Kabanata 6

16 0 0
                                    

April 12, 1905: Wednesday
--

Helena

Sa mga nagdaang araw nahirapan akong makatulog. Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon sa tanong ni Mauricio kasi ako rin naman clueless sa nangyayari kaya anong isasagot ko, 'di ba?!

Nawala na 'yung tanong niya na nakasulat sa wrist ko kasi naglaho nalang bigla... parang feelings ng crush ko noon sa 'kin.

Charot.

Tinutulungan ko si Manang Yola sa paghahanda ng umagahan. Siya oang yata ang kilala ko dito. Why do I have to bother knowing them all, right?

Nakalimutan ko na nga mga pangalan ng mga tatay nungmtbmbbbbnbmtbbbpbmbobmpbbbpbppbbbmvmvvtvvvvnovvvvnovvmbnobnpvvvvmbnovnpmbnpvvnpvvvvnpvvb mebbbbbo mga kaibigan ni Mauricio, eh.

"Ako na po maglalagay niyan sa mesa," dahan-dahan kong kinuha kay Manang ang dala niyang malaking plato na may kare-kare.

"O siya sige at tatapusin ko lang itong niluluto kong adobo. Ging, tulungan mo si Ricio at dadating na ang Don at Donya!" Narinig kong sabi ni Manang habang naglalakad ako papuntang mesa para ilagay doon ang hawak ko.

Lumingon ako sa babaeng lumabas galing sa pinanggalingan ko kanina at dala ang maraming plato. Sa pagkakabilang ko ay puto iyon.

Why did she bring so many?

"Ah, ang dami yata niyan?"

"A-ang sabi po kasi ni Donya Tina ay may bisita raw po at maglatag ng pitong pinggan sa mesa," nakayukong sabi niya habang hawak pa rin ang mga plato.

Visitors?

Tumabi ako para makadaan siya. Naglalagay na siya ng mga plato, bunalik sa kusina at kalaunan ay bumalik rin dala ang maraming baso at itinabi iyon sa mga plato.

"Sinu-sino ba ang mga bisita?" tanong ko na nananatili sa kinatatayuan ko.

"Hindi ko po alam, ginoo, pasensya na po," nakayukong nilisan niya ang hapagkainan.

Tumungo ako sa kusina at nakitang nilagay na ni Manang Yola ang adobong manok sa isang malaking plato.

Pansin kong parating pinaparami ni Lods ng luto si Manang Yola. I think she cares about the housekeepers too kaya ganoon. Ang daming putol na na kahoy akong nakita doon sa ilalim ng paglulutuan. Iyon kasi ang ginagamit nila sa pagluluto unlike sa amin na gas stove.

"Manang, may bisita raw po?" hahawakan ko na sana ang platong pinaglalagyan ng adobo pero binawi ko kaagad ang kamay ko dahil sa napakainit nito.

Nakalimutan kong kakalagay nga lang pala nun doon.

"Naku! Ayan tuloy napaso ka!" Lumapit si manang sa akin at sinipat ang kamay kong namumula.

Itatanong ko sana ulit kung sino ang mga bisita pero nahinto kami nang makarinig ng mga boses na unti-unting lumalakas.

"Narito na sila. Salubungin mo ang pagrating nila at ako na ang bahala na maglagay nito sa mesa," sabi niya na tinutukoy ang adobong manok.

Sinenyasan niya akong umalis na kaya naglakad na ako papunta sa pintuan kung saan sila papasok papunta dito sa dining room.

Tinago ko sa likuran ko ang kamay kong napaso. Buti nalang at hindi 'yon malala.

Unang nakita ko ang paghawak ni Don Felicio sa bewang ni Lods! Nakakainggit naman 'to!

"Good morning po!" Bati ko sa kanilang dalawa at nagmano. Nakita kong napakunot ang noo ni Don Felicio pero hindi ko na iyon pinansin.

Fifty Days To Be YouWhere stories live. Discover now