Chapter 04

35 21 7
                                    

Gumising ako ng maaga this Sunday. Inaya ko ang mga friends ko to attend a mass. I'm so excited para mamaya because finally we're complete. Si Warren ang magsusundo sa akin hindi na ako makatanggi dahil si Anthonette naman ang susundo kay Rosie, we're all set na.

I'm now wearing a yellow off shoulder ruffles top, white square pants and white sneakers. I also bring my maroon sling bag. I put my usual light make-up and tied my hair into a half pony tail.

Naisip ko na rin minsan na ang bilis ng mga pangyayari dahil isang buwan pa lang naman ang nakakaraan ng makilala ko si Warren pero napakagaan na ng loob ko sa kaniya. Pero lahat ng 'yun ay wala akong pagsisisi.

I don't know what is the reason why lagi kong inaalala ang kaibahan ng kaniyang mata dahil sa usapan namin kahapon. Sa buong parte ng mukha niya 'yun lang ang pinaka-ayaw kong titigan.'Yung mata niyang puno ng lungkot at pagod.

Seryoso ako sa sinabi ko na gagawin ko ang lahat 'wag lang muling makita ang gano'ng mata niya. Ramdam ko ang sakit, mas masakit pala 'pag nakita mo sa iba na pinagdadaanan 'yung sakit na pinagdadaanan mo rin lalo na kung importante 'yung taong 'yun sa'yo. Mabigat sa pakiramdam. Doble ang sakit.

Bago ako lumabas ng kwarto ay may tumawag sa akin. Unregistered number.

"Hello" bungad ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla niya itong ibaba. Weird.

Tumuloy na ako, bago sumakay sa Ford ni Warren ay nagpaalam ako kay Yaya Esme. Wala sina mommy. Nasa trabaho na yata.

"Miss me?" bungad niya ng makasakay ako ng kotse.

"Miss, my feet" mataray kong sambit.

Pagkatapos niyang mang-asar hindi pwedeng mawala ang ngisi niyan. 'Yan ang dahilan kung bakit hinahayaan ko siyang asarin ako. Kahit simpleng ngisi niya lang ay gumagaan ang loob ko. Para bang kahit papaano ay natulungan ko siya sa problema niya. Pero mas gwapo siya 'pag natawa 'yung tipong nawawala na ang mata niya dahil sa sobrang ngiti.

"Seatbelt" utos niya. Hindi ko siya sinunod.

"Don't daydream about me, Bridget" pasulyap sulyap niyang ani habang nagda-drive. Assumero ng taon 'to 'no? Hindi ko lang sinunod eh,hmp.

"No thanks dude" laban ko sa pang-aasar niya. Napakayabang rin nito eh.

"No thanks dude" mahina niyang gaya sa akin. Hinampas ko siya ng sling bag ko.

"You're so annoying, ughh!"

"You're so annoying, ughh!" gaya niya sa akin pati ang pagkuyom ng palad ko sa ere ay hindi niya pinalagpas.

Ngumuso ako at pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib. Bigla siyang natahimik ng mapatingin sa gawi ko.

"Don't do that again", what? Ano daw ang hindi ko dapat gawin?

"Don't do that again" gaya ko naman sa kanya habang kunyaring nagmamaneho. Nagulat ako ng hindi siya matawa.

"Hey, okay ka lang?" tanong ko.

Gano'n kasi 'yan 'pag ako naman ang mangaasar tatawa lang pero hindi niya ginawa ngayon 'yun.

"Yes I'm fine" bigay niya sakin ng maliit na ngiti. Habang nag-iisip ng dahilan kung bakit biglang nagbago ang mood niya ay madrama kong inilagay ang akong hintuturo sa sentido at ngumuso na para bang nag-iisip. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya nagkasalubong kami ng tingin. Umiwas agad siya.

"Don't do this to me, Bridget" ano ba yon ha? Wala naman akong ginagawa eh. Teka everytime na nakikita niya akong ngumuso eh— no, imposible. Pero tinry ko par rin siyang asarin.

Until the Night FallsWhere stories live. Discover now