*KRINGGGGGG
"Ugh! Hate this morning!" hindi ko alam kung bakit ganito ang gising ko, siguro dahil sa napanaginipan ko.
This is the first day of my new school year in high school. Sana makapag-adjust agad ako. Ughh.
Kahit gusto kong mag-cut classes. I can't! I need to maintain my good grades atsaka first day na first day cutting agad? Duh.
Nagpunta na ako sa cr at naligo. I wear my school uniform tama lang sa akin ang sukat noon. 'Yung palda ay hanggang taas ng tuhod. Hindi gano'n kahapit sa akin ang blouse.
Kumain lang kami ng breakfast ni mommy. Kaming dalawa lang, hindi ko alam kung nasaan si daddy. Pagkatapos kong kumain nag-toothbrush lang ako. Nagre-touch, naglagay ng light makeup at lip tint. Nilugay ko lang ang buhok ko at sinuklay after that sumakay na ako sa kotse. Si mommy ang magmamaneho.
Bago umalis nagpaalam muna ako kay Yaya Esme. Buti at hindi siya umalis sa amin kahit hindi na kami ganoon kayaman tulad dati.
"Goodbye mommy. See you later po" paalam ko. She wave her hand bago ibaba ang windshield ng kotse at umalis. Papasok na sana ako ng school ng may tumawag sa akin.
"Thana! Wooho!" sigaw ng isa sa mga bestfriend ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
"Gaahd Anthonette Rivera! Dito talaga sa labas ng university? Napakainit oh. Dapat pinapasok mo muna ako. And please stop calling me by my first name" singhal ko.
"Pag-aawayan niyo 'yang dalawa, really?Pumasok na tayo at baka malate pa tayo" pag-awat ni Rosie.
"Opo Ma'am Galvez" sabay na sambit namin ni Anthonette.
Hindi mawawala ang sarkasmo. Nagkatinginan kami at sabay na napatawa.Tinarayan ba naman kami?Grabeng bata 'yun ah.
Tumuloy na kami sa university buti na lang kasama ko itong mga 'to hanggang sa last year ng pagiging college ko. Gahhd! I will miss this place. I hope maging maganda ang lahat ngayong araw. Kahit na magkakahiwalay kami ng bestfriends ko ng classroom sa halos lahat ng regular subjects. Sad lang dahil isang subject lang kami blockmates. Corporate Finance and Accounting pa.
Buti na lang magkalapit lang ang room namin. I'm in the Class A while si Anthonette sa Class B. Ahead naman kami ng one year kay Rosie dahil mas matanda kami ng one year sa kaniya pero minsan mas siya ang matured sa amin. Kadalasan pala.
"Good Morning" ani ng isang babae na sa palagay ko ay nasa 30's na ang edad.
"I will be your professor sa Stats. for this school year. Alam ko na halos lahat sa inyo ay kinuha ang course na ito dahil heir or heiress ng family company. At alam niyo ang nakakagulat wala akong paki" napa-ismid ako sa kanyang sinabi.
"Lahat kayo ay pare-parehong nagbabayad kaya 'wag kayong umasa na may special treatment kayo,is that clear?" tanong niya.
"Yes,ma'—" naputol ang aming pag-uusap nang bumukas ang pinto.
"Ma'am, I'm sorry I'm late" at dere-deretso siyang umupo sa tabi kong upuan na bakante. 'Yun na lang ata ang bakante. Nang makalapit siya tsaka ko lang napansin ang kaniyang mukha.
Gwapo ito. Fair skin, matangos ang ilong, pinkish na labi. At hindi ko maintindihan kung bakit nahuhumaling ako sa mga mata niya. Para itong nang-aakit. Ngayon lang ako nakakita ng matang ganoon kaganda. Bagay na bagay ang kulay abong mata niya sa kaniya.
Bigla siyang tumayo at nagpaliwanag siya kung bakit siya late. "Ma'am, naipit po sa traffic" dahilan niya.
"Well Mr.?" tanong niya.
YOU ARE READING
Until the Night Falls
Truyện NgắnThana Bridget Dabria, a loving daughter, strong and independent woman. She will encounter two different man that will change her peaceful life. Battle between heart and mind. What will she use? Who will she choose? Will she stand until the night fal...