Chapter 1: You're Fire

12 0 0
                                    

Luna's POV

"Oh Luna late ka nanaman. Dalian mo na marami ng customer" sermon sakin ng katrabaho kong si Chandel.

Nagmadali akong magpalit ng uniform at agad na lumapit sa kararating na customer. "Good morning ma'am ano pong order nyo?" tanong ko sa babae na nakaupo sa leftside.

"Uhmm magrekomenda ka nga ng masarap" sabi nya.

"Ah ma'am pwede nyo po itry yung specialty of the house naming beef stew with asparagus salad best seller rin po namin yan" prisinta ko.

"Ay ito na lang pala isang serve ng crab and corn soup and toasted bread."

Namahalan ata si ma'am sa suggestion ko. Kahit ako di ko afford ang ganyang kamahal na pagkain na katumbas ng dalawang araw kong sweldo. At sinulat ko ang order nya sa dala kong order slip.

"Ah sayo naman po ma'am ano pong order nyo?" tanong ko sa babae sa right side.

"Iced tea lang" sagot nya.

"Ulitin ko pa yung order nyo. Isang serve ng crab and corn soup, toasted bread and iced tea. Yun lang po ba meron pa po ba kayong idadagdag?" umiling lang sila.

Umalis na ako pagkuha ko ng order nila at inilagay ang order slip sa kitchen. Inantay kong maluto ang pagkain. Mayamaya ay naluto na ang pagkain kaya agad ko itong sinerve sa customer.

Isa-isa kong nilapag ang order nila sa table. "Enjoy your food ma'am" sabi ko ng nakangiti.

"Wait ito lang yung order namin?" tanong ng babae sa left side.

"Ah eh diba po crab and corn soup,   toasted bread at iced tea lang naman ang  order nyo?" paglilinaw ko.

"Oo nga pero sabi ko dalawang serve ng crab and corn soup at toasted bread."

Huh? eh sabi nya kanina isa lang. Di naman ako bingi inulit ko pa nga diba?

"Sabi nyo po isang serve lang yun po yung narinig ko."

"Bingi ka ba sabi ko dalawa bakit isa lang?" pasigaw at galit nyang sabi.

Wag mo nga akong sigawan sabi mo kanina isa lang tapos ngayon dalawa na. sabi ko sa isip ko. Nabaling tuloy sa amin ang atensyon ng mga tao. Papahiyain ata ako ng babaeng to eh.

"Ah ma'am kung gusto nyo babalik na lang po ako sa kitchen at isusunod na lang ang isa pang serve ng crab and corn soup and toasted  bread" prisinta ko.

Paalis na sana ako "Sandali, may langaw yung soup nyo" sabi ng babae sa right side.

At dahil don pinagagalitan ako ngayon ng manager namin. Nanggagalaiti sa galit walang humpay ang dada at ako naman ay napapahiya na sa mga pinagsasasabi nya katulad na lang ng madalas na late ng dating pati yung mga nabasag kong plato at baso binanggit nyan rin at ilang beses kong pagpatol sa mga customer sinabi nya yon sa harap ng mga katrabaho ko.

"Your fire!" pasigaw nyang sabi.

"Sir wag naman alam nyo namang dito lang ako umaasa. Ulila na ako sir wala ng ibang susuporta sa pang araw-araw kong pangangailangan. Bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakaton sir" pagmamakakaawa ko na halos maluha-luha na.

"Marami ka ng nagawang  kapalpakan. Kung mananatili ka pa dito baka masira ang reputasyon ng restaurant."

"Sir sige na sir kailangan ko talaga ng trabahong to sir promise sir hindi na muulit. Wag mo na akong sisantihin sir" muli kong pagmamakaawa.

"Magsilbi sanang aral sa inyo to ng wala ng uulit pa" sabi nya dun sa mga katrabaho ko.

"Fine aalis na ako, tutal cheap naman yung sweldo dito tsaka nalilipasan pa ako ng gutom kaya anong rason para magtagal pa" sabi ko sa aroganteng tono.

"Anong sabi mo!?" sabi nya na parang kumukulo na ang dugo sa galit.

At umalis na ako sa restaurant bitbit ang mga gamit ko kasi nga nasisante. Hindi ko rin binawi ang sinabi ko. Kasalanan ko ba na may langaw sa soup dapat sisihin yung chef eh kasi sya nagluluto. Ano pa nga ba magagawa ko kung pilit akong gustong matanggal sa trabaho tsk. Pano na ngayon to dun lang ako kumukuha ng pambili ng pagkain ko sa araw-araw at pati pambayad ko ng renta. Mag-uumpisa na ba akong maging tambay?

SuddenlyWhere stories live. Discover now