Warren's POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko lagi na lang si Bridget ang nasa isip ko. Gagawa ako ng bagay na ngayon ay pinagsisisihan ko. Gusto kong umamin sa kaniya pero bawal. Hindi sa hindi ko kaya kundi dahil sa pagkakaibigan namin. Hindi ko kayang isugal friendship namin. Mas gugustuhin ko na lang isikreto itong nararamdaman ko kaysa mawala ang koneksyon namin.
Kanina ay muntikan ko ng hindi mapigilan ang sarili ko. Muntikan ko na siyang mahalikan.
"Shit. She's driving me crazy" bulong ko sa sarili ko habang hawak ang manibela ng mahigpit.
Nasa parking ako ng condo namin pero hindi pa rin ako nalabas ng kotse ko. Naalala ko na naman kung ilang beses ko siyang nakitang ngumuso.
"You're so annoying, ughh!" panggagaya ko sa galaw at boses niya.
Nagulat ako ng makitang ngumuso siya at pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Bigla akong natahimik.
Ibinalik ko agad ang tingin sa kalsada ng tumingin siya.
"Don't do that again", pabulong kong ani.
Nang tanungin niya ako kung okay lang ako dahil sa biglang pagtahimik ko ay bigla siyang umakto ng nag-iisip.
Tatawa na sana ako nang mapadako na naman ang mga tingin ko sa nakanguso niyang labi.
"Don't do this to me, Bridget" napalakas ata ang sabi ko sa isip at nasabi na rin ng aking bibig.
"Wala naman akong ginagawa eh", nguso na naman niya.
"Shit" mahina kong bulong. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at biglaang tinigil ang sasakyan.
"I can't take this anymore" sabi ko. Lalapit na sana ako ng maalala na may seatbelt pa pala ako.
"HAHAHA akala mo maasar mo ako ngayon. Epic fail,dude" pagtawa niya sa akin.
"Hehehe" shet ngayon ko lang pinasalamatan ang pagkapahiya ko.
Buti na lang napigilan ako ng seatbelt ko.
Hindi ako komportable sa mga nangyari kanina. Nagulat ako ng bigla niyang pisilin ang pisngi ko.
"Ang cute mo", tangina ano 'yon? Kinilig ba ako? Nag-init ang mga pisngi ko. Shet kinikilig nga ata ako.
"Lahat ng sa akin nilalagyan ko ng pangalan ko. Para alam nila na may nagmamay-ari na" sabi ko at inilipat ang sticker sa noo niya.
Dali dali akong pumasok sa simbahan. Tinanggal ko ang cap ko at sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko.
"Thank you for today" sabi niya bago tumalikod.
"Wait kiss ko" ano ba 'tong sinasabi ko. Shet lumalapit siya, hahalikan niya ako?.
"Akin 'to 'diba?" tanong niya matapos kuhanin ang mini fan. Parang sira naman akong tumango ng ilang beses para hindi mahalata na umasa ako.
Pagtapos magpaalam minaneho ko agad ng mabilis ang kotse ko.
Muli kong nasabunutan ang sarili ko matapos maalala ang lahat. Mabuti na lang at ang iniisip ni Bridget ay nag-aasaran lang kami.
Matapos kong alalahin ang lahat ng iyon ay pumasok na ako sa condo ko.
Naupo ako sa one-chair sofa sa tabi ng table ng kama ko. Nakita ko 'yung picture namin no'ng kapatid ko noong mga bata pa kami.
"Sorry bro, hindi ko naman gustong mapanganib ka. If I only knew that accident would happen, hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Gagawin ko ang lahat makabawi lang sa'yo. I'm willing to sacrifice all para sa kapatawaran mo. Please let me know, bro" pakikipag-usap ko sa larawan.

YOU ARE READING
Until the Night Falls
Short StoryThana Bridget Dabria, a loving daughter, strong and independent woman. She will encounter two different man that will change her peaceful life. Battle between heart and mind. What will she use? Who will she choose? Will she stand until the night fal...