Chapter 6: Meet Boss

1 0 0
                                    

Luna's POV

Nagising ako ng maaga bago pa man tumunog ang alarm clock ko, pano ba naman excited na akong pumasok sa trabaho. And thanks for Harvey naipasok nya nga ako sa kumpanya.

Naghanda na ako ng almusal pagkatapos ay naligo. Pagkatapos kong maligo ay saka lang din nagising si Megan. "Goodmorning Meg" bati ko.

"Goodmorning! Mukhang excited ka na nga talaga ang aga mong gumising" sabi nya.

"Syempre naman"

Nagsabay kaming kumain ng almusal pagkatapos nagbihis na ako at nag-apply ng konting foundation at naglipstick na light color para naman hindi mukhang patay ang labi ko. Unang araw ko ngayon kaya hindi dapat ako malate.

Nagpaalam na ako kay Megan at naghanap ng masasakyan papunta sa kumpanyang papasukan ko.

It takes 1 hour and 20 minutes bago ka makarating sa company at dahil wala akong service kailangan kong magcommute. Tinignan ko ang relo ko chineck kung anong oras na and it's already 7:25, hindi na ako late maaga pa. Ngayon ay nasa tapat na ako ng napakataas na gusali. Pumasok ako dito at lumapit sa reception desk.

Nagtanong ako sa receptionist kasi wala pa akong idea kung ano bang gagawin ko at saan ako pupunta.

"Uhm excuse me ah ako po yung bagong staff." sabi ko kay ate receptionist.

"Ah kayo po ba yung substitute ni Mr. Romualdez?" tanong ni ate receptionist.

Substitute? Hindi nabanggit sakin yun ah. Substitute pala ako kaya ko narecruit? Whatever!

"Ako nga po"

"Dito po sa 16th floor nandun po yung office nyo."

Nagpasalamat ako tapos dumaretso sa elevator tapos pinundot ko yung number 16 hanggang sa makaakyat ito hanggang 16th floor. Paglabas ko ng elevator may babae sa malapit kay tinanong ko sya. "Hello po, ako po si Luna Belle Castelo bagong empleyado."

Binigyan nya ako ng fierce looks, gosh ang creepy! Suplada? "Sumama ka sakin" sabi nya sinundan ko naman sya.

"Dun yung cubicle mo, you may now start." sabi nya saka umalis.

Seryoso pinaghandaan talaga nila ang pagdating ng mga bago nilang empleyado. Gosh ang kalat naman ng desk ko.

Naupo ako sa swivel chair matapos kong iligpit ang mga nakalalat na papel sa desk ko. "Luna right?" tanong ng isang babaeng maganda at balingkinita. I guess she's the prettier here.

"Oo bakit?" I asked with confusion.

"Can you do me a favor?" tumungo lang ako "Paki photocopy naman nito" sabay abot ng papel na nakafolder. "I need 30 copies tapos paki arrange in sequence."

"Hi! Ako nga pala si Jillian ikaw?" sabi ng babaeng mahaba ang hair medyo pandak pero cute na katabi ko rin sa cubicle.

"Luna"

"Bago lang din ako dito mga ilang weeks nung nagstart ako. I hope we can get along well."

"Sure." tapos ngumiti ako.

"Parating na si boss" hiyaw nung isang lalaki. Tapos nag-aligaga yung mga ka-officemate ko at dali-dali silang umayos. Kani kanina kasi nagchichikahan pa sila.

"Goodmorning sir" sabay-sabay nilang bati. Dumaretso lang sya at hindi man lang nag-abalang bumati o tumingin sa amin.

"Sino sya?" tanong ko.

"Hindi mo sya kilala? "Nagresearch ka ba sa kumpanya bago ka nag-apply?" tanong ng biglang sulpot na babae.

Well hindi naman ako nag-apply I was recommended. Pero parang nakita ko na sya dati eh hindi ko lang matandaan. Ah baka sa Tv?

"By the way I'm Perlisia, just call me Peri."

"Peri?"

"You don't know the boss of the bosses well then I'll tell you. Yung guy kanina si sir Warren Agner ang CEO ng kumpanyang 'to perfectionist gwapo, matalino, charismatic, magarang manamit, nasa kanya na ata ang lahat. Despite being cold marami paring humahanga sa kanya" Grabe detalyadong detalyado ha, but I'm not interested.

"At anak rin sya ng chairman. Hindi ka rin makakapagbiro kapag kausap mo sya. Seryoso palagi ang mood non." dagdag ni Jillian

"Pero mailap sya sa mga babae maraming magaganda at mayayamang babae ang gustong makipagdate sa kanya pero wala ni isa sa mga yon ang inalok nya sa halip lahat sila tinaggihan nya" hirit pa nya.
"Hindi kaya bakla sya?"

"That's a big NO NO I believe he's straight. Baka tipo nya lang ang simple at inosenteng tulad ko."

"Bakit nagpakita na ba sya ng motibo sayo?" mahinhin at malambing kong tanong.

"Well for the fast few years... Hindi pa pero sa tingin ko nahihiya lang si sir medyo may pagkatorpe rin kasi yun eh."

After a couple of hours...

Hindi ko namalayan ang oras kaya napatingin ako sa watch ko. It's already 12:30 grabe ang bilis talaga ng oras.

"Luna sabay-sabay na tayong maglunch." aya ni Jillian.

"Mamaya mo na yan tapusin." sabi ni Peri.

Nagpunta kami sa canteen nila Jillian at Peri para dun maglunch. Umorder kami ng nakaset na meals pagkatapos umupo kami sa bakanteng upuan.

Sumubo ako ng isang spoon ng kanin saka inumpisahan ni Peri ang conversation. Naggetting to know each other kami hanggang sa mapunta ang usapan namin sa mga empleyado "Since bago ka lang dito kailangan mong maging cautious sa mga chaka sa office. First is si Miss Chloe ang head ng department natin suplada at napakastrikta."

"Next, si Kylie naman ang queen bee sa office maraming nagkakagusto at naghahabol na lalaki sa kanya sa iba't-ibang department may pagkademonyita rin yung chaka na yun." Sya siguro yung babae kaninang inutusan akong magphotocopy.

"Kasama yung mga minions nyang si Vivien at Aubrey na parang lintang sumisipsip sa boss. "

"At si Peri ang dakilang tagapaghatid ng balita. Mas mabilis pa sa kidlat" dagdag ni Jillian. Nagtawanan kami kasi parang naasar si Peri sa sinabi sa kanya ni Jillian.

Matapos naming kumain at magchikahan ay agad na kaming bumalik sa office at ginawa ang trabaho namin.

Hanggang sa nag alas sinko na ng hapon kaya hinanda ko na yung gamit ko kasi uuwi na ko.

Pagdating ko sa apartment ni Megan ay agad akong humiga sa sofa. Medyo nakakapagod kasi dahil galing ako sa trabaho tapos bibiyahe pa ako ng pagkalayo layo bago makauwi at irelax ang katawan ko.

"Kumusta naman ang first day mo?" tanong ni Megan at tinabihan ako sa sofa.

"Okay naman meron na nga akong friends eh si Jillian at si Peri mababait sila at approachable"

"Buti naman akala ko napatrouble ka sa first day mo."

"Hindi naman sa ganun hahaha" tapos napatawa rin sya.

"Anyways magprepare na ako ng dinner."

SuddenlyWhere stories live. Discover now