02

62 8 0
                                    

NAGISING ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko mula sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto. Iminulat ko ang mga mata ko at napangiti ako dahil tulog na tulog pa rin si Kyle sa tabi ko. Nakatalikod siya sa akin kaya niyakap ko siya mula sa likod niya. Napakunot ang noo ko dahil parang basa ang tiyan niya.

"Kyle, bakit basa ang damit mo?" Tanong ko kay Kyle pero hindi siya sumasagot. Tiningnan ko ang kamay ko na nakayakap sa kaniya at kinabahan ako nang makita na puno ng dugo ang kamay ko. Iniharap ko si Kyle sa akin at napasigaw ako sa gulat nang makita kong halos mabutas na ang tiyan ni Kyle dahil sa saksak. Sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan ni Kyle habang yinuyugyog ko ang katawan niya para gisingin pero hindi siya gumagalaw. Nagsimula na akong umiyak nang maisip ko na baka patay na siya. Kinuha ko ang baril na nakatago sa ilalim ng cabinet ko at umalis sa kwarto namin para pumunta sa kwarto ni Halle. Habang tinutungo ko ang kwarto niya ay isinisigaw ko ang pangalan ni Hannah at Kian. Binuksan ko ang kwarto ni Halle at napaupo ako sa takot dahil nakasabit siya sa kisame. Putlang-putla na ito at hindi na humihinga.

Nilisan ko na ang kwarto ni Halle at mabilis na tinawagan ang pulis. Hindi na ako makahinga sa nasasaksihan ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Natigilan ako dahil naalala ko sina Hannah at Kian. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ni Hannah at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang humpay na pag-agos ng aking mga luha.

Narinig ko na ang tunog ng sirena ng pulisya hudyat na nariyan na sila. Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Kian. Umaasa akong sana'y madatnan ko pa siyang buhay. Bukas ang kaniyang pinto kaya pumasok kaagad ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang malaking lalaki habang sinasaksak nang paulit-ulit ang aking anak na si Kian. Sumigaw ako dahilan para tumingin sa siya sa akin. Pinaputok ko ang baril ko at tumama ito sa kaniyang balikat. Mabilis siyang tumakbo at tumalon sa bintanang nakabukas sa kwarto. Agad nagpuntahan ang mga kapulisan sa aking kinaroroonan pero hindi na nila naabutan ang pumatay sa buong pamilya ko. Sigaw lang ako nang sigaw habang umiiyak dahil sa sinapit ng kawawa kong mga anak at asawa. Narinig ko pang tinawag ako ng pulis sa aking pangalan bago ako nawalan ng malay.

-

TUWANG-TUWA si Hannah habang pinalilipad niya ang kaniyang saranggola. Lumapit naman sa akin si Kyle habang hawak-hawak ang isang bouquet of flowers. Umupo kami sa isang bench habang pinapanood ang sunset. Kalong-kalong ko si Kian habang nakayakap naman sa akin si Halle. Tumingin sa akin si Kyle at ngumiti. Dumantay ako sa kaniya at ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang segundo lamang ay biglang nangilabot ang buong katawan ko sa narinig ko.

"You killed us, Haila." Malamig na bulong ni Kyle sa aking tainga. Napamulat ako sa sinabi niya at napasigaw ako nang makita silang nakahandusay sa damuhan habang galit na nakatingin sa akin. Pinapaliguan sila ng sarili nilang dugo.

"Mama. Can you sing for us?" Walang emosyon na sabi ni Halle sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko sa narinig ko at mas lalo akong natakot nang marinig ang kakaibang himig ng kanta.

"There was a girl, singing a song
In a dark room, just her, alone
Crying for help but she was ignored
Seeking the light that she can't find."

Tumingin ako sa paligid pero walang tao. Lumakas ang hangin na siyang nagpadagdag sa takot ko. Umiling ako at umiyak nang umiyak. Nagsimula na akong magtatakbo hanggang sa makalayo ako sa kanila pero napahinto ako nang sumulpot sa harap ko ang pamilya ko. Kinulong ni Kyle ang leeg ko sa dalawa niyang kamay at sinakal ko. Pilit kong kumakawala pero mahigpit ang hawak niya sa aking leeg. Naririnig kong nagsisitawanan ang tatlo kong anak habang ako'y kinakapos na ng hininga.

-

NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakahiga habang hinahabol ang paghinga. Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Hindi ko alam kung nakaninong kwarto ako. Kumunot ang nook o nang namataan ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin habang may binabasang libro. Tatayo na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

AGRAVTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon