"Ano ba yan ang aga-aga inaantok pa ako eh." sabi ko na tinatamad pang bumangon at humihikab pa. Dahil walang tigil ang katok sa pintuan at hiyaw ng pangalan ko ay bumangon na ako at binuksan ang pinto ng hindi pa nakakapagsuklay. Pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sa harap ko si aling Sonya ang landlady ng inuupahan kong bahay "Antagal mo namang buksan ang pinto" bungad nya.
"Pasensya na ho at kagigising ko lang. Ano ho bang meron?" tanong ko.
Bakit pa ba ako nagtatanong eh halata namang maniningil sya ng renta.
"Katapusan na asan naman ang bayad mo?"
"Ay ngayon na po ba yon. Pero aling Sonya wala pa ho akong maipambabayad pwede po bang sa susunod na linggo na lang?" pakisuap ko.
Naalala ko naubos yung pera ko dun sa bar kaya wala akong ipambabayd ngayon pano nato baka palayasin ako ni aling Sonya.
"Anong sa susunod diba sabi ko kapag di na kapag bayad ng on time daretso ng layas kaya magimpake ka na. Nabalitaan ko rin na natanggal ka na sa trabaho kaya malamang wala ka na ring ipambabayad sakin" pagsusungit nya.
Wala na akong nagawa kundi mag-impake dahil sinisumulan nya ng ihangis palabas ang mga damit ko at itapon sa labas. At nuknukan ng ingay ang bibig nya kaya mapapahiya ka na lang sa mga kapit-bahay.
Isang maleta at isang malaking bag ang bitbit ko hindi ko na nadala ang nga appliances ko dahil yun ang pinambayad ko sa huling renta. Nasa tapat ako ngayon ng apartment ni Megan. Naisipan kong magpunta dito dahil sya lang ang matatakbuhan ko. Sinumulan kong pindutin ang doorbell nya.
"Ding dong, ding dong*
"Oh magbabakasyon ka?" bungad nya sakin pagbukas nya ng pinto
"Hindi pinalayas ako" sagot ko ng matamlay.
"Ano?" gulat nyang reaksyon
Pinatuloy nya ako at nasa sala nya kami ngayon nakaupo. Pinaliwanag ko sa kanya ang nanyari nalulungkot rin sya para sa akin. "Sorry freny naabala pa kita" sabi ko sa kanya.
"It's okay dear pwede kang manatili rito hangga't gusto mo." sabi nya at inabot ang isang baso ng juice.
"Di bale kapag nakahanap na ako ng trabaho at nakasweldo na maghahanap ako ng matutuluyan."
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kasalukuyan akong naglalakad para magjob hunting. Naisip kong tumanggap ng mga trabaho sa mga shop na may nakapost na wanted tindera basta kumita lang. Ayoko namang manatili sa apartment ni Megan na walang binibigay sa kanya na para bang freeloader nakakahiya ang ganun.
Naisipan kong icheck ang wallet ko kung nadala ko ba dahil madalas naiiwan ko ito. Binuksan ko ang wallet para i-budget sa pamasahe ko mamaya nang may biglang humablot ng wallet ko. "Snatcher!!!" sigaw ko.
Bw*s*t na snatcher na yan wala na nga akong pera aagawin mo pa. Kung minamalas ka naman talaga oh. Hindi ko pinalagpas ang snatcher at hinabol sya hangga't hindi pa sya nakakalayo.
Hinihinggal na ako sa pagod ang bilis nyang tumakbo. Pero hindi parin ako huminto at patuloy na tumatakbo.
*Beep beeeeeepeep*
Naku patay na may sumalubong na kotse. Napahinto ako bago pa man ako mabundol buti na lang huminto agad ang sasakyan. Lumabas ang driver ng bonggang-bongga at magarang kotse at tila hindi maganda ang mood nya dahil siguro sakin. "Hoy miss hindi mo ba nakikitang pula ang traffic lights gusto mo bang magpakamatay?" inis na sabi ng driver.
"Pasensya na po hinahabol ko lang po yung snatcher kaya po hindi ko napansin."
"Hindi mo na yon trabaho hayaan mong pulis ang gumawa non trabaho nila yon
" sabi nito."Palibhasa hindi ikaw ang nahablutan palibhasa'y mayaman kayo kaya okay lang sa inyo pero sakin hindi paki mo ba wala kong pamasahe eh," sabi ko sa isip ko.
Muli akong humingi ng tawad at pagkatapos ay umiling iling sya at saka pumasok sa kotse.
Warren's P.O.V
That girl she's familiar right naalala ko na sa hallway ng restroom she's the girl who hugs me. What was her name again? Luna?
"Pasenya na po sir naabala pa po yung biyahe natin. Eh naghahabol po kasi yung babae sa snatcher" pagpapaliwanag ng driver ko as he sat on the driver's seat.
"How is she? Is she hurt do we need to take her to the hospital?" I asked
"Sa tingin ko po sir hindi na kailangan. Hindi naman po sya tumama sa sasakyan. Tingin ko ay okay lang sya."
"Kung ganun ay dumaretso ka na" I command.

YOU ARE READING
Suddenly
RomanceIsang pilya at may dalisay na puso ang babaeng si Luna Belle Castelo. Sa kanyang kagalawgawan ay makikilala nya ang dalawang lalaking mahuhulog sa kanyang charm. Isang may cold personality at isang mukhang babaero. Pano nya panghahawakan ang dalawa...