|8| Finding out her true Identity

140 11 0
                                    

Helix P.O.V.

Meron akong incoming call, kaya naman sinagot ko ito.

"Kamusta?" ani ko sa lalaking kausap ko.

"Confirm sir." sagot nito.

"Magkita tayo sa opisina ko at dalhin lahat ng papeles nang pinapa-imbestigihan ko sayo." ani ko.

"Yes sir. Masusunod po."

****

Naging malapit na kami sa isa't isa ni Kyla kung kaya't kinilala ko ito ng mabuti. Pina imbestigihan ko ang history ng kaniyang apelyido at may nalaman ako.

Pinuntahan ko si Kyla sa kaniyang kwarto at tiningnan ang maganda nitong mukha. Nilaro ko ang kaniyang buhok dahilan upang siya'y magising.

"Sir? May kailangan po kayo?" ani nito na halatang antok pa.

"No, just sleep sweetheart." tugon ko dito. At sinunod niya ang utos ko.

Unang pagkikita palang namin ay nasa ugali na itong palaban gaya din siya ng kaniyang ama.

Nilagyan ko ng kumot ang buo niyang katawan. Nakakaakit ito, ngunit ayaw kong simulan. Gusto kung respetuhin ang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong mundo at kung hindi man gusto ko siyang respetuhin bilang isang babae.

Lumabas na ako sa kwarto at nagbihis. Makikipagkita ako sa aking imbestigador kung tama nga ba ang hinala ko kay kyla.

Tinawagan ko ito at dali-dali naman niya itong sinagot.

"Hello sir? Andito na po ako."

"Sige, I'm coming." ani ko.

Marami akong naisip sa posibleng mangyari kapag totoo ang hinala ko maaaring mailalayo si Kyla sa'kin. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdam ko. Kung bakit nagugustuhan ko na ang ni minsan ay slave ko lang.

Nakarating na ako sa lugar. At nagkita na kami ng aking imbestigador. Binigay niya sa'kin ang brown enveloped ng lahat na nagpapatunay tungkol sa katauhan ni Kyla at totoo nga ang hinala ko hindi ako nagkamali. My slave is richer than me. My slave Kyla is a rich girl. Gulat kong nabasa ang katotohanan tungkol kay Kyla. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Gusto kong hindi ito malaman ni Kyla dahil baka mag-iba ang pakikitungo niya sa'kin kung malaman niya ang totoong pagkatao niya.

Binayaran ko ng pera ang aking imbestigador. Atsaka itinago ang katotohanan na alam ko tungkol sa pagkatao ni Kyla ang akin lang sa ngayon ay poprotektahan ko siya kung sino man ang tumangka sa kaniyang buhay.

Bumalik na ako sa bahay dahil nakatanggap ulit ako ng mensahe na may gagawin ulit na party sa pinuntahan namin kaya naman naging conservative na ako sa pamimili ng damit na susuotin ni Kyla.

Ngunit lahat ng nakita kong long gowns ay napaka open. Kung hindi likod, dibdib, kung hindi dibdib hita, wala bang mas okey na gown? Napag isip ko din na kung isama ko nalang kaya si Kyla mismo? At siya na ang mamili ng kaniyang susuotin?

Alas cinco na ng hapon. Napag-isip ko na bukas ko na lang dalhin si Kyla at isama sa mga gumagawa ng long gowns. Nang may na amoy akong napakabango sa kusina. Si Kyla ata nagluluto.

Pagkapasok ko nakita kong masayang nagluluto si Kyla sa kusina nang hindi ko namalayan ang aking mga magulang na nasa sala.

"Hindi mo ba kami e we-welcome anak?" sabi ng mommy ko na ikinagulat ko naman.

"Dad, why are you here?" tanong ko.

"Ang sariwa ng babae mo anak ha!" pangbibiro ni daddy sa'kin ngunit hindi ako nasiyahan.

"Bakit hindi man lang kayo nagsabi na darating kayo? Sana ipi-nag order ko nalang kayo. Hindi yung pinaluluto niyo ang asawa ko."

"Slave." dagdag ni mommy.

"Mom, I do honestly love that girl. I love Kyla." sincero kong sagot.

"Don't you dare, "Valdeo Families" is our enemies." sabi ni mommy.

"Mommy! Shut up or else hindi na kayo makakauwi ni daddy sa pamamahay niyo!" galit kong sagot sa kanila. At nakakuha ako ng malakas na sampal mula kay mommy.

"Binabalaan lang kita anak!" dagdag pa ni mommy.

"Mommy, Kyla had abandoned by her family 22 years ago. Kaya wala siyang alam na anak siya ng pinakamayamang tao sa buong mundo." paliwanag ko dito.

"Ni hindi niya kilala ang mga Valdeo. Wala siyang alam mommy. At kung dumating man ang araw na magkaalaman na I'll protect Kyla hanggang sa mamatay ako. And lastly I admit it kahit hindi ko alam ang pagkatao niya una palang naramdaman ko na lamang na siya'y mahal ko na. Please mommy stop kung ano man ang pinaplano mo. Magkaayos na kayo ng mga Valdeo." dagdag ko.

"Umm Hello ulit po. Kain na po kayo. Naluto ko na po ang pagkain. Sir Helix? Sama kana po sa family mo." ani mo'y batang walang alam.

"Thank you sweetheart!" naging tugon ko dito.

Habang kami ay nasa hapag kainan ay walang tigil na nagtatanong si mommy kay Kyla. Pinasabay ko ito sa'min.

"Can you atleast tell me about yourself, iha?"

"Umm namulat po ako sa isang orphanage at doon lumaki. Ang sabi ng mga sisters na nakakita sa'kin ay iniwan daw ako sa labas ng ampunan at may nakita silang pangalan ko na inilagay sa munting papel kaya yun ang ipinangalan sa'kin." nakangisi pa itong labi.

"So totoo pala ang sabi ni Helix sa'min wala kang alam, wala kang alam kung sino sino ang totoo mong parents how sad your life is."

"Mom please stop." habang si daddy naman ay sarap na sarap sa kaniyang kinakain.

"Ang sarap mo iha! este magluto iha! Sigurado akong magiging proud ang parents mo pag nakilala ka nila." compliment ni daddy kay Kyla at agad naman siyang binatukan ni mommy. Tawa lamang ang naging tugon ni Kyla sa kanila.

"Siguro na lason mo ang anak namin dahil sa mga niluluto mo yan tuloy ang pagpapanggap na pagmamahalan ay naging makatotohanan." inis na naging sabi ni mommy ngunit pinigilan ko lang ang aking sarili.

"Siguro po kung lason man iyon namatay na anak niyo ngayon." palaban na sagot ni Kyla kay mommy.

"Aba! Bastos kang bata ka ha!" muntik nang awayin ni mommy si Kyla ng hatakin paalis ni daddy si mommy palabas ng bahay ko.

Natatawa lang ito habang naaalala ang sagot nito. May point naman talaga siya eh. Kung nangyari yun edi sana hindi na kami nagkasama pa, hindi na sana ako nahulog ng lubusan kay Kyla.

-----------------------------------------------------------------

[A/N: Please don't forget to vote and leave a review if you have like/dislike this chapter. Sorry for all the Errors it's my first time writing a novel story but please don't hesitate to comment if you do have any concerns, criticisms are really accepted. Thank you very much.]

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now