Kabanata 5

25 0 3
                                    

April 10, 1905: Monday

--

Helena

Napasigaw ako dahil sa nakasulat sa aking pala pulsuhan.

Paggising ko kasi ay iyon agad ang bumungad sa akin.

Nakasulat sa pulsuhan ko ang pangalang, 'Mauricio' !

Kahit ako ay nagulat kasi sa pagkaalala ko, hindi ko sinulat ang pangalan ni Mauricio! No way!

Nagmamadaling bumangon ako at pumunta sa study table niya para maghanap ng ballpen o ano. Ang nakita ko lang ay 'yung parang feather tas parang isasawsaw mo sa ink ganoon!

Pagkatapos kong magkuha ng ink ay tumitig ako sa pulsuhan kong may sulat rin na 'Mauricio'. Magsusulat na rin sana ako nang mapansin kong dahan-dahang nawawala ang nakasulat doon.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig dahil sa nasaksihan.

Walang pagdadalawang isip akong sumulat.

"Hoy, ako 'to si Helena!"

I waited for his response but I got none.

Anong oras na nga ba? Tumingin ako sa makalumang relo ni Mauricio na nasa study table niya and it's 8:46 in the morning.

Lahat nalang ata ng gamit nasa study table niya.

Mga ilang minuto na akong nakatitig sa pulsuhan ko, naghihintay ng reply, pero walang dumating! Hindi pa ba siya gising?!

Dahil sa inis ay nakasimangot akong nagbihis at pagkatapos ay bumaba para sa umagahan.

Nasa pulsuhan ko pa rin iyong sinulat ko at hindi na nag-abalang ierase ito, wait, feel ko hindi iyon maeerase. Duh, ewan.

Nakita ko silang naglalatag ng mga bagong lutong pagkain. Nakakagutom. Ang sarap nila magluto.

"Sila Lods po?" Tanong ko sa kay Manang Yola na naglatag ng pagkain sa mesa. Tumingin siya sa akin.

"Naku, ang aga nagising ng iyong mga magulang at ang aga ring kumain. Araw-araw yata silang may pinupuntahan at hindi ko alam kung saan. Hindi ka ba sinabihan, Ricio?" Sagot niya at napapailing pa.

"Hindi po, eh."

"O sya, kumain ka na diyan. May gusto ka pa bang kainin at ipagluluto kita."

"Ay wala na po pero thank you po," nginitian ko siya at sinuklian niya rin ito ng ngiti.

Sinimulan ko nang kumain at sarap na sarap sa kinakaing adobo. Grabe anong nilagay nila dito at ang sarap naman ata masyado. Ibang-iba ang sarap na hatid!

Tuwing napapalingon ako sa pulsuhan kong may sulat ay napapaikot ang mata ko dahil wala pa ring reply! Nakaka grr.

Napalingon ako dahil sa tunog ng upuan at nakita kong umupo doon si Manang Yola. Napansin niya atang napatingin ako sa kanya kaya sinenyasan niya akong magpatuloy sa pagkain kaya tumango ako.

"Ricio, may problema ba kayo ng iyong kasintahan na si Georgia?"

Muntik na akong mabulunan dahil dun. Seriously, pati si Manang ay nagtanong na rin niyan. Silang dalawa ni Laura.

"Po? Hala, wala po. Okay lang naman kami," umiiling iling na ako habang may pagkain sa loob ng bibig.

"Nasabi sa akin ni Georgia na nagtatampo raw siya sa iyo sa kadahilanang hindi ka daw sumipot sa pagkikitaan niyo." Sabi niya na nagpaawang sa bibig ko.

Fifty Days To Be YouWhere stories live. Discover now