil hindi ako medyo komportable.

"Hey don't move." habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"I miss you sweetheart." at hinalikan niya ang aking noo.

Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko pero pag kasama ko si Helix. I always feel secure. Do I really love this man now? At hinayaan ko na lang ang sarili kong yakapin niya ako atsaka natulog ng mahimbing katabi siya.

-----------------------------------------------------------------

[A/N: Please don't forget to vote and leave a review if you have like/dislike this chapter. Sorry for all the Errors it's my first time writing a novel story but please don't hesitate to comment if you do have any concerns, criticisms are really accepted. Thank you very much.]

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now