--
April 9, 1905: Sunday
Helena
Nakatanaw ako sa labas galing dito sa kwarto at patingin-tingin lang sa paligid sa labas. May mga nakikita akong napapadaan dito sa mansyon at may mga nakikita rin akong napapahinto at namamanghang napapatingin dito.
Nakakamangha nga naman ang kalakihan nitong mansyon. Napakayaman talaga nila. Kahapon nga medyo nalito ako pagbalik ko dito sa kwarto.
Naalala ko na naman ang busangot na mukha ni Vice Mayor.
I stared at my feet. Why do I have to think of the things that's isn't my problem? Hindi rin naman ako magtatagal dito.
Ito na yata ang motto ko for now, 'Bakit, eh, hindi rin naman ako magtatagal dito.'
Namimiss ko na nga si Mama at Papa, eh.
Napaisip tuloy ako kung ano ang mga ikinikilos ni Mauricio! Baka pagkamalan akong tomboy, naku!
Napalingon ako sa gawi ng pintuan nang may kumatok.
"Ricio?"
"Uhm, pasok!"
Tama nga ang hinala kong si Laura iyon. Anong kailangan niya?
"Bakit?" Tanong ko kaagad.
Kagat niya ang pang-ibabang labi, parang nagdadalawang isip na ipagsabi ang nasa isip niya.
May gusto ba 'tong si Laura kay Mauricio?!
"Uh, nandoon sila sa baba. Ako na ang umakyat para sunduin ka dito." Hindi pa rin siya makatingin sa akin.
May gusto talaga 'to sa 'kin, eh!
Ugh! Kay Mauricio pala!
"Okay, susunod nalang ako," tinalikuran ko siya at tumungo sa study table.
"K-kayo pa rin ba ni Georgia?" Nilingon ko ulit siya at kumunot ang noo ko sa tanong niya.
Binaba niya iyong kamay niya at nilagay sa likod niya. Saglit siyang tumingin sa akin pero umiwas din kaagad.
"Oo, sila pa rin," sabi ko pero agad akong napatakip sa bibig bago binawi iyon, "Ibig kong sabihin ay kami pa rin."
"A-ahh," napatango-tango siya.
Weird niya, ah.
"Wala ba siyang nabanggit sa iyo?" tanong niya na naman kaya kumunot ulit ang noo ko. Pinagsasabi neto.
"Wala naman,"
"Wala ba talaga?"
"Unli ka teh? Paulit-ulit? Sabing wala nga, muntanga 'to," sabi ko nang natatawa.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata pero bumalik din agad sa normal nitong ayos. Umatras siya nang nakayuko bago umalis.
What did she mean when she said na sila pa ba ni Mauricio?
May problema ba sila bago pa nangyari itong kaguluhan?
---
Nasa hagdanan palang ako nang salubungin ako ni Paolo na ngiting-ngiti at bigla akong inakbayan habang tinatapik ang balikat ko.
Yawa ang lakas naman na tapik 'yon!
"Kanina ka pa namin hinihintay dito, Ricio." sabi niya habang naglalakad kami papunta sa isang silid.
YOU ARE READING
Fifty Days To Be You
General FictionFifty Days To Be You How could they solve their problem when they don't even know what's the cause of what is happening... Could they fall in love in the process of finding out how to go back to their normal lives?