April 14, 1905: Friday
--Helena
"Hindi pa rin ako makapaniwalang pinayagan tayong pumunta dito nang tayong anim lang," malaki ang ngiting sambit ni Chara habang nakatanaw sa dagat.
Talaga nga pala na ang ganda dito!
From the time we arrived here, the place screams familiarity.
Umusog ako palapit kay Chara. Feel ko lang.
Napatingin siya sa akin kaya napataas ang kilay ko. Umusog siya papalayo sa akin at binalik ang tingin sa malawak na beach.
"Hindi pwede magdikit ang kung ano mang parte ng katawan natin, kahit kaibigan pa iyan, maliban nalang sa iyong kasintahan," at tumingin ulit sa akin na may blankong mukha.
Ang oa naman ng rules nila dito!
"Ilang taon ka na nga, Chara?"
"Ako'y dise syete pa lamang, Ricio. Bakit mo natanong?"
Humarap ako sa dagat at ngumiwi nang may maalala.
I remembered the time when Grey's face and mine were so close, we almost kissed! But we didn't mind it. Tapos dito sa kanila kahit dumikit man lang ang skin ng isa't-isa bawal?! Grabe!
Napalingon ako sa aking bandang likuran nang makarinig ng kaluskos. Hindi ko nalang iyon pinansin at bumalik sa pakikipagkwentuhan kay Chara.
--
Dito kami sa isang bahay kubo mananatili na pagmamay-ari nina Fredo base sa narinig ko.
Ang ginawa lang naman namin kahapon ay ang mag-ayos ng mga gamit na dinala namin.
Iyong mga pagkaing dinala namin ay malapit nang maubos kaya I think bukas may mamamalengke. Definitely not me.
I wonder what's going through Fredo's mind. I always feel him glaring at me but when I turn to look at him, he wasn't even watching me at all.
Oh, I remembered na bukas pala ang pagpunta ni Ferdan dito. Iyong kapatid ni Mauricio.
Excited na nga akong makita siya! Omg!
"Nasa katabing silid lang kaming mga babae, kung may problema man ay kumatok lang kayo," iyon ang sabi ni Georgia bago sila lumisan dito sa kwarto ng mga boys.
Hindi ako lalake pero kay Mauricio nga palang katawan gamit ko so basically, tabi-tabi kami dito ni Fredo at Paolo.
Malaki naman ang kama pero pure kahoy lang siya. Walang foam o ano. Mananakit likod ko dito!
Mas okay yung kama ni Mauricio, eh.
"Ikaw na ang pumwesto sa gitna, Paolo," sabi ni Fredo habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang sinuot niya kanina bago magtampisaw sa dagat.
"Tiyak na sa sahig ang bagsak niyong dalawa kapag nakatulog na ako," natatawang aniya.
Ayoko katabi si Fredo.
May something talaga sa kanya, eh!
Weird.
"Sa sahig nalang ako. Maglalatag nalang ng banig," I volunteered.
Though I know it'll be very uncomfortable sa sahig kaysa sa kama, basta hindi ko lang makatabi sila, okay na 'yon. Kinuha ko 'yung banig na nasa likod ng pintuan at nakasandal sa pader.
YOU ARE READING
Fifty Days To Be You
General FictionFifty Days To Be You How could they solve their problem when they don't even know what's the cause of what is happening... Could they fall in love in the process of finding out how to go back to their normal lives?