April 7, 1905: Friday
--
Helena
May kapatid pala si Mauricio. Gwapo rin 'yun panigurado. It runs in their blood!
Panibagong araw na naman ng pagiging Mauricio ko.
Nasa silid niya pa rin ako. Nakatulala na naman sa kisame. There's no classes anymore and I'd rather be here. Gusto kong libutin yung Isla Verdad pero huwag muna sa ngayon. Nakakatamad. Tamad ako, eh.
Nilapitan ko ang study table niya at tinignan ang naroon.
Notebooks. Sa isang notebook niya maraming nakaipit na mga papel. Napadako ang tingin ko sa drawer sa ibaba ng mesa kaya binuksan ko ito.
Bumungad sa akin ang maraming papel doon na may guhit ng mga iba't ibang mukha.
Ang galing!
Kinuha ko iyon lahat at iniisa-isang tinignan. Ang galing magdrawing!
Ako, 'di talaga ako marunong. Stickman lang kaya kong iguhit.
Napakadetailed ng mga drawing niya. Kalrong-klaro ang mga features ng mga mukhang ginuguhit niya. Halatang pinaghirapan o baka madali lang talaga sa kanya ito.
Nakita ko rin ang mga mukha ng mga kaibigan niya, si Lods 'tsaka papa niya. Marami siyang ginuhit pero sila lang ang namukhaan ko. Ang iba hindi na pamilyar sa akin.
Nakarinig ako ng katok kaya nilapag ko muna iyon sa lamesa. I opened the door revealing his Mother.
"Ako na ang nagdala ng iyong meryenda dito." nginitian niya ako at tumungo sa lamesa para ilapag ang pagkain doon.
Nakita kong napatingin siya sa mga guhit ni Mauricio.
Ngumiti ulit siya, "Namamangha ako sa galing mong gumuhit, hijo. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko kapag mapapatingin ako sa guhit mo sa silid namin ng iyong ama,"
"Salamat po," kahit hindi naman ako ang gumuhit nun.
"Oo nga pala, ngayon ko lang naalala. Ang iyong Tiya Gloria ay gustong ikaw ang gumuhit sa pamilya nila. Siya rin ay namamangha sa talento mo," oh my gosh. "Siguro naman ay nariyan pa rin ang pagkagaling mo sa pagguhit. Mga alaala lang naman ang nakalimutan mo hindi ba?"
Nanlaki ang mga matang napalunok ako.
Shit!
'Di ako marunong, gago!
"A-ah, opo hahaha, uhm," I laughed nervously. "G-ganoon po ba," napakamot ako sa ulo dahil sa nerbyos.
Ang sarap sabihing nakalimutan ko rin pati iyon. 'Nakalimutan ko na po ang pagguhit', gusto ko itong isigaw sa kanya.
Pa'no na 'to?
"Oo at mas mabuti daw na maaga niyong magawa iyon dahil hindi siya makapaghintay na makita iyon sa dingding niya," mahinang siyang natawa.
Ako naman ay napapakagat na sa labi dahil sa kaba. Naupo siya sa upuan at ako naman ay nanatiling nakatayo sa tabi niya.
Kinuha ko ang tubig at napainom.
"Kung pwede ay baka sa lunes daw," muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. Nilunok ko kaagad ang tubig.
Sabado ngayon! Gusto kong sumabog. Gusto kong sumigaw. Ang sarap maiyak.
YOU ARE READING
Fifty Days To Be You
General FictionFifty Days To Be You How could they solve their problem when they don't even know what's the cause of what is happening... Could they fall in love in the process of finding out how to go back to their normal lives?