|18| Danger

64 9 0
                                    

"Pakawalan mo na ako Regan!" sigaw ko sa kaniya,

"Bitiwan niyo nga ako! Akala niyo ba hindi ko siya kilala? Pwes nagkakamali kayo!" Tumayo ako para pagsabihan si Regan, tiningnan ko siya mata sa mata habang siya'y kalmang kalma lang na nakatayo sa kaniyang kinatatayuan.

"Bakit mo 'to ginagawa? Pag nalaman 'to ng kaibigan mong si Helix, magagalit siya sayo alam mo ba yun?" pasigaw kong pagsasalita sa kaniya

"Alam mo Regan hindi ito tama ang ginagawa mo pakawalan mo na ako! Ano ba ang ginawa ko sayo para ganituhin mo ako?" sabi ko sa kaniya,

"Sa totoo lang Kyla! Hindi lang pera ang habol ko sa'yo eh! Dahil pati Helix inagaw mo sa'kin!" inis niyang sabi sa'kin na ikinagulo lalo ng aking isip.

"Anong ibig mong sabihin Regan?" seryoso kong tanong sa kaniya,

"Narinig mo ang sinabi ko Kyla! Hindi lang basta basta kayamanan ng pamilya mo ang habol ko, pati narin si Helix!" pasigaw na tugon niya sa'kin,

"Oo tama 'yang iniisip mo, bisexual ako! At gustong gusto ko na mapa sa'kin si Helix ngunit hindi kami pwede dahil ayaw niya sa akin! Binalaan ko na siyang huwag mahulog sayo ngunit anong ginawa niya? Nagpadala siya,"

"Pakinggan mo ang record na 'to kinabit ko 'to sa ilalim ng mismong kama ni Helix noong araw na nagkita kami at araw din na naalala mo siya pumunta agad ako ng bahay niya para patunayan kung hindi ka ba niya mahal o totoong mahal ka niya!" pinakinggan ko ang record at narinig ko ang pagkanta ni Helix sa'kin kani-kanina lang at ang mga matatamis na salitang kaniyang binitawan na hindi ko namalayan. At ito ang dahilan ng labis na galit ni Regan.

"Alam mo sobrang ikinasaya ko nung araw na yun eh! Dahil sabi ko makakalimutan mo na si Helix at malalayo na ang loob niyo sa isa't-isa napanatag ako nun, ngunit ngayon hindi na kaya ako na ang gagawa ng paraan para malayo ulit kayo sa isa't-isa. Isusumbong ko si Helix sa pinakataas taasan. Isa siyang Head ng Mafia Lords! Kaya kung ano man ang nais mong gawin! Hindi ka makakawala at lalong malalayo ka kay Helix. Ang akin! Ay akin lang Kyla tandaan mo yan!" sabi niya sakin atsaka naman ipinasok agad ako ng mga armadong lalaki sa isang presohan kahit hindi naman ako isang bilanggo.

THE MAFIA LORD SLAVE (ONGOING)Where stories live. Discover now