Nagising ako ng sa ingay sa labas ng aking kwarto. Naka-uniform pa rin pala ako. Hindi ko binuksan ang pinto at baka maistorbo ko sila sa pag-uusap.
"Adolfo, akala ko ba merge lang ng company natin? Bakit may gano'n and papayag ka? I am totally disagree" sabi ni mommy.
"Okay, listen. Hon hindi naman sila mag-aalok ng merging ng companies natin kung walang kondisyon 'diba? This is the right oppurtunity para makabangon tayo. Malaking kumpanya ang CIA, Selma papalagpasin pa ba natin" natuwa ako sa sinabi ni daddy.
Hindi dahil sa makakabalik na kami sa dating buhay kundi ramdam ko ang kaniyang saya habang nagpapaliwanag si daddy kay mommy. All this time wala akong galit kay daddy, iniisip ko na lang na he is doing this cold treatment of his for a purpose.
Maybe gusto niyang maging strong ako, I don't know. All I know is I love them. Kung may magagawa ako para ma-assure ang sinasabi ni daddy, gagawin ko. I want them to be happy.
Hindi ko na sila pinakinggan at naligo na lang ako. I wear my uniform, do my make-up routine. I tied my hair in a high-ponytail I leave some strands in my face. As usual wala sina daddy at mommy, umalis na ata.
Hindi na rin ako kumain, sinabihan ko na lang siya na ilagay sa tupperware para may dalhin ako mamaya, dinahilan na lang kay Yaya Esme na may gagawin kami sa school. Hindi na rin niya inungkat at hinayaan na ako.
I'm planning to visit Warren to his condo. To check if he is okay na and to review him na rin. Para rin may kasabay akong pumasok. Pumara ako ng taxi and tell the driver his address.
Less than 10 mins. nasa condo niya na ako. Malapit lang rin naman kasi. Kumatok ako sa door ng condo niya, maya-maya napansin kong nagbukas ang peep-hole.
"Wala kang planong papasukin ako?" sabi ko.
"Shit, wait lang" sabi niya mukang kakagising lang.
Maya-maya ay pinakbuksan niya ako. Naka-white shirt siya and pajamas kakagising nga lang.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko at hipo sa kaniyang noo. Wala na.
"Okay na ako, salamat sa nurse ko" sabi niya.
"May pumuntang nurse dito?" takang tanong ko.
"Tss, slow" bulong niya.
"Ano 'yon?" tumaas na tono kong tanong.
"Wala, anyway bakit ka nandito? Miss mo na ako agad?"
"In your dreams. I'm here para i-check ka, i-review and para may kasabay ka papuntang school. Pero you will drive, wala akong student license"
"Bakit ang bait mo?" seryoso niyang tanong.
"Of course, you're my friend. Duhh" sagot ko.
"Yeah, friends" malungkot niyang ani.
"What's with the sudden drama huh? Anyway may dala akong breakfast kumain ka na at maghanda ayaw mo ring malate 'diba? Bilis at ire-review pa kita" sabi ko.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na siya hinanda ko na rin ang reviewer niya. Maya-maya lumabas siya ng shower na slacks na at sando. Basa pa ang buhok. Sinabihan ko siyang bilisan sa pag-aayos para hindi kami ma-late.
"Which measures of central tendency is found by adding all numbers in the data set and dividing by the number of values in the set?"
"Mean"
"Eh 'yung middle value 'pag least to greatest ang order?"
"Median"
"Yabang! Parang kahapon lang 'di ka makasagot porket central tendency lang 'to? 200 items kaya, dude. Hindi lang puro ganito topic. 'Pag ikaw hindi nakapasa isang linggo kang hindi makakapasok sa akin kita mo" banta ko. Tumawa naman siya.

YOU ARE READING
Until the Night Falls
Short StoryThana Bridget Dabria, a loving daughter, strong and independent woman. She will encounter two different man that will change her peaceful life. Battle between heart and mind. What will she use? Who will she choose? Will she stand until the night fal...