Chapter 8: It's Time to Move

1 0 0
                                    

Luna's POV

Maaga akong nagising mga around 3:00 o'clock in the morning sa sobrang aga natulog ako ulit.

Hindi naman masyadong malalim ang tulog ko kaya naririnig kong binubuksan ni Megan ang kurtina ng bintana. Kaya bumangon na lang din ako kasi may pasok pa ako.

"Tinanghali ka ata ng gising." sabi nya.

"Maaga pa naman 5:32 pa lang ng umaga."

"Ang ibig kong sabihin tinanghali ka ng gising sa sinet mong time sa alarm clock." natatawa nyang sabi. "Nga pala magkikita kami mamaya ni Harvey, babanggitin ko na rin sa kanya na gusto mong mangupahan sa apartment nya."

"Okay, i-update mo na lang din ako kung nakaready na para mapag-isipan ko kung kelan ako lilipat."

"Sige"

Iniligpit ko ang hinigaan ko at napunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis kumain naman ako ng almusal at nang matapos, naghanap na ako ng masasakyan.

Hinahabol ko rin ang oras lalo na sa pagpunta ko ng kumpanya dahil madalas traffic at para hindi malate inaagahan ko kaya eksakto lang sa oras kapag dumarating ako.

"Goodmorning" bati ko sa lahat.

"Nagcoffee ka na?" tanong ni Kylie.

"Hindi pa eh, magkakape pa lang."

"Bibili ka ba ng coffee sa labas? Pwedeng pasabay?"

"O sige."

"Caffe Americano yung sakin tapos sa Starbucks ka bumili ah" sabi ni Kylie.

"Ako din Luna pasabay pwede?" si Vivien.  Tumungo lang ako. "Espresso Macchiato sakin."

"Ako din Luna isang Caffe Latte" pahabol ni Aubrey.

Lumapit ako sa mga kaibigan ko para alukin sila. "Kayo wala ba kayung ipabibili?"

"Wag na, naawa na kami sayo baka hindi mo mabitbit lahat." si Peri

"Oo nga, kukuha na lang kami sa pantry." si Jillian

Lumabas na ako sa opisina at nagpunta ng Starbucks Coffee. Ewan ko ba kung bakit dito pa nila gusto na may malapit namang coffee shop malapit sa kumpanya.

Pagkatapos kong itake-out mga inorder ko bumalik na agad ako sa office tapos dinala sa kanila ang pinabili nila. Tapos naupo na rin ako sa swivel chair ko at nagkape sandali.

Hanggang naglunch time na at nagpunta kaming tatlo sa canteen para dun mananghalian.

"Alam mo sa tingin ko ginagawa ka ng utusan ni Kylie."

"Oo nga gawin nya yun eh mang-utos."

"Hindi naman sa ganun nanghingi lang naman sya ng pabor at wala akong balak na magpaalipin sa kanya no."

Pagkatapos naming maglunch balik sa dating gawi ang tapusin ang tinatrabaho.

Hapon na naman at malapit ng mag-uwian. "Oh miss Luna uuwi ka na ba?" tanong ni sir Lawrence ang supervisor namin.

"Inaayos ko lang po ang mga gamit ko at uuwi na rin ako pagkatapos."

"Alam mo miss Luna bilib ako sa sipag mo, mabilis mong matapos ang mga pinagagawa ko sayo."

"Ganun po ba?"

"Oo napapansin ko yun, ikaw ang magandang modelo. Sana nga katulad mo silang lahat."

Sa tagal ko dating nagtatrabaho sa restaurant hindi ko narinig ni isa na pinuri ako. Dito ko pa lang ako unang nacompliment.

"Sir ano pong ginagawa nyo dito?" biglang sabat ni Jillian.

"Ano sa tingin mo miss Jillian?"

"Sabi ko nga eh" sabi ni Jillian.

"Sya sige aalis na ako" pagpapaalam ni sir Lawrence saka umalis.

"Anong sinabi sayo ni sir Lawrence?".

"Sabi nya masipag daw ako at magandang modelo" natutuwa kong sabi.

Sa Apartment

Nakaupo kami ni Megan sa sofa saka nya inumpisahan ang usapan"Nag-usap na kami kanina ni Harvey sabi nya ready na daw yung apartment nya pwede ka na daw lumipat anytime."

"Ganun ba? Kung ganun bukas na lang ako lilipat?"

"Bukas agad?"

"Oo tutal off ko naman bukas at marami akong oras. Tsaka isa pa matagal tagal na rin akong nakatira dito kaya oras ng lumipat."

"Kung bukas ka na lilipat, hindi kita masasamahan. Sorry ha may imi-meet kasi ako tapos hindi ko alam kung kelan kami matatapos at tsaka may importante rin kaming pupuntahan."

"Di bale na, kaya ko namang mag-isa. Okay lang sakin yon."

SuddenlyWhere stories live. Discover now