|30| Unpleasant experience

43 3 0
                                    

Regan's POV

This is it! Helix we'll totally be mine! Hahaha.

"Dito kana matulog?" sabi ko kay Helix, na para 'bang nang aakit.

"Oo sige, may maipapahiram ka ba sa'king damit? Maliligo lang ako para naman fresh ako mamaya." sagot niya sa'kin habang niyayakap ko siya. Oh my gosh! Magkakatabi kami matulog!

Tumayo ako at hinanapan siya ng damit sa cabinet ko. Ano kaya babagay sa kaniya? Ipahiram ko kaya sa kaniya ang fitted na boxer at samahan na din ng kamesita? I hate to imagine this, ugh! But this makes me feel so hot that I really wanted now to make a bed scene.

"Helix? Okey ba sayo ang kamiseta at boxer?" sabi ko na nakatingin sa kaniyang direksyon na nasa kama.

"Of course not! Seriously? I mean sorry, nagulat lang ako. Yung pormal naman Regan lalabas pa tayo mamaya hahaha. Nakakahiya sa mga alalay mo pag nakita akong naka boxer lang tapos kamiseta." Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan habang sagot ang tinanong ko.

"May point ka Helix, ayaw ko din namang makita nila yung makikita ko eh hahaha!" sagot ko, atsaka hinanapan na lang siya nang simpleng damit pang itaas at gayundin pang ibaba.

"Heto, Helix." Inabot ko sa kaniya ang damit na kulay black semi tshirt lang ang style tapos kulay blue na summer attire pang ibaba.

"Salamat Regan! Pahiram na din ako tuwalya, pampunas lang." sabi niya sa'kin.

"Helix, oh!" Inabot ko naman ang tuwalya.

"Helix!" sigaw ko na ikinagulat niya naman.

"Bakit Regan?" tanong niya.

"Pwede ba 'wag mo 'kong tawagin na Regan? Precious na lang!" sagot ko sa tanong niya.

"Anong ibig 'mong sabihin? Pero diba Regan ang pangalan mo?" tanong niya ulit. Nakakainis naman!

"I mean, babae ako! Hindi dapat Regan tawag mo sakin!" sagot ko na ang tono ay medyo galit na may halong lungkot.

"Ah okay! Gets ko na! Precious." Napatingin ako sa kinatatayuan niya at nag iwan ng matamis na ngiti gayun 'din siya bago siya pumasok sa comfort room.

Ano ba naman 'to! Kinikilig ang beshie niyo hahaha! Ganito pala ka saya ang mapalapit sa taong matagal mo nang pinapangarap? Hahaha.

Lumabas ako upang utusan si Kyla na magluto ng dinner. Syempre! At bakit hindi? She is legally owned by me at may karapatan akong utusan siya! At maling galaw lang niya at hindi pagsunod sa'kin makakatikim siya ng torture na hindi niya pa natitikman!

"Nasaan si Kyla?" tanong ko sa mga alalay ko na kasama si bruhang Kyla kanina.

"Nandoon po siya sir sa kwarto nagpahinga." sagot ni yaya Myrna.

"At sino nagsabing magpahinga siya? Alipin siya dito! Kaya wag siya mag donya-donyahan!" sabi ko at umalis sa kanilang harapan. Tinungo ko ang mades room at nung pagtungtung ko na sa harapan ng pinto dali-dali 'kong binuksan at 'doon ko nakitang kumakain pa ito ng masarap na pagkain galing sa bulsa ko! Hays, kairita!

"Hoy! Bruhang Kyla! Habang masarap ka diyang kumakain hindi mo ba 'to nakita ang ginawa mo sa'kin kanina? May gana ka pa talagang magpahinga at kumain ha? Napaka walang hiya mo naman!" sabi ko na nanggagalaiti.

"Tsk! Ako pa talaga ang walang hiya? Nasa sayo ang pera nang mga magulang ko diba? Kaya wala akong dapat ikahiya!" sagot naman niya na napatikom ang bibig ko.

