Nagugulantang pa rin akong humiwalay sa pagkakahawak ni Bryan sa aking bewang.
What the hell was that?!
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo ha, Bryan?" pabulong kong sabi sa kaniya.
"Don't worry baby, I'm here just trust me, okay?" mapang-asar niyang ngisi sa akin.
Hinawakan niya pa ang pisngi ko.
"Ang swerte ko sa'yo baby" sabi niya na nakatingin sa mukha ko. Dahil sa inis ay namula ang buo kong mukha.
Inis ba talaga 'yan? 'Di mo sure 'day. Sabi pa ng intrigera kong konsensya.
Inakbayan ko si Bryan at ibinaon ang aking kuko sa kaniyang balikat na siyang dahilan ng pagbitaw niya sa mukha ko.
"Girl ang swerte mo diyan sa boyfriend mo, hindi mo deserve" sabi ng babaeng nabangga ko. Lalong lumala ang inis ko. At hindi ko na napigilang sumagot.
"Excuse me, babaeng 'kala mo kung sinong maganda damit lang naman ang maayos sa kaniya natapunan lang ng frappe ko nagmayabang na hindi naman mamahalin ang dress niya gusto mo bilhan pa kita?" tumigil ako at huminga dahil sa sunod-sunod kong litanya.
Ooh, rhyme, bitch.
"Rapper ka pala, baby" gatong ni Bryan.
"Bring the beat, yow" dagdag pa niya. Tinignan ko siya ng masama.
At tinuloy ang sasabihin ko sa babae.
Nang lingunin ko siya ay nanlalaki na ang mata niya. Nagulat marahil sa rapping skills ko.
"First of all, dapat mag-thank you ka sa akin dahil natapunan ka ng frappe ko, it's such an honor na kahit once in a lifetime nakaranas ka ng mamahaling drinks. Pinaligo mo pa" ngisi ko pa.
"Second, he is not my freaking boyfriend, if you want him then, get him. I don't care pero I'm saying na malabo 'yun. I think hindi naman siya papatol sa'yo. Like you? I'm not sure" gaya ko sa tono niya kanina para lalo siyang mainis.
"Remember my name, girl, Anthonette Rivera" matapang akong nagtaas-baba ng tingin sa kaniya. From head to toe. At nagpakawala ng isang signature hair flip.
Binigay ko sa kaniya ang cup ng starbucks. "Remembrance miss. You're welcome" sabi ko nang hindi siya nakapagsalita.
"Excuse me" at 'yun ang exit ko sa dramahang naganap kanina.
And as I expected, 'pag napuno ako sasabog ako. I can be sweet sa mga taong mabait sa akin.
'Wag niyo ng alamin doon sa mga hindi ko gusto, I am brave enough na pumatol. There is my daddy naman who will protect me, tho.
"That's my baby" bulong ni Bryan na siyang nagpabuhay na naman ng kaba ko.
Tapos na ang eksena pero kailangan niya pa ring sabihin 'yun? Gusto ko man siyang balikan ng tingin ay hindi ko magawa. Talagang nanlambot ang tuhod ko.
At wala rin akong lakas labanan ang mga tingin niya. Nakakainis ang epekto ng mga salita ni Bryan sa akin ngayon, nakakapangilabot. This is not me, totally not me. Ughhh!
Bridget's POV
Natapos namin ang exam sa tamang oras. Naroon na rin si ma'am ng ipasa namin ang test papers namin. And guess what? We passed.
I scored 186/200 including the deductions. While Warren has a score of 180/200 kasama na rin 'yung minus. Kaya kahit gutom ay masaya kaming lumabas ng office ni ma'am.
"Sabi ko sa'yo sasama ka lagi sa'kin para nahahawaan ka ng brain cells ko" yabang ko sa kaniya. Tumawa naman siya.
"Kaya nga sa'yo ako eh" nag-bow pa ito na animo'y sinasamba ako. Gusto ko siyang asarin ngayon.

YOU ARE READING
Until the Night Falls
Cerita PendekThana Bridget Dabria, a loving daughter, strong and independent woman. She will encounter two different man that will change her peaceful life. Battle between heart and mind. What will she use? Who will she choose? Will she stand until the night fal...