|14| It's all about you and me

100 12 0
                                    

Nang makarating ako sa kumpanya niya dali dali akong pumasok at hinanap ang opisina niya ngunit sa pagkalaki laki nito hindi ko batid kung saan ang room ng opisina niya at sa wakas sa inaasahan nakita ko ang kaniyang sekretarya at walang pag-alinlangang tinanong ito.

"Hi." pagbati ko dito.

"Hala! Hello maam. May kailangan po ba kayo? Ba't ka po nandito?" nakangiting bati nito sa'kin.

"Umm I was just wondering kung saan banda ang office ni Helix?" nahihiyang tanong ko dito.

"Yes maam andun po banda. Hatid ko po kayo?" at kaniyang itinuro ang office ni Helix.

"No, thanks Helen kaya ko naman atsaka baka maabala pa kita sa trabaho mo haha. Salamat ulit!" sabi ko dito.

"Haha naku walang anuman po maam. Basta ikaw!" nakangiting tugon nito sa'kin. At dali dali naman akong nagpunta papasok sa office ni Helix.

Napakatahimik mukang wala pa ata siya umupo muna ako sa sofa at naghintay ng mga minuto. Ang tagal niyang dumating kaya naglaro na muna ako ng mobile legend sa cellphone na iniregalo ng mga magulang ko sa'kin nang walang sandali ay na bored ako straight defeat ang nakuha ko puro kanser mga kasama hayst! Mga walang modo kalaro kainis!

Kaya tinigilan ko ang paglalaro at naglibot libot sa loob ng opisina ni Helix. Mahilig pala ito magbasa ng libro? Kaya siguro ganoon na lang ang pag success niya sa kaniyang kumpaniya. Iba pag business man haha palabasa talaga ng mga libro. Siguro madami itong alam about bussiness. Wow! Mahilig din pala siya sa paintings haha ang gaganda ng nakadisplay at may naka frame pa ang cute! Pero teka, ako ba 'tong isang nasa frame? Kasama si Helix? Lah! anong ginagawa ko? Ba't nakangiti ako? Litratong kasama si Helix? At may hawak na teddybear? Umupo ako sa sofa at hinawakan ng maigi ang litrato at sa hindi inaasahan pumatak isa-isa ang aking mga luha at hindi na ako mapakali.

Nagsimula nang mag flashback ang lahat lahat sa'kin habang hawak hawak ko ang litrato namin ni Helix. Patuloy parin na umaagos muli ang aking mga luha at parang may tumusok bigla sa aking kaloob-looban nang malaman ang lahat.

Halo-halo ang aking naramdaman simula ng maalala ko ang lahat. Merong saya, lungkot, at sakit. Ano ba 'to? Hindi ko maintindihan, ito na ba ang kasagutan sa matagal kung pangungulila ng katotohanan? Habang pinupunasan ang mga luha kong nagbabadyang lumabas at tumulo sa aking mga mata.

Hindi ko siya naalala matapos niya akong halikan nang araw na nagising ako sa hospital imbis na ito'y tugonan na lamang nang matinding yakap ay sinampal ko pa ito sa pisngi ng masakit? Bakit? Bakit ko siya nakalimutan?

Naalala ko na rin kong anong ibig sabihin ni mommy sa'kin nung gabi'y kaming nag-usap tungkol sa mga bumabagabag sa aking isipan ang lahat nang yun ay na kay Helix ang sagot. Ang dami kong pagkukulang kay Helix simula nang araw na una akong nagising sa hospital imbis na siya hanapin ko, nag pa comfort ako sa mga magulang ko at hindi lamang ako nagtaka kung paano nila ako nahanap. Ang sungit sungit ko pa kay Helix at tinrato ko itong sobrang nakakainis sa harap ng mga magulang ko. Kaya pala ganun nalang siya makatingin sa'kin dahil may kahulugan pala ang lahat ng mga yun. Hindi ko man lang naisip na may something pala sa aming dalawa. Ang tanga tanga ko habang unti unti ng nawawala ang make-up ko dahil sa sobrang pag-iyak ko. Ang alam ko lang ngayon ay gusto kong puntahan si Helix at mag sorry sa maling pagtrato ko sa kaniya dahil mukhang hindi siya ngayon papasok sa kaniyang kumpaniya. Ano ba? Ang laki ng pagkukulang ko sa kaniya. Seryoso ba 'to? Naaalala ko na lahat!

