06

55 8 0
                                    

NATAUHAN ako nang marinig ko ang tinig ni Luis na tinawag ang pangalan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya nang hindi tumitingin sa mata niya. Para akong bata na nakabasag ng plato at handa nang pagalitan ng ina.

"Bakit ang aga mo naman yatang bumaba?" Seryosong tanong ni Luis. Sa lalim ng boses niya ay nakaramdam ako ng kaba.

'Bakit sa puntong ito pa ako hindi makapag-isip ng pwedeng idahilan?' Napapikit na lang ako habang nag-iisip ng pwedeng alibi sa ginawa kong paghakbang upang makakuha ng impormasyon.

Gulat akong napatingin sa kaniya nang bigla niyang ipatong ang kaniyang kamay sa aking ulo.

"Masyado mo namang pinaghahandaan si Molly. Kanina pa kita hinahanap pero wala ka na sa kwarto mo. Saan ka ba nanggaling?" Ngiti niya na may halong pang-aasar.

"Nagpahangin lang ako. Ano ba." Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko at nagsimula nang maglakad para umiwas sa pagtatanong niya.

"Teka Haila. Nagsisimula pa lang sumikat ang araw pero ang init na kaagad ng ulo mo." Usal ni Luis at sinabayan ako sa paglalakad.

Mabuti na lamang at hindi na umimik si Luis para mangulit ngunit mali pala ako ng akala dahil tinawag niya ako.

"Haila. Sa tingin ko, dapat na nating itigil 'to."

Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Luis ang mga salitang iyon kaya lubos akong nagulat. Lumingon ako sa gawi ni Luis upang tingnan siya sa mata. Wala siyang emosyon at ang nakikita ko lamang ay ang galit sa kaniyang mga mata.

'May nagawa ba akong maaaring ikagalit ni Luis? Bakit bigla niyang sinabi na itigil na namin ang pag-iimbestiga kay Molly?'

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Ang pag-iimbestiga natin kay Molly...Itigil na natin ang imbestigasyon sa kaniya."

Sa narinig kong iyon ay pakiramdam ko'y napunta lahat ng dugo sa aking ulo. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinigawan ko si Luis.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Anong itigil? Nahihibang ka na ba?" Wala na akong pakialam kung nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao sa paligid. Hinawakan ni Luis ang braso ko at bumulong.

"Mabuti pa, si Dr. Madrigal na lang ang kumausap sa'yo. Tutal, hinahanap ka na rin naman ni Dr. Madrigal."

Gusto kong kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Luis pero may pumipigil sa akin at sinasabing huminahon lang ako dahil mas makakagulo pa ng sitwasyon kung paiiralin ko ang aking nararamdaman. Dinala ako ni Luis sa opisina ni Dr. Madrigal, kung saan ko siya unang nakilala.

Nasilaw ako sa sikat ng araw nang pumasok kami ni Luis. Nakita ko si Dr. Madrigal na nakatalikod habang hinihithit ang kaniyang tabako. Nang maramdaman ni Dr. Madrigal ang aming presensya ay lumingon siya sa amin. Inagaw ko ang braso ko na hawak-hawak pa rin ni Luis at dali-daling lumapit ako kay Dr. Madrigal. Gusto ko siyang suntukin. Nararamdaman ko ang init sa aking mukha na hindi ko sigurado kung galing ba sa init ng araw o dahil sa matinding galit.

Itinaas ni Dr. Madrigal ang kaniyang kamay at sumenyas na huminahon ako.

"Dahan-dahan ka sa pagkilos, Mrs. Guevarra. Please take a sit."

Ipinikit ko ang aking mga mata upang pakalmahin ang sarili. Umupo ako gaya ng sinabi niya at nanatili namang nakatayo si Luis isang dipa ang layo sa likod ko.

"Ayon sa iyong inaasta, sa tingin ko'y nasabi na ni Luis sa'yo."

"Bakit Madrigal? Bigla naman atang nagbago ang isip mo? May nangyari bang hindi ko alam kaya bigla mong ipinatitigil ang pag-iimbestiga namin kay Molly?"

AGRAVTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon