|12| Who are you?

101 10 0
                                    

Papasok na ako ng hospital nang mag ring ang cellphone ko. Unknown number ito, wala sa phone numbers ko. Dahil na sa na cu-curious ako sinagot ko ito.

"Hello who is this?"

"Iho, anak pumunta ka na dito sa hospital bilisan mo ikakasaya mo ang makikita mo." masaya nitong sabi. Siguro nagising na si Kyla hahaha. At dali-dali akong nagpunta sa room ni Kyla. Hindi ako nag isip ng kung ano ano ang inisip ko lang ay makita ko ulit itong nagsasalita at masigla.

Nakarating na ako sa room kung saan si Kyla. Dali dali ko itong niyakap at hinalikan sa forehead, ilong at pisngi. Nang walang sandali ay sinampal ako nito na ikinagulat ng kaniyang mga magulang atsaka ako tinanong.

"Sino ka? Ba't mo ko hinalikan?" bakas sa itsura nitong walang alam sa nangyari. Napangiti na lamang ako sa naging reaksyon niya.

"Haha, I'm glad that you're fine now Kyla." Habang hinaplos ang kaniyang buhok.

"Sino ka." ngunit hindi ko ito sinagot. Naisip ko itong mangyari nang mga araw na sinabi ng doctor na na comatose siya at posible daw makalimot ito at maari din namang makaalala. Nginiti-an ko na lamang ito atsaka lumayo. Gusto ko siya mismo ang makaalala ayaw ko dumating sa point na ipagpupumilit ko ang sarili ko sa hindi naman ako mahal at kilala. Habang nakaupo at umiiyak sa tabi. Nilapitan ako ng ama ni Kyla.

"Helix, tama na ang pag-iyak. Nakagising na si Kyla oh! Maging masaya na lang tayo sa ngayon."

"Haha Oo po. Tears of joy ata 'to." habang nakangising tiningnan ang ama ni Kyla pero ang puso ko naman parang sinasaksak ng bilyon bilyong kutsilyo sa sobrang sakit. Nakalimutan ako ng taong minahal ko. Masaya akong tiningnan ulit ang masayahing mukha ni Kyla habang kinakausap siya ng kaniyang mommy. Nang mag decide akong umuwi muna ng bahay at magpahinga. Namaga nanaman kasi ang aking mga mata sa kakaiyak.

"Sir uuwi na lang po muna ako." tawag ko sa daddy ni Kyla.

"No, let's talk a little bit if it is okey with you." sabi ng ama ni Kyla.

"Sure sir, no problem." sagot ko dito. Ano kaya ang pag uusapan namin?

Umupo kaming dalawa sa bench na katabi lang ng room ni Kyla. My eyes are very heavy gusto ulit nitong matulog pero pinilit ko upang malaman ang aming pag uusapan ng daddy ni Kyla.

"Ano po sir ang pag uusapan natin?" respetong tanong ko dito.

"Don't call me sir you and my daughter are soon to be married haha." tawa nito.

"Malabo na ata sir eh." habang umiiyak sa harapan ng kaniyang ama.

"No, don't you ever say that son. I know that this is not really easy to faced what happen now. It's really tough and difficult right?" sabi nito sa'kin.

"Sobra po." habang patuloy parin ang pag iyak.

"Yeah I know what you've feel now. We also feel that when Kyla's been far away from us. Have you know that we abandoned her but for some reasons iho." dagdag pa nito na ikinapagtataka ko. Heto na ba yung mga sagot sa katanungan ko? Kung bakit inabandona nila si Kyla? Kaya hindi na ako nag alinlangan pang tanungin ito ng maliwanagan ang buong isip ko.

"What reasons tito?" tanong ko dito.

"We have abandoned her para malayo siya sa kapahamakan. Yun na lamang ang magagawa namin para maging safe siya. Pinagbabantaan ang buhay niya ng mga armadong hindi namin kilala kong sino ang may pakana but gladly I thank God we have get rid all the bad people who wants to kill us. Did you know the father of Travis Yosura? He wants to kill our daughter para sa kaniya namin ipamana ang aming kumpanya but sadly he died on car crash 18 years ago dahil gusto nitong tumakas at ayaw magbayad sa kaniyang kasalanan. And now everythings fine. Binisita namin si Kyla sa orphanage na ipinagbilinan namin sa kaniya at doon gumuho ang mundo naming mag asawa nang malamang hindi na siya bumabalik 'dun 9 months na daw ang nakalipas. Kaya nag decide kami ni tita Shella mo na ipahanap siya and I'm glad you found my daughter. Thank you very much Helix. Sinabi ng buo ni Shella sa'kin kung anong ginawa mo saming anak and I'm also glad na palaban siya at independent." sabi nito sa'kin habang inisip din ang nangyari about kay Kyla noong muntik n siyang gahasain ni Travis.

"It was destined sir. I also did not expect na makikilala ko ang anak niyo sa ganoong sitwasyon but I'm very glad na nag meet kami ni Kyla sa ga'nung sitwasyon." habang nakangiting sinabi ito. Yun pala ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Kyla.

"Oh sya sige! Magpakatatag lang tayo Helix ha? Mag ingat ka pauwi. Don't worry makalimutan kaman ni Kyla sa isip hindi ka naman niya makalimutan diyan." habang nakangiting itinuro ang dibdib ko. Yung puso ko.

*****

Unti-unting nagbago ang lahat simula ang pangyayaring yun. Nagkaayos ang pamilya ko at pamilya ni Kyla. Unti-unting nagiging okey ang lahat lalong lalo na si Kyla at hanggang sa makalabas ito ng hospital. Ngunit unti-unti din akong nilalayuan ni Kyla sa tuwing kami'y magkita. Sobra akong nasaktan dahil ganun ang nangyari. Hindi man lang kami nakapag-usap ng masinsinan ang sakit sobra. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito sa kumpanya ng kaniyang mga magulang. Kaya palagi kaming nagkikita kung may mga appointments. Maraming nagulat sa mga pangyayari at hindi makapaniwalang siya ang nawawalang anak ng mga Valdeo.

Nang magsimula na itong magtrabaho ay madami ng lalaking nakakausap ito na sobra kong ikina-selos. Nakakainis sobra andami ng lalaking nakapaligid sa prinsesa ko at ako mismo na minsa'y naging malapit sa kanya ay hindi ko na siya malapitan dahil sa sobrang inis nito sa'kin.

Ngayong araw ay ipinanawagan sa lahat na nakita na ang nawawalang anak ng mag asawang Valdeo at imbitado ako sa party na idinaos nang pamilya. Maraming nagtatanong na siya ang ipinakilala kong asawa last time at hindi ko naman iyun ipinagka-ila. Nagsabi ako ng totoo. At ipinaliwanag kong bakit hindi na kami nagkakasama ni Kyla. Naiilang man akong sagutin ang kanilang bawat tanong ngunit kailangan upang maliwanagan ang lahat.

-----------------------------------------------------------------

[A/N: Please don't forget to vote and leave a review if you have like/dislike this chapter. Sorry for all the Errors it's my first time writing a novel story but please don't hesitate to comment if you do have any concerns, criticisms are really accepted. Thank you very much.]

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now