Luna's POV
"Magready kayong lahat paparating na si sir Warren at..." sabi ni Carlo officemate ko. Hindi nya na natapos ang sasabihin nya kasi nasa likuran nya na pala si sir Warren.
"Excuse me Mr. Devera" sabi ni sir Warren.
"Ah sorry po sir" pagpapaumanhin ni Carlo at saka tumabi para bigyang daan si Boss.
"I just want to announce that Mr. Tiu will be observing us afterwards, kaya make sure na ginagawa nyo yung task nyo."
My gosh what's with the atmosphere ang tahimik ng lahat ganito ba sila kapag kaharap sya?
And in unexpected situation nagtama ang mga mata namin."You" duro nya
"A-ako po?" nauutal kong tanong habang nakaturo sa sarili ko.
"Are you new here?"
"Yes sir" nag-aatubili kong sagot.
"I see" sabay talikod at dumaretso sa office nya.
*Clap clap* "Let's get back to work!" sabi ni Dre.
Pag-upo ko ay agad akong kinausap ni Peri "For the very first time ngayon lang nakapansin si sir ng baguhang employee." hindi makapaniwalang sabi ni Peri.
"Oo nga kahit ako hindi nya tinanong." sabat ni Jillian.
"Mukhang na struck si sir sa kakaiba mong charm" pang-aasar ni Peri.
"In fairness maganda naman si Luna may ikakasa.. Ayieee... " kinikilig na sabi ni Jillian.
"Wag nyo ngang bigyan ng malisya yon."sabi ko at nag-umpisang gawin ang task ko at silang dalawa din.
After a couple of hours
Lunch na naman tapos pupunta kaming tatlo sa canteen oorder ng food, then magchichikahan, then after balik sa office.
***
Uwian na naman at natapos ko ang gawain ko sa eksaktong oras. Ayoko naman kasing ipamamaya ang gawin ko para makauwi ako agad tapos inaadvance ko na rin gawin yung iba. Nauuna nga akong umuwi kasi sila Jillian at Peri nagpapahuli dahil hindi pa nila natatapos ang ginagawa nila hindi ko tuloy sila nakakasabay umuwi.
Pag-uwi ko sa bahay ay humiga ako sa sofa. Magiging daily routine ko na ata to. Sarap talaga sa feeling hindi pa nga ako nagkakapagbihis ng pambahay eh. Once na nahiga na ako tatamarin na akong bumangon.
"Nag-usap kami kanina ni Harvey. Meron syang magandang suggestion. Gusto nyang maging tenant ka nya gusto nyang tirhan mo yung apartment nya. Kung okay lang sayo?" biglaan nyang anunsyo.
"Talaga? Mukhang magandang ideya yan."
"At heto pa hindi mo na kailangan magbayad ng deposito, renta na lang ang babayaran mo. Ano sa tingin mo?"
"Okay interesado naman ako"
"Makakatipid ka pa sa pamasahe kasi malapit din sya sa company nyo hindi mo na kailangan bumiyahe ng matagal, 30 minutes lang daw nandun ka na. Ano gusto mo ba?"
"Why not?"
"Sure ka pero kung mas gusto mo pa rin dito okay lang naman sakin."
"Hindi na freny diba sabi ko naman pagnakahanap na ako ng trabaho hahanap na rin ako ng matutuluyan. Nagpapasalamat pa nga ako at tinulungan nyo ako ni Harvey."
"Speaking of him anong tingin mo sa kanya? Sa tingin mo ba okay lang sya para sakin?"
"Bakit mo pa ako tinatanong hindi mo pa ba sya sasagutin?"
"Gusto ko kasing ikunsulta ka at marinig ang opinyon mo. Sa lahat kasi ng mga naging karelasyon ko lahat sila hindi ko tinanong kung bagay ba sila sakin o okay lang sila para sakin. Sinagot ko na lang sila lahat out of the blue."
"Ewan ko wala akong masabi pero kung meron kayong special feelings para sa isat-isa hindi mo kailangang iconfuse ang sarili mo at kung masaktan ka ulit hindi mo na yun kasalan. Kasalanan yun ng mga lalaking manloloko at hindi marunong makuntento."
Sa totoo lang wala akong hilig magbigay ng opinyon lalo na kapag romance ang pinag-uusapan. Hindi ko kasi masasabi kung bagay ba talaga sila para sa isat-isa. Sapat na ba na may parehas silang nararamdaman? Importante pa rin ba ang opinyon ng iba, kung pano nila sabihin na bagay na bagay kayong dalawa na para kayong isinadya ng langit? O dahil rin nararamdaman nila na konektado sila at dahil marami silang pagkakapareha partikular sa hilig kaya nasasabi nilang siya ang perfect para sa kanila.

YOU ARE READING
Suddenly
RomansaIsang pilya at may dalisay na puso ang babaeng si Luna Belle Castelo. Sa kanyang kagalawgawan ay makikilala nya ang dalawang lalaking mahuhulog sa kanyang charm. Isang may cold personality at isang mukhang babaero. Pano nya panghahawakan ang dalawa...