|20| Reminiscence

69 9 0
                                    

"Tsk! Seriously?" sagot ko na sobrang ikinagulat ko naman.

"Sir! Hindi ka ba nagmahal? Alam kong bago ka tumuntong sa posisyon mo na yan. Meron ka 'ding minahal. I'm begging you please let my woman go!" dagdag kong sabi,

"Don't you dare Helix! Tapos na ang storya ko na yun! Wala kang karapatan na ipaalala ulit sa'kin yun! Pinapapili na kita! Yun ang sagutin mo!" sabi niya sa'kin na may halo ng galit ang kaniyang pananalita.

"I'm still a mafia Lord right? If I would choose Kyla?" tanong ko na napataas ang kilay niya at agad din niya namang sinagot.

"Yes ofcourse you are still mafia but you shouldn't belong in us! You better think carefully Helix!" ani niya,

"Hindi ako duwag boss! Ipaglalaban ko kung anong nararapat. Hindi ako tutulad sayo nung nakaraan mo!" sabi ko atsaka niya ako nilapitan at walang pag alinlangang sinuntok ako sa kaliwang bahagi ng mukha at napaupo ako sa sahig sa malakas na hampas ng kaniyang suntok atsaka ko natamo ang pasa.

"Tsk. I choose Kyla!" sinabi ko atsaka tumayo at umalis papalayo sa kaniya.

"You should prepared your coffin now Helix because in this war, I'll make sure you'll die!" sigaw niya sa'kin.

"Ok. See 'ya!" sagot ko habang patuloy parin na naglalakad papunta sa labas atsaka iwinawagayway ang aking kamay hudyat ng pamamaalam ko sa kaniya.

Sa ngayon ipapaalam ko 'to sa mga magulang ni Kyla para pati sila makapaghanda rin sigurado akong tatargetin din sila ng mga kalaban. Kailangan magplano na ako ngayon para malaman ko na kung ano dapat ang gawin.

Nakalabas na ako sa residence ng mga mafia gamit ang isa sa mga sasakyan ng mga armado. Papunta ako ngayon sa kanila ni tita Shella at tito Kyvin para ipaalam sa kanila kung anong mangyayari.

Head of Mafia Lord's POV

Pababalik pabalik lang aking lakad sa'king opisina habang patuloy na iniisip ang kani-kanina lang na pangyayari.

"Walang hiyang Helix na yun? Mas pinili pa talaga niya ang mahal niya? How could he do this? All this time, dito lang pala ang kahahantungan namin? This is not really good I'm going to tell Regan about this. We need to do something para hindi na mag away away. I'm so angry! What am I gonna do now? Kailangan piliin kami ni Helix para mapagpatuloy ang plano. If don't? Isa sa'min ang matatalo sa war at magkakawatak-watak kami kapag isa saamin ang masasaktan ng sobra!"

Nanghina ako bigla atsaka napaupo na lamang ako sa sahig at napaiyak habang naiisip ang buong pangyayari nang kami ay masayang nagmamahalan ng babaeng aking papakasalan sana ngunit nauwi sa malaking trahedya,

"Parang ako din 'to noong araw. Coincidence lang ba 'to? I hate crying! Bakit ako umiiyak!"

/Flashback/
"Bitawan mo siya! Tigilan niyo yan, nasasaktan na siya! Nanghihina na siya! Wag niyo na siyang pahirapan ng sobra! Your being to harsh to her!" sabi ko, hindi ako makalapit dahil kung hindi ako banggaan ng mga loyal na armado sa'king ama-amahan hinahawakan naman ako nila na para bang isang criminal!

"Tama na dad! Wag mo naman siya patayin nagmamakaawa ako sayo." ani ko na lumuhod pa sa kaniyang harapan na inaasahan kong papakawalan niya na sa aking piling ang aking mahal, ngunit hindi ko rin inaasahan na magsasalita ang aking irog,

"Wag ka magmakaawa, wag mo ko kailanman isusuko, dahil hinding hindi ako susuko Luke." pautal-utal niyang sabi na para 'bang unti-unti ng nanghihina. Hinahawakan siya ng dalawang armado. Puno siya ng sugat at ang dumi niya, hindi ko batid kung anong ginawang masama sa kaniya ng aking ama-amahan!

