Kabanata 8

5 0 0
                                    

April 15, 1905: Sunday
--

Helena

"Shet, uhm, magandang tanghali sa'yo, F-ferdan," nautal pa ako sa pagbanggit ng pangalan niya.

Ang pogi! Verdad siblings never disappoint!

Ang kaibahan lang yata ni Mauricio at ang kuya niya ay mas maputi si Ferdan. Pogi talaga.

"Ricio! Nakapagbakasyon rin ako," buntong hininga niya, "Kumusta kayo rito?"

Lumapit siya sa akin kaya medyo npaatras naman ako at napatingin sa kanya. Binigyan niya ako ng nalilitong tingin kaya umayos ako ng tayo.

Natatawang niyakap niya ako at ang balikat ko. Medyo napangiwi naman ako dahil may kalakasan iyon.

Ngayon lang siya nakarating at napakunot pa ang noo ko noong may taong paparating at nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang pogi nun.

Naisip ko kaagad na baka ito na si Ferdan dahil magkalapit lang naman ang mukha nila ni Mauricio.

"Malapit na maubos ang dinala naming pagkain noong pagkarating namin kaya kinakailangang mamelengke," sabi ni Georgia at pinagkuhanan ng isang basong tubig si Ferdan.

Nakangiting tinanggap naman niya iyon at nakita ko pa ang pagsakop ng malaking kamay ni Ferdan sa kamay ni Georgia na nakahawak sa baso.

Nasaksihan ko ang pagpula ng pisngi ni Georgia.

What?

WHAT?!

ANO YUN?! HUH?

"Kailangan na ngang mamelengke at baka wala tayong makain pa!" Pagtawa ni
Paolo.

"Magtungo na kayo dito sa kusina at kumain muna, naghihintay ang pagkain!" narinig namin na sabi ni Chara.

Si Chara, Georgia at Laura ang nagluluto at naghatid lang ng tubig si Georgia dito.

Si Fredo naman nasa labas at nagkakape. Nagkasalubong naman sila ni Ferdan at nagtanguan lang.

Tumayo na kami at inilapag muna ni Ferdan iyong bag niya sa kinauupuan niya at pinagpag ang slacks niyang may kakaunting buhangin na dumikit.

Si Paolo naman ay inakbayan ako at naglakad papuntang kusina.

Naupo kami sa isang mahabang upuan na kahoy. Muntik na akong mahulog nang sasandal sana ako pero naramdaman ko ang paghawak ni Ferdan sa likuran ko. Nakalimutan kong wala pala itong sandalan.

Kahiya.

"Oh! Muntikan na iyon, Ricio!" Natatawang aniya at tumabi na sa akin.

"Haha, sorry," bulong ko na lamang sa sarili ko.

"Tawagin mo si Fredo, Paolo,"

--

"Ricio, tara?"

Nalilitong tiningnan ko si Georgia.

"Huh? Saan tayo?"

"Sa palengke? Samahan mo ako at ikaw ang maghahawak ng mga bibilhin natin,"

Gawin ba naman akong tigabuhat?

Well, ganyan rin naman ako sa kela Kairro at Grey pero tumutulong naman ako!

Hindi lang kasi dapat boys lang! Dapat tulungan.

Pero ayoko sumama.

I need to think of an alibi.

"Uhm, ano kasi, masakit ang paa at mga kamay ko," ang common naman. Bahala na nga.

"Talaga? Ano ba ang ginawa mo kahapon na naging sanhi ng pagsakit ng iyong paa at kamay?" Sumingit pa si Fredo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fifty Days To Be YouWhere stories live. Discover now