01

84 9 0
                                    

MAALIWALAS ang kalangitan ngayon. Nasa park ako kasama ang tatlo kong anak at asawa para mamasyal at hayaan silang makapaglaro. "Mama! Tingnan mo ang saranggola ko!" Tawag sa akin ng batang babaeng nasa pito ang edad. Nakalugay ang mahaba nitong buhok habang iwinawagayway ng hangin. Suot-suot niya ang paborito niyang bestida na kulay kalimbahin na may disenyong bulaklak. Nakatingin siya ngayon sa akin at sumingkit ang mga mata nito dahil sa kaniyang malawak na ngiti. Lumapit ako sa kaniya habang hawak-hawak ko ang batang lalaking nasa edad lima.

"O, dahan-dahan sa pagtakbo Hannah. Baka madapa ka." Saad ko sa anak kong babae habang masaya pa ring nakatingin sa saranggolang lumilipad sa kalangitan.

Isang batang lalaki ang tumatakbo sa damuhan papalapit sa akin habang hawak-hawak ang bola. Tuwang-tuwa itong yumakap sa akin at sumilay sa kaniyang labi ang isang matamis na ngiti. Lumapit din sa akin ang lalaking may katangkaran. Matikas ang tindigan nito at may kayumangging kulay. Mapupungay ang kaniyang mga mata at may matangos na ilong. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti habang hawak-hawak ang isang boquet ng bulaklak.

"Papa!" Tawag ni Hannah sa kaniyang ama at biglang yumakap dito.

Naupo kami sa bench ng park habang nakatanaw sa papalubog na araw. Ibinigay ni Kyle ang hawak niyang bulaklak sa'kin. Tanaw na tanaw ko sa kaniyang mga mata ang pagmamahal at sana'y mapansin din niya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng aking pagtingin.

"Mahal na mahal kita Haila." Bulong sa akin ni Kyle at hinalikan ako sa noo. Dumantay ako sa kaniyang balikat habang kalong-kalong ko ang bunso kong anak na si Kian. Nakayakap naman sa akin si Halle na panganay kong anak habang kalong-kalong naman ni Kyle si Hannah.

Isa lang ang nais kong hilingin sa oras na ito, na kung pwede lang ay hindi na matapos ang araw na ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ang mga tawanan ng mga tao sa paligid na tila ba walang problema ang mundo. Muling sumilay ang ngiti sa aking mga labi at ninamnam ang araw na ito.

UMUWI na kami sa aming bahay. May dalawang palapag ang dilaw na bahay. Karaniwan ang laki nito na tamang-tama sa bilang ng aming pamilya. Napapangiti ako sa tuwing nasisilayan ang aming bahay na naging saksi sa tatag ng aming pamilya. Katulad ng isang masayang pamilya, nasa hapag kami habang kumakain ng sama-sama. Matapos naming kumain ay madali kong niligpit ang aming pinagkainan at pagkatapos ay binihisan ko na sina Hannah at Kian samantalang si Halle naman ay nagkusa na para sa sarili niya.

May kani-kaniyang kwarto ang tatlo kong anak pero nagsitakbuhan sina Hannah at Kian sa kwarto namin ni Kyle upang mangulit para kuwentuhan sila ng bed time stories. Pinagsabihan naman ang magkapatid ni Halle pero sa huli ay magkakasama na rin silang tumalon sa kama namin ni Kyle.

Bigla kaming nagulat nang bumukas ang pinto ng kwarto pero walang kaming nakitang tao. Napasigaw ako sa gulat nang biglang tumambad sa harap ng pinto ang isang puting kumot. Tumakbo ako sa kama dahil sa taranta at tinabihan ang mga anak ko. Hinila ko ang comforter para magtago sa ilalim nito pero napagtanto kong si Kyle pala ang nagpapanggap na multong iyon. Napangiti ako dahil sa ginawa niyang kalokohan at nakisakay na lang ako sa plano niya. Nagkunwari akong natatakot dahilan para mas lalong matakot ang tatlo kong anak.

Dahan-dahang lumapit si Kyle sa amin. Bigla siyang sumigaw at tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.

"Papa naman eh!"

"Nakakainis ka talaga Papa! HAHAHA."

"Papa!"

Reklamo ng tatlo kay Kyle. Tumawa naman ako ng tumawa sa ginawang kalokohan ni Kyle.

"Are you ready for bed time stories?" Naghahamong tanong ni Kyle. Napailing na lang ako habang natatawa nang sinabi niya 'yon,

"Aye! Aye! Captain!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo naming anak.

