Lunas's POV
Wala na akong nagawa kundi bumalik sa apartment ni Megan. Wala kasi akong pamasahe at nasnatch pa ang last money ko malayo naman kung maglalakad lang ako. Hindi ko na hinabol pa ang snatcher dahil nawala sya sa paningin ko nung muntikan ang mabangga ng bonggang-bongga at magarang kotse na yun.
"Oh ambilis mo naman. Nakahanap ka kaagad?" tanong ni Megan at inabot ang isang basong tubig.
"Hindi pa eh hinablot ang wallet ko ng lintek na snatcher" sabi ko saka lumagok ng tubig. "Buti na lang wala yung mga I.D ko don at mga walang laman kong card kung hindi ipapablatter ko sya."
"Lagi ka na lang talang napapatrouble. By the way meron akong sasabihin sayo."
"Ano?"
"Naalala mo ba yung guy na sinakyan natin pauwi galing club?"
"O anong meron?" Don't tell me??
"We are officially dating"
"Ano?" nanlaki ang mata ko sa gulat "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ang tungkol dyan. Akala ko ba nadala ka na sa dati mo at hindi ka muna papasok sa isang relasyon?"
Last month kasi naabutan namin ang ex nya na may kalandiang iba. Nasa restaurant kami nung mga araw na yon at rinignarinig namin ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Flashback
"Hindi ba meron ka ng girlfriend?" tanong ng malanding pabebeng babae.
"Wala na kami nun. Ikaw na ang babaeng mahal ko, babe."
Hindi nila alam na nasa tabi tabi lang kami at saka rin namin narealize yon nung marining namin ang pamilyar nyang boses.
Bigla namang tumayo si Megan sa kinauupuan nya at bakas sa mukha nya na nanggagalaiti na sya sa galit. Nagpunta sya sa table kung nasan nakaupo ang boyfriend nya at ang babaeng kalandian nya. Hindi pa nila narerealize na papalapit si Megan sa kanila at nang kuhain ni Megan ang basong nakapatong sa table nila ay ibinuhos nya yun sa mukha ng babae.
Nagulat at napanganga ako sa pangyayaring iyon na hindi ko inaasahang gagawin nya. "Megan!?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Bryan ang boyfriend nya.
"Wala na palang tayo ha ni hindi ko man lang alam!" naiiritang sabi nito at itinaas ang kilay "Kung ganun tapusin na natin ito. I officially announce that we're over because my boyfriend is cheating in front of her girlfriend." saad nya at hindi alintana ang mga taong nanonood sa kanila.
"Hey! I don't care what's happening between the two of you but you shouldn't splash me with cold water" iritang sabi ni ate.
"You don't care? Hoy ikaw ang rason kung bakit nangyayari sa amin ito. Kung hindi mo sya nilandi edi sana okay parin kami hanggang ngayon."
"Hoy kasalanan ko ba na mas masarap ako kesa sayo?" OMG ang kapal ni ate wala syang paki kung marinig namin yung mas "masarap ako kesa" sayo.
Tumitindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin ni Megan kaya nilapitan ko sya. Pero bago pa man ako makalapit ay inuhan nya na ng sabunot si ate "Anong sabi mo?" sabay sabunot kay ate at sinabunutan rin sya pabalik ni ate. Sinusubukan kong awatin si Megan at sinusubukang awatin ni Bryan ang kabit nya.
Kahit kelan talaga warfreak itong si Megan.
"Stop please!" sigaw ni Bryan na sinusubukang patigilin sila sa ginawa nila "Pwede ba tigilan nyo na yan hindi ba kayo nahihiya andaming nanonood sa atin." Tapos binaling nya ang tingin nya kay Megan. "At ikaw Megan wag kang ma-igskandalo dito mahiya ka naman." sabi nito na pabulong.
Sinampal ni Megan si Brayn ng malakas as in namula ang pisngi nya. "At ako pa ngayon ang walang hiya. Nasasabi mo pa yang salitang yan matapos mo kong pagtaksilan ng harap harapan? Simulan ngayon ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Tara na freny alis na tayo nawalan na ako ng gana." kinuha ni Megan ang gamit nya sa table ng padabog at lumabas sya ng may sama ng loob.
"Hindi ko iiyakan ang lalaking yon manigas sya."
Flashback ends
Nadiscover ni Megan na matagal na pala syang niloloko ni Bryan plus the fact na may nangyari pa sa kanila ng kabit nya.
At hindi nya nga iniyakan ang ex nya pero alam ko namang minahal nya rin yong mokong na yon.
"Mabait kasi sya at sa tingin ko wala sa kalingkingan ng Bryan na yon si Harvey. Actually tumawag sya sa akin kanina sabi nya irerecruit ka daw nya sa kumpanya nila."
"Talaga?"
"Yep kaya magready ka na kasi imimeet natin sya."
Nasa isang coffee shop kami ni Megan ngayon para imeet ang kanyang suitor. "Antagal naman nya" reklamo ni Megan.
"Wait ka lang baka natraffic pa."
"Mag-order mo na kaya tayo."
And speaking of ay paparating na pala sya "Sorry na late ako natraffic pa kasi eh" tapos umupo sya sa tabi ni Megan.
"Nga pala Harvey si Luna sisteret ko." sabi ni Megan"Yeah nagkita na tayo before right kung natatandaan mo pa?"
"Of course naman."
"I heard a lot about you palagi kang ikinuwento sakin ni Megan. In fact, you we're recommended by her and it happened na may bakante sa kumpanya and since you graduated in this field ako ng bahala kung pano ka makakapasok sa Agner's Company."
Biglang lumundang ang puso ko sa sayang naramdaman ko nang marinig ko ang mga sinabi sakin ni Harvey. Hindi ako makapaniwalang magkakatrabaho na ako agad..

YOU ARE READING
Suddenly
RomanceIsang pilya at may dalisay na puso ang babaeng si Luna Belle Castelo. Sa kanyang kagalawgawan ay makikilala nya ang dalawang lalaking mahuhulog sa kanyang charm. Isang may cold personality at isang mukhang babaero. Pano nya panghahawakan ang dalawa...