EPILOGO

49 7 9
                                    

"May mga desisyong akala natin ay iyon ang makabubuti sa lahat pero pinili pala natin ito dahil ito ang gusto natin at pinilit natin sa ating mga sarili na iyon ang mabuti.

May mga pagkakataong akala natin ay nag-iisa na lamang tayo ngunit hindi lamang natin nakikita ang halaga ng bawat taong nakapaligid sa'tin. Hindi natin namamalayan na may mapagsasandalan pa rin tayo, anuman ang mangyari.

Kung may problema man tayo, huwag natin itong sarilinin. Maraming tao ang nandyan at handang tumulong sa atin. Nandyan din lagi ang Diyos upang ibigay ang ating mga hinihiling at tulungan tayong makaahon sa problemang kinakaharap natin.

Huwag tayong palilinlang sa lason na kumakalat sa ating isipan. Maging matatag tayo at maging matapang. Huwag nating hahayaang balutin tayo ng kadiliman. Pilitin nating makawala sa rehas na pumipigil sa atin upang malaman ang katotohanan. Maging mulat tayo sa nangyayari sa ating paligid. Huwag magbulag-bulagan at palaging maging alerto at gising dahil nariyan palagi ang demonyong handang lasunin tayo ng kasamaan.

Nagkakamali tayo kung minsan dahil tao lang tayo pero kung patuloy lang nating uulitin ang pagkakamaling iyon ay hindi tayo magtatagumpay sa hangarin natin sa ating buhay. Mababaon tayo sa kasalanan at siguradong magiging kalunos-lunos ang ating buhay pero hindi pa huli para magbagong buhay." Sambit ko tsaka inupload ang video.

"Matagal ka pa ba diyan? Malapit na tayong umalis."

"Sandali na lang ito."

Pinatay ko na ang PC ko at kinuha ang coat ko. Nagdumali akong bumaba ng hagdan dahil baka mapagalitan na ako ni Charles sa sobrang tagal ko.

"Wala ka na bang nalilimutan?" Tanong sa akin ni Charles nang nakangiti.

"All set." Masayang sabi ko sa kaniya.

"Are you ready to travel kahit hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan?"

"Let's just enjoy and bring it on!"

"Yan ang kilala kong Haila. Let's go!"

Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Dr. Maddie at kay Charles dahil sila ang naging dahilan kung bakit naririto pa rin ako ngayon sa mundong ito. Pinilit nilang pigilan si Dr. Luke na i-lobotomize ako. Nagmakaawa sila sa akin na sabihin ko kay Dr. Luke na totoong gumaling na ako sa aking karamdaman at hindi na kailangan pa ng operasyon. Binigyan ako ng pagkakataong mabuhay nang masaya, ibaon na sa limot ang mga masasamang nangyari at patawarin ang sarili.

Maraming nangyari makalipas ng isang buwan pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nakulong si Dr. Luke dahil sa ilegal nitong operasyon at si Dr. Maddie na ang namamahala sa Agravtha. Head nurse naman ang naging katungkulan ni Charles habang ako naman ay tanggap na ang nangyari sa aking pamilya. Pinagbakasyon muna si Charles upang i-monitor pa rin ang lagay ko. Bago kami lumisan ng bansang ito para magbakasyon sa ibang bansa ay pinuntahan ko muna ang puntod ng pamilya ko.

Sa totoo lang, hindi pa rin ako handang harapin sila ngayon. Hindi naman nila maririnig ang paghingi ko ng tawad o kahit magsalita ako sa harap ng puntod nila dahil wala na sila sa mundong ito pero ganumpaman, ipinapangako ko sa sarili ko na alang-alang sa kanila, magpapatuloy ako sa aking buhay susulitin ang bawat araw habang buhay pa ako. Sigurado naman akong yun din ang iniisip nila para sa akin, ang mapabuti at maging masaya.







Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime punishable by law.

©All Rights Reserved 2020





Author's Note:

Hi dear readers! Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng istoryang ito. Salamat dahil sinamahan nyo si Haila upang hanapin at tanggapin ang katotohanan. Maraming salamat din sa mga sumuporta mula sa simula dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi mabubuo ang istoryang ito. Salamat sa pagtitiyaga at pasensya. Love ko kayong lahat. God bless!

Nagmamahal,

miss_roswel

AGRAVTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon