Chapter 9: Next-Door Neighbor

1 0 0
                                        

Luna's POV

Ngayong araw ko matutupad ang pangalawa sa mga plano ko. Yung una ang makahanap ng trabaho tapos ang makahanap ng sariling matitirhan.

Inimpaki ko na ang mga gamit ko lahat yon inilagay ko sa luggage. Since hindi ako masasamahan ni Megan mag-isa akong nagpunta sa apartment ni Harvey.

Nangmakarating ako dito ay sumakay ako ng elevator at pinindot ang number 6 hanggang sa makarating ako ng 6th floor at hinanap ang unit 402. Nang mahanap ko ito agad kong binuksan ang pinto at sa sandaling nakapasok ako napahanga ako sa ganda ng loob.

Maganda ang features ng apartment may mga appliances at kumpleto na rin  sa gamit. Hindi ko na kailangang bumili, isa ring advantage ang mangupahan dito at habang nililibot ko ang buong paligid biglang nagring ang phone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinagot ng malamang si Megan ang tumatawag "O nakarating ka na?"

"Oo kararating ko lang" sabi ko habang naglilibot libot.

"Maganda ba? Okay na para sayo"

"Okay na okay ang ganda nga eh. Hindi ko akalaing ganito kaganda dito." Malayo ito sa inaasahan ko.

"Maganda talaga? Naku parang gusto ko talagang tignan. Alam mo naman kasi yang si Harvey mahilig manurpresa."

"Oo nga nagugulat nga ako sa surpresa nya. Pero okay lang ba na gamitin ko yung mga appliances nya rito?"

"Oo naman"

"Nakakatakot baka masira ko."

"Edi 'wag mong sirain."

Mayamaya pa ay ibinaba ko na ang tawag at nagpunta sa magiging kwarto ko. Malinis at maayos na sa loob hindi ko na pala kailangang maglinis.

Inilagay ko ang mga stuff ko sa designated area at nang matapos ay humiga ako sa malambot kong kama.

Nagpunta ako sa kitchen at binuksan ang refrigerator. "Walang laman" sinunod kong buksan ang mga cabinet sa taas "walang laman".

Kaya napagpasyahan kong magpunta sa supermarket para bumili ng girls stuffs, can goods, snacks, etc. Pagkatapos kung bumili ay umuwi na ako agad.

Nakita ko namang sumasara ang elevator kaya pinigilan ko ito bago tuluyang sumarado. Pumasok ako sa loob at pipindutin ko sana ang number 6 pero nakita kong napindot na pala ito.

Napalingon naman ako sa kasabay ko sa elevator. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng magtama ang mga mata namin. Hindi ako makapaniwala na magkikita kami ulit ng guy na hinatak ko noon sa club at napagkamalang si Megan at dito pa sa lugar na 'to ng kami lang dalawa? Umiwas ako ng tingin dahil sa ilang. Hinaplos haplos ko ang buhok ko para matakpan ang mukha ko at hindi nya ako makilala. Bakit ba ako nagtatago?

"Hey!" sabi nya. Gosh nakilala nya kaya ako? And so?

"Victoria's Secret Bombshell Fragrance Mist ang ginamit mo right?" napa 'what the hell' looks ako sa kanya.  Of all things na sasabihin nya eh amoy pa ng perfume ko ang napansin nya? Ang weird ng guy na 'to.

*Ding*

Bumukas ang elevator at nagmadali akong lumbas hanggang makarating ako sa tapat ng pinto ng bahay ko.

Hinahanap ko ang susi ng pinto nakalimutan ko kung saan ko nilagay. Kinapa kapa ko ang bulsa ko at nang makapa ko ang susi ay hinugot ko ito sa bulsa kaso pag-angat ko nalaglag ang susi sa sahig.

Pinulot ko ang susi sa sahig at pag-angat ko ay tumambad sa akin ang lalaki kanina sa elevator na nakatayo sa harapan ko ngayon.

Lumapit sya sa akin ng marahan at ako naman ay umaatras. Bakit ganitong reaksyon ang itinutugon ng katawan ko?

"Tumabi ka dyan nakaharang ka sa pintuan ko." sabi nya saka binuksan ang pintuan ng kabilang unit.

Naiwan akong parang istatuwang nagugulumihanan. What the hell?  Ano ba tong nangyayari? Anong pintuan nya? Ibig sabihin ba nito magkapit-bahay kami? Unbelievable!

SuddenlyWhere stories live. Discover now