Maganda ang naging takbo ng unang linggo ng 4th year ko. Lalo na at nakakilala ako ng panibagong kaibigan at kaklase ko pa. Maraming bagay ang nagbago. And I hope it's for the best.
"Bridget, let's eat na. Nagugutom na baby mo oh" kantyaw sa akin ni Anthonette habang nakaturo kay Warren na kakatapos lang maglaro. Nag try-out sa varsity eh.
Hindi ko sila masisisi kung inaasar nila ako kay Warren. Aaminin ko hindi naman malabong magustuhan ko siya dahil gwapo, mabait, at napapasaya ako pero kaibigan ko siya. At hanggang doon na lang 'yun. Sigurado ako roon.
"Dude, tara kain na" sabi sa akin ni Warren na nakaakbay. Tinulak ko siya palayo sa akin.
"Kadiri, pawis ka pa oh doon ka nga" nandidiri kong ani.
"Mabango?" tanong niya.
"Hindi"
"Inamoy mo?"ani niya.
"Oo" nakita ko na lang na ngingiti siya.
Noon ko lang napagtanto na iba na pala ang nasa isip niya.
"Hindi kita inaamoy ah" depensa ko. Ngumiti siya, ngiting hindi naniniwala.
"Ughhh!" naiiinis kong singhal. At inis na tumakbo sa Mustang ni Warren.
"Bilisan mo diyan Anthonette" walang dala si Anthonette na kotse ngayon dahil hinila ko siya kanina para may kasama ako. Nagpasama si Warren sa try-outs. Hindi namin kasama si Rosie may pupuntahan ata.
Binato ko sa kanya 'yung tuwalyang nasa shotgun seat.
"Salamat" sabi niya na sinabayan niya ng flying kiss at kindat. Inirapan ko siya.
"Crush mo ako?" harapan kong tanong.
"Oo" sagot niya.
At doon ko napagsisihan ang tinanong ko, kung hindi tumili sa Anthonette ay katahimikan lang ang maririnig.
"Kilig ka na niyan? Dude. Baka ako ang crush mo?" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Duh!" mataray kong sagot.
Ngumisi siya.
"Love Birds. Akala ko ba gutom na kayo? Sige tagalan niyo pa" ani ni Anthonette na kanina pa pala nasa kotse. Pumasok na kami ng Mustang niya na tatawa-tawa.
"You know a place where to eat naman 'diba?" tanong sa akin ni Anthonette.
"Of course, I am not a Dabria for no reason" dahil naisip kong rich kid ang mga ito dinala ko sila sa food park ng mga exotic foods.
"Where the earth are we?" maarteng tanong ni Anthonette.
"Welcome to Borderline Foodpark. Don't worry masarap dito. Hindi ko kayo bibiguin" sabay kindat.
Maraming tao rito dahil weekend pero may suki na kami dito ni Yaya Esme. Si Yaya Esme ang unang nagdala sa akin dito.
"Hello Kuya Bong!" magiliw kong bati.
"Oh Bridget, buti bumalik ka" sabi niya.
"Naman! Kasama ko pa po friends ko oh! Tonet, Warren si Kuya Bong" pagpapakilala ko. Kinurot ako ni Anthonette sa tagiliran.
"Don't call me that again!" galit niyang sabi pero pabulong.
"Hello po, Anthonette po" diin niyang sabi sa Anthonette.
Binigyan kami ng mga paborito ko. Sizzling Steak at Sizzling Tapa. Buti hindi nila nakita 'yung name nito. Gusto ko masurprise sila sa Sagitsit Exotic Foods.
"Wow. It smells great" manghang sabi ni Anthonette.
"Sad thing I'm on a diet but this day will be my cheat day" anunsyo niya.

YOU ARE READING
Until the Night Falls
Short StoryThana Bridget Dabria, a loving daughter, strong and independent woman. She will encounter two different man that will change her peaceful life. Battle between heart and mind. What will she use? Who will she choose? Will she stand until the night fal...