Luna's POV
Bumalik ulit kami ng bar ni Megan at umorder pa sya ng alak. "Marunong ka ng humarot ha" sabi nya na may mapang-asar na ngiti.
"Hindi ako humaharot dumidiskarte ako." sabi ko
"Dumidiskarte para san at bakit?"
"Mukha kasi syang mayaman nagbabakasakali lang ako baka bigyan nya ako ng tip. Maigi na lang may pambili ako ng bigas."
"HAHAHAHAHA..." malakas at walang humpay nyang tawa. "Ano bang klasing ideya yan at tsaka pano ka naman bibigyan ng tip non samantalang hindi ka naman nagtatrabaho dito. HAHAHA.. Pero in fairness gwapo sya ha at hot."
*Bang*
Isang malakas na ingay ang pumukaw sa amin at nagsunod-sunod pa. "Pigilan nyo sila" sigaw ng isang lalaki. Naintriga kami at nakiusyoso na rin kaya nagpunta kami sa pinanggagalingan ng ingay. Nakita naming may dalawang lalaking nagsusuntukan at maya-maya ay may sumali pang dalawa at nagkagulo na ang sangkatauhan.
Agad kong hinila ang braso ni Megan ng walang alintana at mabilis tumakbo palabas ng club bago pa kami madamay sa gulo. Pero teka bakit para yatang lumaki at tumigas ang braso ni Megan. Kinakabahan akong lumingon sa likuran ko. Hindi sya si Megan kundi isang stranger?!
Agad kong binitaw ang kamay ko na mapagtantong hindi si Megan ang nahila ko palabas. "Pasensya na po akala ko ikaw ang kaibigan ko. Sige alis na ako" sabi ko sa lalaki.
"Wait" sabi nya sabay hawak ng braso ko "You're just gonna leave after taking me here?"
"Sorry na nga ano ba gusto mo samahan pa kita pabalik sa loob?"
"No not that" sabi nya sakin tapos lumapit sya at lumapit pa. Papalapit sya ng papalapit sakin ako naman paatras ng paatras hanggang nilapit na lang nya yung mukha nya sa mukha ko na two inches ang lapit. "You're blushing" biglaan niyang sabi.
Kinabahan ako dun ha akala ko hahalikan nya ako. Assuming ka Luna ha. As if naman na gagawin nya yun sakin sa katulad ko? In fairness gwapo sya at maganda rin ang body figure pero bakit parang wala sa kontrol ko ang itulak sya o ano.
Teka lang nasan nga ba si Megan at bakit ang lalaking yan ang nahila ko imbes na sya. Luminga linga ako nagbabakasakaling nakalabas na rin sya at nakita ko rin sya sa wakas may kaharutang lalaki. Iniwan ko lang ang lalaki bahala na sya sa buhay nya. Nilapitan ko si Megan at niyayang umuwi na. Nakinig naman sya sakin at naghanap kami ng masasakyan pauwi.
Malalim na ang gabi at madalang ang dumadaang sasakyan kaya mahirap makahagilap ng pampasaherong sasakyan. May huminto namang kotse sa tapat namin ni Megan binuksan nya ang bintana ng kotse nya at dumungaw ng bahagya. "Hatid ko na kayo" sabi ng lalaking nagmamaneho ng kotse. Nabigla ako dahil nag aalok ng sakay ang lalaking di ko naman kilala. "Tara na Luna sakay na tayo." aya sakin ni Megan.
"Bakit naman baka mamaya kidnappin pa tayo nyan at manghingi ng ransom o di kaya human trafficker" sabi ko sa mahinang boses yung tipong di maririnig ng lalaki.
"Ano ka ba kilala ko yan. Kaya wag ng maraming satsat."
Sumakay na rin ako nang pangunahan ni Megan sumakay. Sabi nya kakilala nya daw yung may ari nitong kotse.
Mayamaya pa ay nakarating na rin ako sa bahay. Nang makarating na sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama at natulog ng mahimbing.

YOU ARE READING
Suddenly
RomansaIsang pilya at may dalisay na puso ang babaeng si Luna Belle Castelo. Sa kanyang kagalawgawan ay makikilala nya ang dalawang lalaking mahuhulog sa kanyang charm. Isang may cold personality at isang mukhang babaero. Pano nya panghahawakan ang dalawa...