"Pa-pano mo nalaman?" utal 'kong sabi.

"Ba't ka utal magsalita? Tama ako diba? Halata naman sa dala ni Helix kanina papunta sa kwarto mo! Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na pera yun 'nu?" pabalang na sagot ni Kyla sa'kin.

"Hays! Kahit na! Wala ka 'paring karapatan na kumain ng kumain diyan! Wag 'kang umasta na kaya mo 'kong kalabanin Kyla! Alalahanin mo, nasa territoryo ka mismo nang nagmamay-ari ng mga nakikita mo ngayon!" sabi ko.

Naglakad ako papunta sa kaniyang kinauupuan at sinabunutan ang kaniyang buhok atsaka siya kinaladkad palabas ng kwarto papunta sa kitchen.

"Akala mo may masasabunot ka sa'kin? Wala! Dahil hindi pa naman mahaba ang hair ko." sabi ko sa kaniya habang hawak ko parin ang buhok at sumusunod lang siya ng lakad niya papunta sa kitchen.

"Tinanong ko ba? Marami kayang paraan para makapaghigante ako sayo!" palaban na sagot naman ni Kyla sa'kin.

"Ahh ganon? Hinahamon mo ko?" sabi ko nang nakatingin sa kaniyang mga mata ng masakit.

Itinulak ko siya at napunta siya sahig. Atsaka hindi pa natapos ang away naming dalawa. Sinampal ko pa siya ng sinampal bago siya magsalita nang nasa medyo mabait na tono.

"Oo na! Susunod na ako sa lahat ng utos mo! Itigil mo na yan! Wala akong lakas para makipag away ngayon! Please ang sakit na!" sabi niya atsaka ko itinigil habang hingal na hingal ako sa ginawa 'ko sa kaniya. Nakita nang mga mades ko ang ginawa ko kay Kyla ngunit hindi nila ako inawat malamang ginusto nilang mangyari 'to sa magiging bagong katulong nila sa gawaing bahay.

"Papahirapan ulit kita Kyla! Kaya wag na wag mo akong sasagutin na palaban! Dahil kung hindi! Sobra pa ang mararanasan mo diyan! Know where you stand! You're my slave here, and I'm the boss here!" pagbabala ko kay Kyla atsaka tumayo galing sa pag upo ko sa kaniyang tiyan kaninang sampal sampal ko siya.

"Anong maipaglilingkod ko?" tanong niya habang pinipilit niya ang kaniyang sariling tumayo sa kaninang pagtulak ko sa kaniya sa sahig.

"Ipagluto mo kami ng ulam para sa mamayang dinner. 'Wag na wag mo lagyan nang kahit anumang ikapapangit ng lasa ng pagkain ha! Siguraduhin 'mong masarap ito! Dito matutulog at kakain si Helix! Pag ikaw pumalpak! Asahan 'mong sasaktan ulit kita! Naintindihan mo?" utos ko sa kaniya.

"Oo po sir! Masusunod!" magalang na sagot naman niya.

"Andali-dali mo naman palang kausap eh! But correction! Maam not sir! Lumalaban laban kapa wala namang binatbat! Sarap mong pahirapan at saktan nang matauhan ka kung hanggang saan kalang dapat!"

"Pasensya na po maam! Hindi na po mauulit!" sagot niya na parang pinipigilan lang ang kaniyang sariling magalit pero halata naman sa tono niya na gustong lumaban.

"Huwag 'mong kakalimutan ang mga sinabi ko." sabi ko atsaka umalis sa kaniyang harapan at bumalik sa'aking silid. Makapagligo na nga rin nakakastress naman ang bruhang 'yon!

"Kung bakit ba kasi buhay pa 'yan hanggang ngayon! Na pwede ko naman lang patayin na lang siya ng tuluyan para wala ng problema!"

"Anong sabi mo?"

***
Until then, VOTE and COMMENT my lovely readers. Thank you!

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now