Chapter 09

11 8 31
                                    

"Hi, Warren" Kate said after seeing me. Hindi ko siya kayang sagutin nginitian ko na lang siya.

"Have a seat"

"Thank you" pagkaupo niya ay natahimik kaming dalawa. Patuloy pa rin akong tumitingin sa pinto umaasang papasok si Bridget.

"Umuwi na si Bridget pagkahatid nila sa akin dito" I knew it plinano 'to ni Bridget. Hindi ko mailarawan 'yung sakit sa puso ko ng malamang siya ang may pakana nito kahit may ideya na ako. Akala ko gusto niya rin ako kaya may ganito. Akala ko lang pala.

Tinanguan ko si Kate. At tinawag ang waiter para maka-order na.

Akala ko makakaamin na ako. Napangiti na naman ako ng mapait. She planned this shit para makaamin ako kay Kate.

Anong aamin ko, Bridget? I like you not Kate.

Bigla kong naalala ko ang kabaitan sa akin ni Bridget. I think I also assume na may chance kami dahil sa gestures niya. I assume, psh assumero. Isa lang ang nasa isip niya noon. Normal lang iyon sa kanya dahil we're just friends. We are just fucking friends. Twice is enough right? Hindi na ako susubok. Alam kong matatalo rin ako.

And now I realize that my daddy is right I'm just a piece of a trash. Ang gago ko. Pati si Kate nadadamay sa kagaguhan ko. She doesn't deserve this. Tahimik ang mesa namin dahil walang sumusubok na magsalita.

"Sorry kate, it's just that..." aaminin ko na sanang hindi siya ang gusto ko pero ayoko siyang masaktan, and baka ito na rin ang way Niya to help me from moving on "... this is my first time" she chuckles.

"You're cute" inabot niya pa ang pisngi ko. Napangiti ako ng mapakla naalala na naman 'yung unang beses na ginawa sa akin ni Bridget ito. Paano siya mamawala sa isip ko? Buong gabi habang kasama ko si Kate siya ang iniisip ko. It's unfair. I'm unfair.

Enjoy the night, ihatid mo 'yan siya sa house nila ah pinauwi ko na driver niya. 'Wag ka ng torpe, hihihi.

Tinago ko ulit ang phone ko nang mabasa ang text niya. She really want this set-up.

"I will drive you home, nauna na raw driver mo. Finish eating" sabi ko. Nang matapos siyang kumain ay agad na rin kaming umalis. I can saw disappointment in her face. Sorry, Kate.

"Thank you for joining me for dinner. See you tommorow" nginitian ko siya. Nang nakita ko na siyang pumasok sa bahay nila umalis na agad ako.

I will drown myself in alcohol tonight. Uminom ako ng uminom sa condo. Nang maubos ko ang nakastock kong beer sa ref ko ay nagbabad ako sa shower. Umupo ako sa sulok at inaalala ang katangahan ko. This will be the last time that I will cry.

Bridget's POV

Last day na ng week! Yess! And my bestfriend is now taken hihihi. Thanks to me.

I immediately check if he thanked me na or he give me updates man lang. Wala pa, nako baka hindi nakatulog kakaisip kay Kate.

Hoy, sunduin mo naman ako. Mag-thank you ka man lang.

Text ko kay Warren. Kadalasan ay agad itong sumasagot sa akin pero hindi ngayon. Naligo na lang ako kaysa mag-antay sa text niya. Bumaba na ako para mag-breakfast. Naabutan kong nag-uusap sina daddy about CIA.

Ang alam ko lang na idea sa company'ng iyon ay ito ang pinaka-successful na Airport sa Asia. Marami rin daw na stockholders sa company na 'yun from different countries. Marami ring interesado sa partnership ng kompanya. I wonder bakit hindi pa nila nako-close deal 'yun kung ang CIA ang lumapit sa kanila para mag-merge.

"I think you should do it daddy" parehas silang nagulat sa sinabi ko. Anong nakakagulat sa sinabi ko? Dahil ba sumabat ako?

"Sorry po" nagbaba ako ng tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until the Night FallsWhere stories live. Discover now