|32| Controlled by the Mafia

38 3 0
                                    

"Heto na po! Sandali po."

"Ano ba yan Kyla! Ang hinhin mo masyado! Pakibilisan mo nga ang bagal bagal mo namang kumilos!"

"Papalapit na po ako maam."

"Hay! Palapit na daw pero anlayo pa! Ano ba, bilisan mo naman ang paglalakad gutom na ako! Gusto ko tikman ang niluto mo kung pasok ba sa panlasa ko o kay Helix! Kaya dali-an mo!"
...

"Hays! Napakatanga mo naman Kyla! Anong ginawa mo sa pagkain! Kaya nanggigil ako sayo eh!" galit na pagsabi sa'kin ni Regan. Na kung hindi dahil mismo sa kagagawan niya hindi naman mangyayari 'to. Sinisi pa talaga ako?

"Sorry maam." sabi ko habang nakaluhod sa harap niya. Rinig ko ang pa sekretong halakhak nito dahil sa naging aksyon ko.

"Palalagpasin ko muna 'to sa ngayon Kyla dahil lumuhod ka sa harapan ko. Pag ako merong hindi nagustuhan sa pag uugali mo sa harapan ko susunugin ko 'yang mga daliri mo!" sabi niya habang tinuturo niya sa'king mukha ang kaniyang hintuturo habang nakapameywang.

Tahimik ang lahat habang patuloy parin ang putak ng bibig ni Regan! Si Helix parang bumalik sa dating pagiging cold niya at pagka seryoso na para 'bang matatakot kana lang dahil isang salita mo lang babarilin ka. Hay! Kailan pa kaya matatapos ang kaguluhan sa buhay ko na 'to? Kung pwede lang tapusin ko nalang ngayon ang buhay ko kaso hindi pa ako ganito ka down ayoko pa magwakas ang buhay ko dahil sa pangyayaring 'to!

Nagsi-balikan sa pwesto ang lahat dahil sa utos ni Regan. Kinuha ni yaya Belen ang natirang chicken noodle soup na natira 'dun sa kaserola kung saan ko niluto at hinatid ito sa lamesa kung 'san ihahain na. Ako naman nakatayo sa gilid katabi ang iba 'pang mga katulong na nasa mansyon na 'to hinihintay ang magiging reaksyon nilang dalawa ni Helix na matikman ang niluto ko.

"Helix pasensiya kana sa trouble kanina ah." sexy na pagsabi ni Regan kay Helix at tumingin ito sa direksyon ko at binigyan ng galit na looks.

"Ayos lang! Shall we eat now?" maikling sagot ni Helix kay Regan ng diretsahan. Grabe parang kahapon lang ang sweet na parang bata ang bilis naman talaga magbago nitong si Helix, hays! 'Pano kaya kung marinig ako nito, siguro hahalikan ako nito, hahaha. Ang daldal mo naman kasi self plus super duper assuming!

"Sure, Helix! Go ahead now!" sabi ni Regan. Confident naman ako na masasarapan si Helix sa niluto ko nu! Naalala ko pa nga hanggang ngayon ang sinabi niya sa'kin 'nung nilutuan ko siya, "Have you gone culinary? You're good in cooking." wala lang ang saya at sweet lang balikan, hahaha.

"What the! Anong ulam 'to? Hindi naman 'to masarap Kyla niloloko mo ba kami? Ang panget ng lasa kaya! Wala na akong gana!" sigaw ni Helix sabay suka ng pagkain. Nataranta naman ako, hindi ko alam 'kung ba't ganun ang lasa niya? Tinikman ko naman kanina ang sarap naman pero bakit?

Pagkatapos nang naging reaksyon ni Helix sa niluto ko dali dali namang tumikim si Regan ng isang kutsara sa niluto ko galing sa kinuha ni Helix. Heto na! Sisiraan nanaman ako nito para magmukha nanaman akong may kasalanan at masama!

"What? Ang sarap kaya Helix! 'Panong iba panlasa mo kaysa sa'kin? Alam mo Helix hindi pwedeng pangat ang lasa nito dahil binalaan ko ang babaeng nagluto nito!" sabi ni Regan na ikinagulat ko! Atsaka naman kami nag eye to eye ulit. Bumaliktad na ba ang world? Ganito na ba kasama ang mundo para hindi ako pahalagahan ng taong mahal ko? Won't he recognize me just this once? Ang sakit naman!

"Basta ayokong kumain! Hangga't dito ako nags-stay Kyla won't be my chef!" sigaw ni Helix atsaka tumayo at umalis sa hapag kainan. Nakakalungkot naman with love ko pa naman niluto yun tapos hindi man lang na appreciate ng mahal ko.

Habang dinadamdam ko ang pangyayari ngayon lang hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon ni Regan. Kain lang ito ng kain na para 'bang walang bukas? Hindi man lang ata napansin na umalis si Helix. Hindi man lang pinigilan!

"Kyla?" pagsasalita ni Regan habang unti-unting nginunguya ang pagkain.

"I like the way you cook this recipe's. It's too delicious that I can eat this all! Don't be too emotional dear if I complimented you so much. I ate this foods amazingly, first time. I can't say anything rather than the word amazing! But you cannot cook anymore. As I've observe, Helix didn't like this kind of taste of food. So, I will transfer you on the cleaning of comfort room every hour in one day! I think that will be a curse hahaha."

"Pero..."

"Bakit may reklamo ka? You wanna end up in the grave? Hahaha let's stop this nonsense! Yaya Myrna balik ka sa role mo na tagapagluto."

Grabe ang harsh! Kainis naman oh! Akala ko, magbabalik ang pagtingin sa'kin ni Helix 'nung matikman niya ang luto ko baliktad naman ata sa pinapangarap ko ang nangyayari!

"Yaya! Busog na ako! After this, you three balik sa trabaho niyo." sabi ni Regan atsaka may senyas pa sa tatlo na para 'bang may something na hindi ko gaano ma explain bago tumayo sa kinauupuan. At pagkaalis niya ay nag bow kami. Ang sosyal diba? Parang hari, este reyna! Feeling!

Iniligpit namin ang lahat ng kalat na nasa lamesa nagpabalik alaala lamang sa'kin ang nangyari kanina lang ng iniligpit ko mismo ang pinggan na kakainan ni Helix sana agad naman nagsink in sa isip ko ang sinabi ni niya sa luto ko kanina.

"Kyla pwede ikaw na maghugas ng mga pinagkainan? Tatapusin ko pa kasi ang inutos sa'kin ni ma'am Regine alam mo na Regan! Haha." sabi ni ate Gina.

"Ayos lang po! Ako na bahala!" sagot ko at agad na ngumiti sa kaniya.

"Salamat, iha! Sige ah, iwan na kita dito sundan ko lang sila Myrna at Belen." dagdag niya.

"Sige po! Take your time!" sagot ko ulit.

Hindi ko alam pero bakit feeling ko hindi totoo si ate Gina, Myrna, at Belen sa'kin? Parang tingin ko naloloko ata ako. Pero hindi naman ata! Baka pakiramdam ko lang 'to. Hindi naman gaano ka harsh ang mundo nu! And if taliwas o totoo man 'tong ine-expect ko then I'll be untrue too, I'll be the hateful, unforgiving,  will never ever again show mercy and love to those people who mess with me! I'll mark my word! Hays! As if naman na kaya ko magtanim ng hate dito sa puso ko! Pero ang unfair kaya ng mga nangyayari sa'kin ngayon! Did I deserve this shit and hell of life!

The heck, no way!

***
Until then, VOTE and COMMENT my lovely readers. Thank you!


THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now