"Pero lalo kalang masasaktan pag hindi ako sumuko Lalaine! Ayoko ng masaktan ka!" sabi ko habang unti-unti nang pumapatak ang aking mga luha.

"Andito na tayo Luke! Harapin na natin 'to, atska hindi ko 'to pinagsisihan mahal kaya wag na wag mong isisi kailanman ang 'iyong sarili. Pinili ko 'to! Wag ka ng malungkot ngumiti kana para sa'kin mahal." ani niya, yumuko na lamang ako.

At sa hindi inaasahan binawi-an siya ng buhay mga isang minuto lang ang nakalipas. Hindi na ako nakapagsalita na para bang na frozen ako sa aking niluluhudan at 'yung hiling niyang pag ngiti ko hindi ko pa nagawa.

Huling rinig ko na pala iyon ng kaniyang boses at ang lahat ay nag sitayuan lang at ang dalawang armadong nakahawak sa kaniya unti-unti siyang binitiwan. Gumuho ang mundo ko nang araw na 'iyon. Iba pala ang sakit ng mawalan ka ng mahal sa buhay sobrang napakasakit! Feeling mo ang daming matatalim na bagay ang nasa buong katawan mo at pasan pasan mo na rin ang problema ng buong mundo. Ga'non kasakit! Sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang aking mararamdaman sa aking tinuring na ama, all this years.

"Lalaine! Gumising ka sabi mo wag ako sumuko dahil hindi ka susuko ba't mo ako iniwan? Asan na yung promises na sinabi natin sa isa't-isa! Naglaho nalang basta basta? Lalaine! Lalaine! Lalaine!" sigaw ko habang nadala na din sa emosyon.

Pagkatapos din nang araw na 'iyon na para bang wala lang nangyari kontrolado na ako ng aking ama-amahan. Doon ko palang nalaman at nakita ang totoo niyang kulay! Wala siyang hiya! Ang sakim sakim niya! Hindi ko akalain na makakapatay siya ng tao at higit sa lahat ang babaeng mahal ko pa. Anong ginawa kong mali sa kaniya? Halos lahat ng pinapagawa niya sinusunod ko naman pero ang pakealaman ako sa aking buhay mismo? Labas na siya dun! At ngayon wala na akong kawala sa kaniya dahil ang rason naman niya, ako daw ang susunod sa kaniya bilang, The Mafia Head' na kailanma'y hindi ko pinangarap.

/End of flashback/

Sising sisi ako dahil wala man lang akong nagawa upang iligtas siya! Ang duwag ko! Naiinis ako ng sobra sa aking sarili! Hindi ko maipaliwanag kung galit ba o kalungkutan? Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Kung bakit ba kasi yun pa ang kinahantungan! Kung bakit ba kasi ako pa 'yung napiling ampunin! Kung bakit ba kasi ako pa? Masaya naman ako at malungkot din at the same time dahil pumanaw na rin ang ama-amahang nagpalaki sa'kin due to car crash nirerespeto ko pa din 'yun kahit papano. Pero hanggang ngayon hindi yun yung bumabalik-balik palagi sa aking utak eh! Hindi parin ako makalimut sa'aking mga naranasan kasama ang aking mahal sa kamay pa ng aking mismong ama-amahan, hindi ko lubos mapaniwalaan na 'yun ang nangyari. Kung kaya't sana lamang, balang araw maging tahimik na rin ang puso kong hanap hanap ang sagot sa'king katanungan.

-----------------------------------------------------------------

Hi GladdenedSoul Readers,

Thanks for reading my work. If you enjoyed this chapter, please don't forget to tap the star which is the vote button and please comment if you do have any concerns. Criticisms are really accepted.

This might come as a suprise to you but, "The Mafia Lord Slave," has already have an english version on the platform named, "Goodnovel" also thanks for the people who invited me and accepted my application form.

If you'd like to visit it just go to your browser and search, "www.goodnovel.com" then you need to sign up. After that you can go to the search button and type the title of my story.

Thank you for supporting! God bless you GladdenedSoul readers.♡

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now