Alas kwatro na ng hapon ay nandito parin ako sa loob ng opisina ni Helix habang umiiyak pa'ding katabi ang picture naming dalawa. Iniisip ko kung nasaan na siya at bakit hindi pa siya dumadating.

Lumabas ako ng opisina niya ng matamlay. Sobra ang pag-iyak ko doon habang dala dala ang picture naming nakalagay sa picture frame.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na para bang walang nakakasalubong tao sa paligid atsaka para bang wala ng pake sa aking hitsura ang nasa isip ko na lamang ngayon ay si Helix. Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko pero sigurado ako ang dumi na ng mukha ko dahil sa ramdam kong hindi na pumapantay ang make-up ko.

Hindi kalayuan ay nakita ko si Helix. Oo si Helix nga! Hindi ako namamalikmata nakatingin ito sa mga binabasa niyang papel papasok sa kaniyang kumpanya. Dali dali akong tumakbo ng mabilis pa sa mabilis at niyakap ito ng mahigpit at nag si patakan ulit ang mga luha kong nagbabadyang lumabas kaya hinayaan ko na lamang ito at sinalubong ng napakasaya si Helix.

"Sweetheart I'm really sorry hindi kita agad nakilala." habang naghahabol na ako ng hininga ko puno na ng sipon ang ilong ko sa sobrang daming naiyak ko.

"S-s-sweetheart? Naalala mo na ako?" pagtatakang tanong nito. Tiningnan ko ito sa mukha at hinawakan ang kaniyang mukha.

"Oo and I'm really sorry dahil tinrato kitang ganun nang nasa hospital pa tayo." habang patuloy parin akong umiiyak.

"Yes! Naaalala niya na ako. Totoo ba 'to? Teka nabagok ka ba? Ano nangyari sayo? Sabihin mo okey kalang!" sabi nito sa'kin na may halong kasiyahan. Atsaka nag hiyawan naman ang lahat ng mga tao sa loob.

"Okey ako sweetheart!" tugon ko dito at binigyan siya ng ngiting abot langit.

Binitiwan niya ang mga hawak niyang papel at hinawakan ang aking beywang at hinalikan ako nito sa forehead, nose, at pisngi but I kiss him tenderly on his lips full of love at tinugonan niya lamang ito hanggang sa nagkatinginan kami ulit at pinatahan niya ako sa pag iyak.

"I love you my man." At hinalikan ko ito sa pisngi nginiti-an lamang ako nito.

"Pinaghintay ba kita sweetheart?" tanong ko sa kaniya.

"Not really my lady. Pero papaano mo ko naalala?" tanong nito sa'kin na may halong pag-aalangan.

"Gumawa ako ng paraan. Napuno ako ng tanong eh! So I decided na makipag usap sana sayo ito ang dahilan kung bakit andito ako sa kumpanya mo and while waiting I saw this picture on your office nakadisplay ito. Dito ko lahat naalala Helix about you and me. I'm really sorry if natagalan at napaghintay tuloy kita."

"Okey I believe in you and to be honest I really missed you so much Kyla. You know what, life is short. Let's not waste our time." At niyakap ako nito ng napakahigpit at nag iwan ito ng matamis na ngiti sa labi, nang mga sandali ay kumawala na ito,

"Dala ko pala ang singsing Kyla," habang kinuha niya ang aking kaliwang kamay at isinuot ang singsing sa aking pang apat na daliri.

"Salamat Helix, hindi mo ko kinalimutan sa kabila ng nagawa kong paglimut sayo." at tumulo na naman ang aking mga luha.

"Ano ba! May dahilan ang nangyari sayo at naiintindihan ko yun. Alam mo I love you and I will always love you Kyla. Hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo, tandaan mo yan!" Hinawakan niya ang balikat ko atsaka tiningnan ako nito sa mata tapos ay hinalikan ako nito sa noo ko.

Nang walang sandali ay nagulat kami ng may pumalakpak papalapit sa kinaroroonan namin kung kaya't Ibinaling namin ang atensyon sa narinig namin,

-----------------------------------------------------------------

[A/N: Please don't forget to vote and leave a review if you have like/dislike this chapter. Sorry for all the Errors it's my first time writing a novel story but please don't hesitate to comment if you do have any concerns, criticisms are really accepted. Thank you very much.]

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now