"I can't hear you!" Sigaw pa ni Kyle habang nakahawak sa tainga niya.

"AYE, AYE! CAPTAIN!" Malakas na sigaw na naman ng tatlo.

"Once upon a time..."

Nagsimula nang magkwento si Kyle. Tutok na nakikinig ang tatlo habang manghang-mangha sa ikinukwento ng kanilang ama. Ilang sandali pa'y pikit na si Kian at mahimbing na ang tulog. Kinalong ko na siya at dinala sa kaniyang kwarto.

Dahan-dahan kong inihiga si Kian sa kaniyang kama at kinumutan. Hinalikan ko ang kaniyang noo at itinabi sa kaniya ang paborito niyang laruan. Bago ako umalis ay mabilis kong sinimpan ang mga laruang nakakalat sa sahig. Pagkatapos, umalis na ako sa kaniyang kwarto. Tapos na magkuwento si Kyle nang makarating ako sa aming kwarto. Nagtaka ako dahil ang lungkot ng ambiance. Lumapit ako sa kanila at tinabihan si Hannah.

"Anong nangyari sa prinsesa, Papa?" Tanong ni Hannah.

"Naghintay siya nang matagal na panahon. Tumanda na siya at namatay pero hindi na dumating pa ang prinsipe." Malungkot na sabi ni Kyle kay Hannah.

"Nakakaawa naman siya Papa. Ang sama ng ugali ng prinsipe para iwanan niya ang prinsesa." Protesta pa ni Hannah ngunit ngumiti lang si Kyle.

"Eh anong nangyari sa prinsipe, Papa?" Tanong naman ni Halle.

"Sumama siya sa katulong nila at nagpakalayo-layo. Namuhay silang masaya sa malayong lugar." Paliwanag ni Kyle.

"Sleeptime na mga anak. Go to your rooms na." Saad ko at hinalikan ko sa noo sina Hannah at Halle.

"But I want to hear more stories, Mama. Hindi pa naman ako inaantok." Reklamo ni Hannah.

"Papa will not tell more stories if you won't listen to your Mama, Hannah." Sabi naman ni Kyle.

"Sing for us Mama, please?" Pakiusap ni Halle at pinagdikit pa ang mga palad para magpretty please. Hindi na ako nakatanggi kay Halle dahil sobrang cute niya.

"There was this song that my Mom always sing for me when I was a child." Sandali kong tiningnan si Kyle at tumango naman siya. Umayos ng pagkakahiga sina Halle at Hannah habang hinihintay akong magsimulang kumanta.

"There was a girl, singing a song

In a dark room, just her, alone

Crying for help but she was ignored

Seeking the light that she can't find

Until the boy came, reaching her hand

Finally, she stopped singing that song."

Tulog na sina Halle at Hannah nang matapos na ang kanta. Binuhat ko na si Hannah at binuhat naman ni Kyle si Halle. Dinala namin sila sa kani-kanilang kwarto. Bumalik na kami sa aming kwarto. Naligo na ako at nagbihis para makatulog na dahil napagod ako sa buong araw. Naabutan kong nakahiga na si Kyle sa kama habang tinitingnan ang mga pictures na kinunan niya kanina.

"What's with your story Kyle? Bakit ka nagkukwento ng ganun sa mga bata?" Tanong ko kay Kyle habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer.

"What about that?" Nakangiti ito habang nakatingin sa digi cam.

"It's just a sad story. Not good for bed time stories."

"Okay lang yun para malaman nila na hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa happy ending."

"But still---" Pinutol ni Kyle ang sasabihin ko. Tumayo siya sa kaniyang pagkakahiga at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod ko at hinalikan ang buhok ko.

"Okay. I agree. I won't do it again. Pero happy ending pa rin naman di'ba? Yung prinsipe at yung katulong nila." Tumawa siya nang mahina at napangiti naman ako. "Let's sleep, Haila." Pagpapatuloy pa niya.

Humiga na kami sa kama at idinampi ni Kyle ang labi niya sa labi ko. "Good night, Haila. I will always love you." Bulong ni Kyle.

"And so I will." Sa sinabi kong iyon ay binigyan ako ni Kyle ng masamang tingin kaya napatawa ako.

"I love you too, Kyle. Good night." Nakangiting sabi ko at niyakap si Kyle.

"I wish this won't end." Sabi ni Kyle at hinalikan ang noo ko.

AGRAVTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon